Chapter I

39 1 0
                                    

“Life is soooooo unfair!”, sa isip isip ni Sophia habang palabas siya sa opisina ng doctor ng kanyang ina. Ilang lingo na simula ng maospital at maratay ang kanyang ina at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makabayad sa ospital na pinagdalhan niya rito. Limpak limpak na salapi ang kelangan upang makalabas sila sa mala-kulungang detensyong iyon!

               Wala sa sariling umupo siya sa balkonahe ng Galang General Hospital (GGH). Sinulyapan niya ang gusali na iyon. Nakatiles, kumpleto sa pintura ang mga dingding, amoy disinfectant ang buong lugar…at samu’t saring tao ang mga naglalakad sa pasilyo. Mga tao iyong sa unang tingin mo pa lamang ay alam mo ng mga mayayaman. Mula ulo hanggang paa ay masisilaw ka sa mga alahas ng mga taong nagpapagamot duon. At ang mga sasakyan…naku! Talaga nga naming nakakapanliliit sa tricycle na pampasada ng kanyang tatay. BMW, Fortuner, Honda…name it! Sigurado na merong nakaparadang ganung sasakyan sa parking lot ng ospital na iyon.

                Nanlumo siya. Kung ipinanganak nga lamang siyang mayaman. Kung ipinanganak lang syang may kutsarang ginto sa bibig, di sana sya mamomobrelema ng ganito. Kung bakit ba naman kasi dinala niya sa mamahaling ospital ang nanay niya! Kung sana sa provincial ospital na lang niya dinala di sana aabot sa isangdaang libo ang bill niya ngayon at ang siste! Patuloy pa sa paglobo dahil sa hanggang ngayon ay di pa din sila makalabas ng ospital! Di na niya napigilan ang pagbalong ng luhang matagal na niyang tinitimping ilabas. Napakasama ng mundo sa kanya! Bakit pilit na pinapapasan sa kanya ang mga bagay na hindi naman niya kaya! Hirap na hirap na sya! Bakit sya pa! Bakit ang pamilya niya pa! Ang dami daming mayayamang tao sa mundo bakit sa nanay niya pa dumapo ang sakit na yun!

                “Your mom has cancer of the bone, hija, kalat na ang tumor at bukol sa buto niya. She’d be bedridden for the rest of her left life. I’m sorry. 6 months the most we can take out of her.”, malamig na sabi ng doctor kay Sophia.

                Di sya makatinag sa sinabi ng doctor. Di nya ata maa-absorb kung ano yung mga sinabi sa kanya. Napakabata pa ng nanay niya para taningan ng kung sinong pontio pilatong doctor. Ipinasok niya lang sa GGH ang nanay niya dahil sa pananakit sa ulo, ngayon ano na tong nangyari, namanhid na ang kalahati ng kanyang katawan—wala ng pakiramdam mula balakang hanggang paa. Di makadumi, at di na makausap ng matino, parang ung isip ng Mama niya bumalik nung buhay pa nyung lolo niya, a year ago. The rest that transpired after that, malabo na sa isip ng Mama niya. Sabi ng mga doctor dahil daw yun sa bukol na nakakapit na sa buto ng spine ng Mama niya na tumutugon diretso sa utak ng kanyang ina. Dumaan sa series of examintaions ang ina, lahat ng iyon charge sa ospital. Ct scans, various xrays, biopsy bukod pa sa lahat ng gamot na maya’t maya ang turok sa dextrose. Apat na iba’t ibang doctor pa ang tumitingin sa kanyang ina, may internist, oncologist, neurosurgeon, surgeon. Kapag nasa ospital ka para kang nasa isang malaking taxi, lahat ng ginagawa pumapatak sa metro. Ultimo kapag tulog ang nanay niya pumapatak ang metro sa hospital bed at room na gamit nila. Bukod pa yun sa lahat ng gastos labas sa ospital—pagkain nila, pamasahe nilang buong pamilya, pampagas ng pampasadang motor ng kanyang Papa. Labas lahat ng pera, wala namang pumapasok na kapalit dahil lahat sila toka toka sa pagbabantay. Siya nga naka-indefinite leave ngayon sa trabaho niya, ang tatay naman niya di na makapamasada kahit paano sa tricycle dahil kung wala ito sa ospital ay sigurado naman siyang nasa bahay iyon at nagbabawi ng lakas at tulog sa susunod na pagbabantay. Isang malaking bagahe ang pagkakaospital na iyon ng kanyang ina.

                “Kung sana sa lahat ng gastusin na ito eh madudugtungan at mapapagaling lang ang nanay ko eh, ayos lang! kaso naman dyos ko! Ano ba naman na tataningan pa ng lecheng doctor an yun ng anim na buwan! Magsisimula pa lang mabuhay ng maginhawa ang mama ko!”, sa pagitan ng mga hikbi ay mahina niyang naiusal.

A Real StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon