Xenon POV
*weekend*
Four days na kaming nag cocompete ni Jungwoo. Di ko inaasahang palagi ako palpak sa pag amin. Kahit siya palpak. Paano kasi, sa tuwing aamin ako, saka siya lilitaw. Tapos ganon din ako sa kanya.
Lucas: Nana, get ready. Pupunta na tayo kina tito Doyoung. Reunion ng chingchong dancers.
Chingchong amp. Koreano tatay at mga tito ko, hindi Chinese.
Papunta kami ni dad at kuya Lucas kina tito Doyoung dahil ayon nga, may reunion sila.
Taeyong: let's eat. Pero medyo bilisan niyo, ayaw ng tito niyo ang late.
Sobrang strict ni tito Doyoung at tito Taeil. Pero si dad at tito Jaehyun, calm lang.
*bahay ni tito Dodong*
Doyoung: you're 3 seconds late. Dahil dyan, kayo ang maghuhugas ng pinggan.
Oh diba. 3 seconds lang may parusa agad.
Lucas: tito Dodong di ka na nagbago. 3 seconds lang naman pero big deal. Kalmahan mo lang!
Doyoung: it's DOYOUNG not DODONG. Sige, since reunion naman, pagbigyan. Come in.
Medyo bumait. Haha.
Taeil: nako Taeyong. Mas uugod ugod ka na ata sa akin.
Taeyong: manahimik ka kung ayaw mong buhusan kita ng HCl. (Hydrochloric acid)
Doyoung: ako lang ang pwedeng mag ganyan hoy.
Mana talaga si Neon kay tito Dodong, este Doyoung. Ganyan na ganyan din siya sa amin eh.
Nagpaalam ako na umakyat muna sa kwarto ni Neon, tutal andon na silang tatlo. Pati si kuya Lucas sumama.
Pagpasok namin, naka upo lang sila sa kama ni Neon, nag uuno.
Argon: uy Xenon, kuya Lucas. Join us!
Lucas: yo bakit yan lang linalaro niyo? Why not xbox? Ps4? Pc?
Krypton: nagbabad kasi si Neon kagabi kaya ayon naconfiscate ni tito Dodong yung gamit niya.
Neon: aish ang ingay mo! Plus 4!
Kawawang Neon. Masyado kasi tong adik sa gadgets. Pero buti nalang with high honors parin siya kahit masyado siyang naaadik sa gadgets. Siya kasi pinakamatalino sa amin. Natutulog lang siya pag pre calculus at general physics namin kasi basic lang daw. Sana all no?
Lucas: matataas naman mga general average mo ah? Pero bat ganon parin si tito?
Neon: gusto niya with highest. Hay, napepressure na ako kay papa. Gusto ko muna umalis dito sa totoo lang.
Bigla kong naalala yon. Oo, pressured siya sa parents niya dahil bukod sa only child siya, expected na mas mataas pa lalo ang expectations sa kanya since simula nung nag aral siya, palagi siyang top 1.
Bale kaming apat din ang top 4 ng klase.
Top 1: Huang Neon
Top 2: Na Xenon
Top 3: Lee Argon and Lee KryptonLucas: ayos lang yan Neon! Kaya lang naman ganyan sina tito at tita sayo kasi alam nilang may itataas pa grades mo!
Neon: Xenon, kuya Lu, pwede bang sumama sa inyo mamaya? Pauwi? Ayoko na talaga dito.
Bigla kaming nalungkot. Kadalasan kasi gago tong si Neon. Simuno rin ng gulo, ng ingay, at ang savage niya. Pero pag ganito, sobrang soft niya. Di siya bakla ah, ganon talaga siya.

BINABASA MO ANG
{[On Going]} ||Noble Boys|| (NCT fanfic)
Novela Juvenil(Noble #1) NCT fanfiction story