Chapter 14: Blackmail and Secrets

3 0 0
                                    

Maxyne POV

Naninibago ako lately sa kilos ni kuya Jungwoo. Palagi siya masungit o nawawala sa mood tuwing babanggitin ko si Xenon. Ano bang meron?

Max: uy kuya Jungwoo bat ang sungit mo nanaman ha. rineregla ka na ba?

Jungwoo: hindi Max naiirita lang talaga ako sayo puro ka Xenon.

Nanahimik nalang ako baka mag away pa kami. Andito kami ngayon sa starbooks dahil may gusto siyang sabihin sa akin kaso ayun binadtrip ko siya kaya ayaw na ata niya sabihin.

Habang kumakain kami bigla kong nakita si Neon pumasok. Ang weird kasi mag isa lang siya at parang patungo siya doon sa babaeng maganda. Hawig niya si Neon, baka ate niya.

Gusto ko sana siya batiin kaso di naman kami close. Kaya kinwento ko nalang kay Jungwoo.

Max: Kuya Jungwoo, si Neon oh.

Jungwoo: Max naman pati ba naman yan sasabihin mo sa akin. Uuwi na nga ako, pero hahatid muna kita.

Oh diba ang sungit.

Xenon POV

Argon: luh sino naman yang Xylene? diba component ng marker yun?

Krypton: oo nga eh. pwede rin pala maging pangalan yun. wala talagang ibang sinabi?

Pinag uusapan namin ngayon sa room kung sino yung Xylene. Wala pa si Neon kaya nachambahan kong iopen up to sa kanila kasi di naman ako pala lihim tulad ni Neon.

Xenon: tara ba iconfront natin siya? kaso pressured siya ngayon dahil nga kay tito Doyoung.

Argon: hayaan nalang muna natin. Nakakaawa naman yung batang pasaway na yun. Sa sobrang down niya may iba na siyang kausap about sa problema niya. Hays.

Neon: pinagpuputak niyo dyan? Nalate lang ako binaback stab niyo na ako. Pati ba naman ikaw Krypton kasabwat dito?!

Krypton: hoy wala pa nga ako sinasabi grabe ka naman. FYI di ka namin binabackstab. Saka nalang namin sasabihin sayo pag medyo ok ka na.

Umupo na si Neon sa tabi ni Krypton. Pero mukha namang kumalma siya kaya pwede na siguro tanungin? Hays taeng curiosity to. Nakakabaliw, parang ako kay Maxyne.

Speaking of the loml, nakita ko siyang dumaan dito sa room at kumatok siya.

Max: good morning sa inyo! Pwede ko ba makausap si Neon?

Ha? Bat si Neon lang. Please wag naman siya mafall kay Neon, mas gwapo naman ako eh.

Neon: Bat ako? Ayaw mo kay Xenon? Gigil na gigil na siya oh. *sabay tingin sa kamay kong linulukot na notebook ni Argon*

Argon: oy pre yung personal development notebook ko!

Bat parang natural nalang o kusang lumalabas yung galit ko tuwing selos ako. Hays.

Max: edi sige kayong apat... Sorry naman .

Nung lumabas kaming apat, tinulak ko paloob yung tatlo. Sheesh ako lang kasi dapat.

Xenon: Magandang umaga Max! Namiss mo ba ako agad?

Argon: Nawala yung katorpehan ah awit. Sige Max, lagi mo muna tawagin isa sa aming tatlo ah ^_^

Epal naman neto. Bawal ba bumati?

Max: may nagpapabigay pala nito sayo Neon. Galing kay Xylene. Ako kasi nakasalubong niya kaya sa akin niya inabot. Saka kilala niya ako di ko alam bakit. Anyway, ito oh. Klase well sa inyo!

Huh? Galing kay Xylene?

Neon: teka nga. Walang susunod ha. Wag ka mag alala Xenon, wala akong gagawing masama.

Krypton: wag ka maniwala Xenon dapat sumunod ka!

Neon: subukan niyo lang makakatikim kayo sakin.

Hinila niya si Max palayo samin. Gusto namin sumunod pero syempre takot kami kahit hindi naman.

Onti nalang talaga tatapatin ko na si Neon tungkol sa Xylene na yan.

Neon POV

Neon: Max tapatin mo nga ako. Stalker ba kita? Sa akin ka ba may gusto? Kasi di ko masusuklian yang feelings mo. Si —

Max: Teka lang Neon ha. May inabot lang ako sayo kalmahan mo naman. Di kita gusto wag ka mag alala.

Natawa pa talaga siya dun. Napahiya rin ako eh. Pero bakit kay Max pa iaabot ni Xy tong LV kong wallet. Reward nga pala niya sakin to kasi top 1 nanaman ako ng klase haha.

Neon: alam kong di tayo close saka magpapakabait muna ako sayo. Let's make a deal.

Max: hmm?

Medyo kinakabahan ako pero wala namang masama kung ibblackmail ko siya sa bagay na di naman niya ikakasira.

Neon: please don't you dare tell them na Xy is my older sister. Di nila alam and mahabang kwento to. If you tell them who she is, sasabihin kong crush mo si Xenon sa buong school. Ayos ba?

Nanlaki yung mga mata ni Max. Don't tell me, crush na nga niya tong tropa ko?

Max: umm... sige? pero hindi ko to ginagawa kasi takot akong ipagsabi mong crush ko si Xenon kasi di naman totoo eh. Rinerespeto ko lang privacy mo ok. Sige una na ako. Bye!

Tumakbo siya papalayo habang namumula. Halata na talaga. Pero si Xenon din manhid.

Krypton: Neon, may ate ka? Bakit wala kang kinekwento sa amin? 

Napatalon ako sa gulat dahil may gago pala na nang e-eavesdrop, lintek na yan.

Neon: gago ka talaga Krypton! Sabing walang susunod eh! Hanggang saan yung narinig mo?!

Krypton: wag ka mag alala, di kita huhusgahan at safe ang sikreto mo sa akin, basta kaya mo na sabihin sa kanila someday. Tara na, malelate na tayo.

Ngayon ko lang nakita si Krypton na seryoso. Alam kong mapagkakatiwalaan ko siya. Pero naisip ko, kung si Krypton hindi ako hinusgahan, edi syempre ganon din sina Xenon. Kaya wala naman sigurong masama kung ikwento ko na sa kanila?

Kaso sayang naman yung blackmail ko kay Max.

Ah, alam ko na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

{[On Going]} ||Noble Boys|| (NCT fanfic) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon