Chapter Three

21 2 0
                                        

A/N: After three months, nasa states na naninirahan si Hanna at si John naman nasa Pilipinas para asikasuhin yung company nila. Magkahiwalay silang dalawa. :)

----

Chandria's POV

Three months na simula nangyari iyon. Siguro ayos na ang buhay ko at ang buhay niya ngayon. Siguro nagtataka kayo kung nasaan si John. Well, naghiwalay kaming dalawa. Reason? Nagtaksil lang naman ang magaling kong asawa. Oo. Nakita ko siyang may kahalikang babae sa kama. Kala ko nagbago na siya pero hindi pa rin. He is still the chick magnet he used before. 

"Hanna!!" sigaw sakin ni Cryzel. Siya yung kasama ko dito sa States. Nag-migrate kaming dalawa habang si David naman nandito drin. Pareho kaming doktor ni Cryzel. Si David naman ay isang businessman. Si John naman nasa Pilipinas pero doktor din. 

"Oh bakit?" sabi ko

"Ang dami mo namang kinakain." sabi niya habang ako kain pa rin. Madami na ba ang chicken, spaghetti, burger, peach mango saka isang large coke? 

"Di kaya!!" sabi ko at kinain naman yung burger. Ang sarap ng burger pero bakit parang di ko gusto yung patty nila? Dati naman favorite ko tong brand ng burger but something's wrong about my taste buds. 

"Naglilihi si bruha." sabi niya sabay tawa sakin. Aba! Tumawa pa pero tumawa din ako pero deep inside kinakabahan ako. Gosh. Di kaya totoo yung sinasabi niya? Di maaari. DI pwede. Naramdaman kong naluluha na ko nang mapansin ako ni Cryzel. 

"Hanna. Anong problema?" tanong niya pero di ko siya sinagot. Umiyak lang ako ng umiyak nang makaramdam ako ng pangangasim ng sikmura kaya napatakbo ako sa cr at sumuka. Halos lahat ng kinain ko sinuka ko. Anong nangyayari sakin? Bakit ganun? Tanong ko sa sarili ko habang pumunta doon sa cabinet ko. I saw my napkins na walang galaw. 

"OMG!" napasigaw ako at umiyak na naman. 

"Hanna. Buksan mo ang pinto. Please?" sabi ni Cryzel at binuksan ito. 

"Bakit namumugto ang mga mata mo?" tanong niya. 

"I think I'm pregnant with John's child." diretso kong sabi sa kanya at nakita ko siyang napatakip ng bibig. 

"Oy. Bakit napapatakip ka ng kamay?" tanong ko habang papunta ng kama ko para magpahinga. 

"Masaya lang naman ako. Syempre, matagal niyo nang pinapangarap ni John na magkaroon ng baby 'no. Di ba nangako pa nga kayo sa isa't isa na pag nagkaroon kayo ng baby magpapaparty kayo." sabi niya at nag flashback naman sakin yun. 

*Flashback*

"Babe! Gusto ko na magkaroon ng anak." sabi ni John habang niyayakap ako. 

"Anak agad? Kakakasal lang natin eh." sabi ko sabay pout ng lips at agad niya itong hinalikan pero mablils lang. Sobrang sweet ng asawa ko. 

"Oo nga, Hanna. Para naman may mapagpapractisan kami ni D na baby." sabi ni Cryzel. 

"Ayoko! Hindi pa ko ready maging ina no. Mahirap manganak." sabi ko. 

The Heart Wants What It WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon