Chapter VI

17 0 0
                                    

Umuwi muna siya sa bahay. Nagpalit sila ng duty ng kanyang ama upang bantayan ang kanyang ina. Ang kanyang mga kapatid ay nasa mga eskuwela. Ayaw niyang lumiban ang mga ito dahil sa saying naman ang matutunan sa klase at di rin naman kelangan ng maramaing magbabantay dahil sa natutulog pa naman madalas lang ang kanyang ina.

                Ang bahay nila ay di pa talagang masasabing tapos. Roughly finished kung baga. Pero pinili na nilang lumipat dito dahil na rin sa kagustuhang bumukod na. isa sila sa mga pamilya sa probinsya na nakasuno lamang noon sa kanyang mga lola. Sa malaking bahay ng kanyang lola sila nakatira noong mga maliliit pa sila, dalawa silang pamilyang nakatira roon, pati na rin ang kanyang byudang Lola. Sa isang maliit na kwarto sila noon nagsisiksikan, iisa ang CR, sala at kusina. Sa pagkain ay bukdo bukod sila, pero hati sila noon sa bayarin sa kuryente at tubig. Maluho ang pamilya ng tiyahin niya, dalawa ang pinsan niya rito at kumpara sa kanila, mas mayaman na ang mga ito. At dahil sa mga spoiled brat, ang kanyang karanasan sa pagkabata ay di nagging ganoong kaganda. Naranasan niya ang maraming panlalait mula sa mga ito. Negra, sampid, mataba, palamunin  ang ilan lamang sa mga bansag sa kanya ng mga pinsan niya. Noon ay di siya palakibo, at tahimik na lamang na papasok sa silid nila kapag tinutukso na. pero ng minsang marinig ng Mama niya na nilalait at tinutukso siya ng mga ito, ay di ito nakapagpigil at pinagsabihan siya.

                “Anak, alam ko na masama ang lumaban at sumagot lalo at mas matanda sayo ang mga pinsan mo. Pero, anak hindi masama ang ipagtanggol ang sarili mo lalo na at wala ka naming ginagawa laban sa kanila. Tandaan mo anak na kelangan sa mundo ang maging matatag ka at huwag mong hayaang tapakan ka ng ibang tao. Pinalaki kita sa paraang alam kong mabuti at ipakita mo sa kanila kung paanong hinubog kita upang maghing mabuting tao at maprinsipyong bata”.

                Malabo pa sa kanyang alaala noon kung ano ang kahulugan ng mga katagang namutawi sa bibig ng ina. Ngunit noon pa man ay isinaisip niya ang lahat ng yon at ngayon ngang nahaharap ang kanilang pamilya sa di-mainam na sitwasyon ay mas lalo niyang naunawaan kung ano ang halaga ng mga pangaral ng kanyang butihing Mama.

A Real StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon