Chapter Five

14 2 2
                                    

Chandria 

Nagising ako sa sinag ng araw. Anong oras na ba? Napatingin ako sa alarm clock na nasa side table ko at nakita kong five o'clock in the morning na. Pero pano ako nakarating dito sa kwarto ko eh yung huling naaalala ko is nakatulog ako sa shoulder ni John. Pero pano ba talaga ako napunta dito? Tapos nanaginip ako ako na tanggap daw ni J yung magiging anak namin. Bumangon na ko at nag-ayos ng sarili bago lumabas pero pagkalabas ko nakita ko si John na kakatok sana sa pinto.

"Good morning, Mrs. Stiles." sabi niya inirapan ko naman siya. Pumunta na ko sa dining table at nakakita ako ng bacons, ham, eggs and hotdogs. Yung egg is scramble egg. Uwaaaaaah! Matagal na ko nagke-crave sa mga ito. 

"Sino nagluto nito?" tanong ko habang nakita si David at Cryzel na kakalabas lang ng kwarto. Wag kayo ha. Di sila magkasama. Apat yung kwarto dito. Tag-isa kami. Yung kwarto ni John ako nag-ayos nun. So, si John nga ang nagluto nito. Woooooooow! Namiss ko tuloy maging asawa niya. Kasi nung magkasama pa kami sa bahay, lagi ako may breakfast prepared by him. He's so sweet. 

"Kain ka na, Chandria." sabi niya habang hinila yung chair para paupuin ako. Umupo naman ako at kumain. Tahimik lang kami lahat hanggang sa nagsalita si John. 

"Chandria. Pwede bang sumama ako pag nagpacheck up ka sa doctor? Gusto ko sana malaman yung kalagayan niyo ng baby natin." Baby?! Omo. Alam na niya? Pero pano? Nakita kong nagkatinginan ang lovebirds kaya pinanliitan ko sila ng mata. 

"Sorry, best friend. Eh kasi si baboy eh. Tinanong niya ko kung bakit ka nataba. Pero-" napatigil siya sa pagsabi dahil nagsalita si John.

"Huwag ka magalit kay Aso. Nalaman ko din naman kasi yung test result mo nasa table." sabi niya. Ay nak ng. Oo nga pala. Naiwan ko yun sa table. Ang tanga mo, Chandria. 

"Oo na." sabi ko at kumain ulit. 

John 

Nalaman niya na din na alam ko nang buntis siya. Tapos kanina, parang nagsparkle yung mga mata niya nung nakita niya yung pagkain na niluto ko for her. Siguro namiss niya yun. Kasi noon, lagi ko siyang pinaghahanda ng pagkain. 

"Tulala ka na naman." sabi ni Chandria. 

"Alam ko naman yung naiisip mo eh. Oo. Namimiss ko yung times na naghahanda ka ng pagkain for me." sabi niya at nakita ko siyang nagblush. Ang ganda niya. Pano ba naman ako hindi mahuhulog sa taong ito eh para siyang anghel. Tama lang kasi siya yung anghel ko na may dala sa isa pang anghel ko. 

"Chandria, may clinic ka pa ngayon. Halika na." sabi ni Cryzel at nakita kong tumayo na siya at dumeretso na sa kwarto niya. Pagkaalis ng mga girls, kinausap ako ng kapatid ko. 

"Bro. Nagpapalakas ka ba kay Chands?" sabi niya. 

"Ano ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong.

"I mean, nagpapagood shot ka ba kay Chandria?" 

"Don't call it a good shot bro. Gusto ko lang makabawi sa kanya. At sa magiging anak ko."

"Correction, bro. Magiging mga anak niyo." sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Mga anak? 

"Mga anak?" 

"Oo. Kambal yung isisilang ni Chandria. Mukhang nakuha niya yun sa atin."

"Talaga?" excited kong sabi.

"Oo nga! Ang kulit mo baboy." sabi niya. Tumigil na ko baka maging brutal na naman tong aso na 'to. Nakita kong lumabas siya nang nakatali yung buhok tapos naka maternity dress. She looks so elegant but simple. 

"Hoy. Matutunaw na si Hanna!" sigaw ng kapatid ko sakin. 

"Ah eh." yun lang naisagot ko at nakita ko siyang umalis na at pumunta sa kwarto niya. Mukhang papasok na din yung kakambal ko. 

Chandria

Pagkalabas ko ng kwarto nakita ko siyang nasa kitchen pa rin. Ang cute niya!! Omo. Napansin niyang nakatitig ako sa kanya kaya agad akong tumalikod pero naramdaman kong may yumakap sakin. Naamoy ko yung pabango at di ako nagkamali na si John yun. 

"I'm sorry. I really sorry." sabi niya. Sa totoo lang di na nya kailangan magsorry kasi napatawad ko na siya. Sabi nga the heart wants what it wants. At eto ang gusto ng puso ko.. Ang mapatawad ko si John. But it doesn't mean that we are going to be a couple agad. I want him to show me more efforts. 

"Napatawad na kita, John." I said at humarap ako sa kanya. Nakita ko yung ngiting napakalapad. I really miss his smile. Niyakap niya ko pero hindi nagpang abot yung mga kamay niya kasi nga malaki na yung tiyan ko. 

"Hoy kayo!! Chandria, halika na. Male-late na tayo. Lalo na ikaw at balita ko madami kang pasyente." sabi ni Cryzel. 

"Talaga?" sabi ko. 

"Oo. Kaya ikaw John, bitawan mo na siya at papasok na kami." sabi niya. 

Nakita kong nagsalute si John kay Cryzel. Paalis na ako nang hilain niya ko at halikan. It's just a kiss that last for 10 seconds. Palabas na ko ng sumigaw siya ng

"We will have a date later. Take care, my princess. I love you!". 

Umalis ako ng bahay na may ngiti sa aking mga labi. At si John ang may gawa noon. Hinawakan ko yung tiyan ko at bumulong, "Babies. You're so lucky to have a father like him." Sumakay na ko para magamot yung mga bata na naghihintay sakin.

The Heart Wants What It WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon