Warning: SPG
John
Medyo mahaba haba ang byahe namin papunta sa rest house namin. Andun na sina mama, sila Tita Kath at Tito Daniel kasama sina ate Chrysler, ate Carlene at kuya Carlo na mga pinsan ni Chandria. Syempre pati ang mga kapatid ko andun din. Ano ba meron at andun sila lahat? Tumingin ako sa magandang anghel na kasalukuyang natutulog sa tabi ko. Narinig kong may kumatok sa window ko kaya lumabas na ko.
"Bro, ang tagal niyong bumaba ni Chandria. Ano nangyari?" sabi ng kakambal ko.
"Nakatulog kasi siya." sabi ko.
"Gisingin mo na si Chandria at naghihintay na sila sa loob." sabi ng kapatid ko at agad bumalik siya sa loob. Ako naman gigisingin ko na siya,
"Chandria." sabi ko tinatap ko yung balikat niya at nakita kong nagising siya. Lord. Pwede bang akin na lang tong anghel na ito? Ang ganda niya kahit bagong gising. She's my definition of perfection.
"Hoy John. Kanina ka pa nakatulala dyan." sabi niya at nakita kong nakasarado na yung pinto at siya nakatayo malapit sa may pintuan ng rest house. Ang gandang anghel nito.
"Tulala ka na naman. Nagagandahan ka na naman sakin." sabi niya at ngumiti siya.
"Asa naman!! Ang panget mong nilalang." sabi ko at lumakad na papunta sa loob. Nakita ko naman siyang sumunod sa akin pero nakapout. Ang cute!!
Kathryn
Hay. Iniwan na naman ako ni J. Kahit kailan tong lalaking ito. Binati kami ni J ng guard nila. Nakita ko yung swing kung saan lagi kami ni J nag-uusap pag may tampuhan kami. Tumigil ako saglit at umupo sa swing. Namiss ko 'to.
John
"Hi nanay and tatay." sabi ko at lumapit si nanay para halikan ako at kanina pa siya lingon ng lingon sa likod ko.
"Nay. May problema ba?" tanong ko.
"Kala ko ba kasama mo si Chandria, J." sabi ni nanay. Hala! Nasan na yung bababeng yon? Naligaw na naman yung babaeng yon. Agad ako tumakbo palabas at pumunta sa lagi naming inuupuan at di ako nagkamali na nandito siya.
"Chandria." tawag ko at tumingin siya sakin.
"Bakit?" sabi niya.
"Hinahanap ka ni Nanay." sabi ko at nakita ko siyang pumasok na sa loob. Sumunod ako sa kanya at nakita kong bumeso siya kina nanay at umupo sa tabi ni tita Kath.
"Okay. Lahat tayo andito na. We have a special announcement. Stiles and Kramer are both agree to introduce the heir of the companies. May I call John and Chandria to come in front?" sabi ni Lolo. What the? Ako? Pwede naman si David na lang ang maging tagapagmana. Pero bakit ako?
"Chandria and John will get married as soon as possible." sabi ni Lolo.
"Lolo. Hindi pwede!" sabi ko. Ayokong mapilitan si Hanna na pakasalan ako dahil dito. Gusto ko mahalin niya ulit ako dahil may nararamdaman siya sakin. At gusto ko siyang suyuin ulit.
![](https://img.wattpad.com/cover/27163303-288-k563664.jpg)
BINABASA MO ANG
The Heart Wants What It Wants
Short StoryYou can't please your heart to love someone you don't love. It beats for someone unexpectedly not just once but twice. What will happen to Hanna and John for their second chance as a couple? Will they have a happy life or a sad one?