Chapter 12

3 0 0
                                    

Hurts

“ Life is a collection of mistakes, you will never learn if you don’t make them. ”

tinitigan ko siya, nagulat ako ng hilahin ako ni Jane pa akyat  sa hagdan halos kaladkarin Niya na ako paakyat, hindi ako naka pagreact at agad na lang nagpatianod kay Jane na hinihila ako , ng maka pasok na kami sa room ay pina upo niya ako at hindi kinausap, nagulat parin ako sa nangyari parang paulit ulit akong sinasaksak ng kutsilyo “ bakit hindi ako kina usap o tinignan man lang ni marc ” pabulong kong sabi agad na hulog ang mga Luha ko, pinunasan ko ito upang hindi mahalata ng mga kaibigan ko.

Nang uwian na ay tulala parin ako, hindi parin ako maka makapaniwala sa nangyari, maraming bakit ang nasa isip ko na hindi ko kayang sagutin.

“ Grace ” sabay hila ni munnieck sa kamay ko, hindi ko na malayan na tumatawid na pala ako sa gitna ng daan at muntik ng masagasaan ng trycle na dumaan.

“ Anong ng yayari sayo bat lutang ka? ” tanong niya saakin. hindi ko siya pinansin masyado ng marami ang iniisip ko ayaw ko ng dumagdag pa sila sa sakit ng ulo ko.

Ng maka dating kami sa bahay ay agad kong chinat si Marc “ bakit! mo ako pinansin kanina? ” tanong ko sa kanya.

Marc:

“ Bakit may problema ba ” sagot niya saakin, biglang nanikip ang dibdib ko, kahit kailan talaga wala siyang paki alam sa nararamdaman ko, kinuha ko ang kumot tsaka tinakpan ang bibig ko para hindi makalikha ng ingay dahil napahagolhol ako, sa sobrang inis ko chinat ko siya at sinumbatan.

Grace:

“ Ganyan kaba ka manhid marc para hindi maramdaman na may nasasaktan ka, Marc gusto kita, gustong gusto kita hindi mo ba nararamdaman yon,” habang nag tatype ako ay dumadaloy ang likidong nanggagaling sa mga mata ko, ngayong umamin na ako sayo wala na akong pagsisihan sa huli Marc. Hindi ko na napigilan ang mapahikbi ng nabasa ko ang reply ni Marc hindi ko Alam Kong magiging masaya ako o malulungkot.

Marc:

“ anong gusto mo magiging masaya ako kasi nalaman kong gusto mo ako, hindi, hinding hindi kasi alam kong katulad Karin nila, pagmakahanap ka ng mas gwapo o mas angat sakin pag sasawaan mo rin ako katulad nila.” reply niya sa chat ko, dahil sa sobrang inis ko binlock ko siya, sino siya para husgahan ang nararamdaman ko sa kanya, sa sobrang bigat ng nararamdaman ko nakatulog ako ng umiiyak.

Nang gumising ako ay 7:30 na, mabuti na lang at sabado Kaya okay lang na late na ako gumising. Nag online ako at binalikan ang conversation namin ni Marc ka gabi, alam kong medyo naging bastos ako sa pag block ko sa kanya ka gabi kaya inunblock ko siya, dahil sa sobrang rupok ko ako parin ang unang nagchat.

Grace:

“ Marc sorry ” chat ko sa kanya, alam kong hindi pa niya iyon marereplyan Kasi alam kong tulog pa siya o naglalaba.

Lumipas ang ilang mga araw ay naging okay narin kami ni Marc, minsan nagseselos parin ako sa mga babaeng kasama niya lalo na Kay Mayco, pero alam kong matured si Marc kaya pinipilit ko na lang maging katulad din sa kanya, matalino si Marc sa math minsan inaasar ko pa siya na  " pa humble " kasi ayaw niyang umamin na matalino siya. Sabi niya lang minsan ay may Alam lang daw siya pero hindi siya matalino.

Lumipas ang ilang buwan ay ganon padin kami minsan binablock ko siya pag nagagalit ako, pero alam kong marupok ako pagdating sa kanya ka ena unblock ko, Alam kong matured na matured mag isip si Marc kahit kailan hindi niya ako inaaway o naka pag salita ng masakit sakin pero ako palagi, kaya hindi ko pagsisihan kung bakit ako umamin sa kanya. Ang paborito Kung. Line niya pag nag chachat kami ay kung tinatanong ko siya kung kumain na ba siya at ang palagi niyang sagot ay “ kanin kita ” kung dumating man ang araw na hindi ako ang para sa kanya ay sana makahanap siya ng babaeng magmamahal sa kanya ng totoo at hindi siya sasaktan.

Niyaya din kami ni Abby na pumunta sa birthday niya kaya pumunta kami habang nag aabang pa kami sa harap ng sta.ana court kasama si Jane ay nakita kung may kumausap kay Marc, agad kong nakilala ang babae siya si Catherine ang ex ni Marc. Matangkad na sa payat si Catherine hindi ko mapagkakaila na maganda siya, mabait din daw siya sabi ng mga kaibigan ko na nakakakilala sa kanya. Agad namang namutla ako sa takot naiinsicure na naman ako sa babaeng ito, alam kung aayawan ni Marc ang ugali ko pag nalaman niyang ganito ang pinag iisip ko kaya natahimik na Lang ako at nagkunwari na nakikipag tawanan kay Jane pero ang totoo e nawawasak ang puso ko. ng maka Alis na si Catherine ay agad akong nagkunwaring maybibilhin lang pero ang totoo ay uuwi na ako, agad kong hinawakan ang dibdib ko habang naglalakad pauwi sa bahay.  chinat ko agad si Marc para makahingi ng pasensya, dahil umuwi ako sa bahay ng hindi nagpapa alam sa kanya alam Kung hindi naman dapat kailangan pero chinat ko padin.

Grace:

“ Marc sorry umuwi ako ” chat ko sa kanya.

Marc:

“ Gaano mo ako ka gusto ” nagulat ako sa reply niya sa chat ko.

Grace:
“ Marc, gustong gusto kita, bakit mo ako tinatanong ng ganyan ” naiinis kung reply sa kanya.

Marc:

“ paano kung e take advantage Kita dahil sa gusto mo ako , paano kung hihingiin ko ang virginity mo ibibigay mo ba? ” nagulat ako sa tanong ni Marc saakin biglang naninikip ang dibdib ko napaiyak na naman ako sa tanong niya, bakit mo ako pinapahirapan ng ganito Marc tanging salita na lumabas sa bibig ko.

Tama na Marc please nasasaktan mo na ako ng paulit ulit, nawawasak mo na ako pero andito padin ako bumabalik sayu.

“I don’t want to be heard, I want to be listened to.” – Twenty One Pilots, “Forest”

Lo siento  Te amo...JosephTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon