Demigoddess - Daughter of Hades

52.2K 1K 224
                                    

erinedipity's

Demigoddess - Daughter of Hades 

"I feel you, bro. As in literally." 

_________________________________________

p r o l o g u e 

"Ano 'to?" Tanong sa'kin ni Papa habang hawak-hawak 'yung bill ng internet. 

Sabi nila weird daw si Papa kaya bagay na bagay siya rito sa ilalim ng lupa (aye rhyme rhyme hihi) pero para sa'kin, parang pangkaraniwang deity lang din naman siya. Draw lots nga ata kasi 'yung ginawa nila Uncle Zeus, Uncle Poseidon at Papa kaya napunta sa kanila 'yung mga area nila ngayon. Ewan, meant to be nga ata si Papa sa mga madidilim at malalawak. 

Anyway...

"Bill ng internet 'yan, Pa. Pang-isang buwan," sagot ko sa kanya sabay ngiti sa kanya ng sobrang lawak. Agad namang nagkasalubong 'yung mga kilay niya dahil sa sagot ko.

May pagka-moody kasi 'tong matandang 'to pero kapag andyan na si Goddess Persephone (a.k.a lagim ng life ko) eh bigay todo siya. Kaloka. Pero kapag minsan din naman halos lagyan na niya 'ko ng lock dahil sa pagiging protective niya. Ewan ba rito, epekto siguro nung ilang taon (or milenya idk tho) niyang pagkakakulong sa tyan ng titan grandfather ko na si Cronus (alam niyo na kasi nga 'di ba na-threaten siya sa powers ng mga gods kaya 'yung mga nauna niyang anak, well except kay Uncle Zeus, eh ginawa niyang mahiwagang bato ni Darna at nilunok). 

"O tapos?" Walang kagatol-gatol naman niyang pagkakasabi. Nabura naman 'yung ngiti sa mukha ko at napalitan ng 'mehhhh' expression. Kung paano 'yun, isipin niyo na lang 'yung feeling kapag binibida mo 'yung favorite show mo sa isang kaibigan pero no or lame reaction lang siya. Ganon.

"Ang gusto kong sabihin," panimula ko sabay upo sa arm rest ng trono ni Papa. "Eh ang mura-mura ng bill tapos hanggang ngayon ayaw mo pa ring magpakabit. Ayaw mo 'yun Pa, 'di na 'ko bababa rito 'tas cha-chat na lang kita," paliwanag ko sa kanya sabay ngiti ulit.

"Alam mo namang ayaw ni--

"Oo na, ayaw ni Persephone," pagputol ko sa sentence niya sabay sigh.

"Goddess," pag-correct niya sa'kin. Hinayaan ko na lang siya at ngumuso. 

Ganon naman 'yung Goddess Hera the second na 'yun eh. Ayaw niya kasi gusto ko. Kaurat. 

Kung may Goddess Hera ang Olympus, aba hindi papatalo ang Underworld 'no! May Goddess Persephone kami at seryoso, para sa'kin mas nakakainis siyang madrasta. Naalala niyo 'yung nangyari kay Minthe na naging kabit (well hindi talaga ganon pero parang ganon na rin basta) ni Papa? Ayon, ginawa niyang herb or halaman or whatever. 'Yung mint ngay? 'Yun, siya 'yun. Ipagsigawan ba naman kasing kabit siya ni Papa? Proud pa siya, ganon? Kaya ayon narinig ni Goddess Persephone at ginawa siyang halaman. Congrats. 

Demigoddess - Daughter of HadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon