10) LDR

18 2 0
                                    

Minsan natatawa nalang ako
Pag naririnig ko ang mga letrang to
Sabi nila imposible daw to
Sabi ko naman depende yan sa tao

May mga magkasama, pero di masaya
Dahil ang pag-ibig di nasusukat ng distansya 
Eh ano kung malayo ka at wala sa tabi niya?
Ang commitment lang naman sa isa't- isa ang mahalaga

Ang pag-ibig kase handang magsakripisyo
Lalo na't alam mong para din naman sa inyo
Malapit man o malayo, pareho lang yun
Kung nagiging tapat ka paninindigan mo yun

LDR....... Sabi nila imposible daw magtagal

Sabi ko naman walang imposible sa taong nagmamahalan
Lalo ngang dito masusubukan ang katatagan
At pangakong kayang panghawakan

LDR... Kahit abutin man ng kung saan
Kahit nga makarating ka pa sa buwan
Magkabilang mundo ay di makahahadlang

TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon