Chandria
"Ano?! Pupunta dito si John?" gulat kong sigaw. Nakita kong tumatango yung dalawang yun.
"Bakit daw?" tanong ni Cryzel. Napahawak ako sa tummy ko kasi feeling ko nasipa. Ang sarap pala sa pakiramdam na malapit ko na makita yung anak ko.
"Something wrong, Chands?" tanong sakin ni David. Umiling ako. "Gusto ko lang malaman kung ano yung gender ng baby ko." sabi ko. Six months na din kasi akong buntis at 8 months na ko andito sa states. Grabeng laki ng tiyan ko. Feeling ko dambuhala na ko eh.
"Sige. I'drop ko nalang kayo ni Cryzel sa hospital." sabi niya.
"Thank you." sabi ko.
"Saan ka pupunta?" sabi ni Cryzel.
"Susunduin si John sa airport. Tumawag kasi si nanay sakin at hinabilin ang kapatid ko sakin." sabi niya.
"Okay. Maliligo na ko." sabi ko. Umalis na ko sa pagkakaupo ko sa sofa at pumunta na sa kwarto ko.
David
Dinrop ko na sina Cryzel sa hospital. Papunta na ko sa airport para sunduin ang kapatid ko.
"Bro!" sabi ko at nagmanly hug kaming dalawa. Sobrang namiss ko tong kapatid ko.
"Namiss kita." sabi niya. Namiss nya daw ako? Nabakla na yata 'to eh.
"Nababakla ka na ba bro?" tanong ko pero di nya ko sinagot pero binatukan naman ako.
"Hindi no!" depensa niyang sabi.
"Pwede bang magtanong?" sabi niya.
"Fire away, bro." sabi ko habang nilalagay yung mga maleta niya sa likod ng sasakyan.
"Galit pa ba sakin si Chandria?" tanong niya. Di ko sinagot yung tanong niya pero eto ang sinabi ko. "Siya na lang tanungin mo." sabi ko at nagdrive na papuntang ospital.
Pumunta na kami ni John sa OB-Gyne clinic.
John
OB-Gyne? Sino buntis? Asteeeeeg! Naunahan pa ko ng kapatid ko magkaanak. Pero at the same time, naiinggit kasi siya magkakaanak na. E ako? Hay nako. Wag na nga.
"Sino hinihintay natin?" sabi ko.
"Si Cryzel and Chands" sabi niya.
"Sino buntis?" pagkatanong ko saktong bumukas yung pinto pero nagulat ako kung sino yung nakita ko. Si Chandria at Cryzel. Tumaba yata siya.
Chandria
Excited ako. Grabe! Double happiness. Gets niyo naman diba? Sorry na lang sa mga di nakakagets. Pero sige na nga. Sasabihin ko na. Kambal ang magiging anak ko. Yes. Kambal talaga. Ang nakakatuwa pa dito, babae at lalaki yung magiging anak ko. Yey! Dati masaya lang ako kasi may papalit na kay John sa buhay ko pero mas naexcite ako kasi kambal sila.
"Don't stress yourself, Dra. Chandria." sabi ng doktor.
"Yes, doctor. Thank you!" sabi ko at lumabas na kami sa clinic at nagulat ako sa nakita kong naghihintay. Si John lang naman at si David.
"Ano ginagawa niyo dito?" mataray kong tanong.
"Sinusundo ka." sabi ni John.
"Whatever." sabi ko at naglakad na palabas.
"Bakit ang sungit non?" sabi niya pero rinig ko pa rin. You still don't have any idea.
"Siya na lang tanungin mo." sabi ni David habang pinupulupot yung braso niya sa bewang ni Cryzel.
Sumakay na kami at unfortunately magkatabi kami. Tss. Sinasadya talaga eh. Bwisit. Nilean ko na lang yung ulo ko sa door ng car pero nagulat ako kasi nilagay niya yung ulo ko sa shoulder niya. Natulog na lang ako kaysa malaman kung bakit siya andito.
John
Nandito na kami pero di ko na lang siya ginising. Binuhat ko na lang sya at nilagay sa kwarto niya. Nilagay ko siya sa gitna ng kama para hindi siya mahulog. Bago umalis, nakita ko puro baby stuffs yung kwarto niya tapos may crib na din. May nakita akong isang papel sa table niya at nagulat ako sa nabasa ko.
Ms. Chandria Hanna Kramer
RESULT: Positive
Positive. Buntis nga siya. Kaya pala ang laki na ng tyan niya. Magiging tatay na ko. Di ko lubos maisip na magkakaanak kami ni Chandria. Kailangan kong mabawi siya para mas lalo kong maramdaman na may pamilya na ko. Tinago ko na yung papel at nakita ko siyang natutulog.
"Bakit kailangan mong itago na buntis ka? Kung natatakot ka baka hindi ko tanggapin yung anak natin, syempre tatanggapin ko iyan. Mahal kita at anak ko yung nasa tiyan mo." sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa noo niya. At lumabas.
"David. Bakit hindi mo sinabi na buntis si Chandria?" tanong ko.
"Ayaw ipasabi ni Chandria na buntis siya kasi baka hindi mo tanggapin yung anak niyo." sabi niya.
"Bakit ko naman hindi tatanggapin yun?"
"Kasi may nakapagsabi sa kanya na lagi daw kayong magkasama ni Vanessa."
Lagi na lang si Vanessa! Tangina. Ano ba gusto nung babaeng yun para tantanan na niya ako?
Napagpasyahan ko na idelete yung fb na ginagamit ko at gumawa ng bago. Pagkatapos kong gumawa, nagsearch din ako para kumuha ng ideya para ligawan siya ulit. I am going to get her back. I will make sure this time, I'll be responsible because hindi lang si Chandria ang aalagaan ko ngayon pati ang magiging anak namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/27163303-288-k563664.jpg)
BINABASA MO ANG
The Heart Wants What It Wants
KurzgeschichtenYou can't please your heart to love someone you don't love. It beats for someone unexpectedly not just once but twice. What will happen to Hanna and John for their second chance as a couple? Will they have a happy life or a sad one?