Chapter 11: Paghahamon

9 0 0
                                    

Jungwoo POV

Nakakainis. Bakit parang gumagawa na ng paraan si Xenon para magconfess kay Max?

Alam kong mali na mang epal pero pinoprotektahan ko lang si Max. Alam ko na matagal na siyang may tinatagong pagkagusto sa kaibigan ko.

Winwin: men clinic ba tayo? Baka ma-infection yan.

Jungwoo: no need. May first aid ako dito.

Lagi ako handa eh, boyscout lang ganon.

May dahilan ako kung bakit ayokong maging sila ni Max. Ramdam ko ring posible na magustuhan ni Max yung Xenon na yon. At ayoko yun mangyari.

Winwin: diba friends lang kayo ni Maxyne? Ano yung sinabi mo kanina? Na sayo lang siya?

Jungwoo: torpe yung lalaking yon. Pagkasabi ko nga non nakita kong nanghina siya eh. Di niya kasi kayang umamin. Takot mareject.

Winwin: ikaw din eh. Ayaw mo pa sabihing gusto mo si Maxyne. Torpe ka rin. Hehehe.

Di ako torpe. Ayoko muna ipaalam yung rason ko kung bakit ayoko maging sila. Lalong ayoko na malaman ni Max na gusto ko siya.

Jungwoo: liligawan ko rin si Max. Sinasabi ko sayo.

Nagkibit balikat nalang si Winwin at umupo na sa tabi ko. Kanina kasi nasa tapat ko siya.

*uwian*

Pumunta agad ako sa room nina Max. Pagpasok ko, wala na siya. Baka hinihintay niya ako sa gate.

Papunta palang ako ng gate pero sinalubong ako ng isa sa mga kaibigan ni Xenon. Ewan ko kung sino to pero siya ata yung full sun? Ng klase nila?

Krypton: hi Jungwoo. Asan si Maxyne?

Jungwoo: hinahanap ko rin. Hahatid ko at magdedate kami. Bakit?

Krypton: ayyy hinahanap ko siya kasi may utang siya sa akin eh. Sige salamat.

Utang? Di naman marunong mangutang si Max ah.

Jungwoo: magkano?

Krypton: basta. Bakit?

Jungwoo: eto oh 500. Keep the change. Saka bayad na si Max ah.

Iniwan ko na siya at pumunta na ng gate. Pero nakasalubong ko naman tong isang savage niyang kaibigan. Napag hahalataan ko sila.

Neon: oy. Di ko palalampasin yung ginawa mo sa kaibigan ko.

Jungwoo: bukas na natin ayusin to. Kailangan ko nang ihatid si Max.

Neon: wala akong pake kung may ihahatid ka. Kung pag aagawan niyo si Maxyne, idaan niyo sa maayos na paraan. Ina ka.

Linagpasan niya ako na may halong pagbangga. Sus, pakealam ko sa opinion niya. Di ako affected sa pagiging savage niya. Mahina pa nga yung ginagawa niya.

Bigla namang si Argon na tong nakasalubong ko. Nakakairita na tong noble boys ah.

Jungwoo: pwede ba Argon? Nagmamadali ako.

Argon: oh easy. Inaano kita? Nakasalubong mo lang ako nag init na agad ulo mo. Ano ba problema?

Jungwoo: wala ka na don. Tabi.

Argon: nakita ko si Maxyne umuwi na. Share ko lang, baka hinahanap mo.

Hayy sabi ko kakain kami sa labas eh. Sunduin ko nalang nga sa kanila.

{[On Going]} ||Noble Boys|| (NCT fanfic) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon