Kathryn
Good morning! Papunta na ko sa shop kung saan andun na si Cryzel and Dave. Buti pa sila may lovelife na. Pero yung lovelife na sinasabi ko ay hindi sila kanya-kanya. Girlfriend ni Dave si Cryzel. Ohdiba? Ako na OP sa kanila. Tss. Kung di ko lang sila kaibigan eh.
*riiiiingg riiiiiingg*
Speaking of Cryzel, she's calling me na..
A: Hello Cryzel?
C: Kathryn Chandria Hanna Cruz Kramer. Nasaan ka na ba?
A: Papunta na ko (sabi ko habang nagsusuot ng sapatos)
C: Ay nako tigilan mo ko Chandria. Alam kong nasa bahay ka pa.
A: Ah Eh..
C: Lumabas ka na dyan at andito na kami ni Dave sa gate niyo.
A: Okay. Wait for me.
Then I hang up.
Habang nag-aayos ako, I saw my mom na pababa na ng hagdanan.
"Chandr-" sigaw ni Cryzel papasok ng bahay pero napatigil siya nung nakita niya si mama.
"Good Morning, Tita Kath." bati nito kay mama.
"Good Morning din, Cryzel. Saan punta nyo ni Dria?" tanong ni mama.
"Sa starbucks lang po mama. Manlilibre daw po si Dave."
"Si Dave? Yung anak ni Tita Michelle mo?" I nod at hinila ko na si Cryzel palabas.
"Buti na lang hindi matanong si mama ngayon." sabi ko habang binubuksan yung pinto ng kotse ni Dave.
"Sinabi mo pa. Si Tita Kathryn na yata ang pinakamatanong na tao when it comes sa lakad mo, Chandria." singit ni Dave na nakatayo habang umiinom ng softdrinks.
Thank you talaga sa dalawang 'to kaya ako nakakagala ngayon. Kaso lagi naman ako chinecheck ni mama kina Dave. Tss. Daig ko pa ang isang bata eh. Ay oo nga pala. Di pa ko nakakapagpakilala sa inyo. Ako si Kathryn Chandria Hanna Cruz Kramer. Actually working na ako eh kaso ganun pa rin si mama sakin. Buti si papa hindi. Only child lang kasi ako so hanggang nakagraduate na ko ganun pa rin. Haaaay! Sobrang haba ng pangalan ko dahil gusto ni mama na ipamana ang pangalan niyang 'Kathryn'
"Hello? Earth to Chandria." sabi ni Dave while waving his hand.
"Andito na tayo." sabi ni Cryzel.
Lumabas na ko ng kotse at nakita kong may kasama pa pala si Dave at di lang siya isang stranger. He is a total stranger for me. He's back. Francis John Stiles. Ang kakambal ni David Edvard Stiles. Shit. Bakit ngayon ka pa bumalik?
Francis
Kakagising ko lang dahil kakauwi ko lang galing States. Ako si Francis John Stiles. 24 years old. No girlfriend since my last break up which is kay Chandria. Naghiwalay kami summer before college starts. Reason? Kailangan ko na umalis para mag-aral sa States. Sa tuwing naaalala ko yun, di ko maiwasan magalit sa sarili ko kasi naging makasarili ako.
BINABASA MO ANG
The Heart Wants What It Wants
Short StoryYou can't please your heart to love someone you don't love. It beats for someone unexpectedly not just once but twice. What will happen to Hanna and John for their second chance as a couple? Will they have a happy life or a sad one?