Chapter XII

4 0 0
                                    

Pinunasan ni Sophia ang luhang umagos sa kanyang mata. Masyado siyang emosyonal kanina pa, at ngayong nagsalita siya kina Arianne, hindi na niya napigilan ang maging emosyonal. Masyado ng nagiging malupit ang mundo sa kanya, at kaunti na lamang ay sa tingin niya ay bibitiw na siya.

“Pasensya na kayo saken.,”compose niya sa sarili. “Kayo kasi eh!,”kunwa ay biro niya sa dating kaklase. Binigyan niya ang dalawa ng pekeng ngiti.

“May mga bagay talaga na nangyayari kasi may dahilan, Sophia.” Napatingin siya sa binatang umusal ng mga pananalitang iyon. Si Justin. “Minsan, binibigyan tayo ng Diyos ng mga bagay na ni sa panaginip ay di natin inakalang mangyari, pero nangyayari ang mga iyon hindi dahil sa wala lang. sa lahat ng pagkakataon, ito ay may dahilan. Pwedeng ngayon ang dahilan na yon ay di pa natin kayang intindihin pero darating ang araw na maiintindihan ng isip natin at puso ang mga pangyayaring umukit ng kirot, hapdi at sakit sa puso natin,” nakatitig sa kanya nitong winika.

She was awed with what he said. Pakiramdam ni Sophia ay mula sa kaluluwa nito ang mga sinabi na sa kaluluwa niya din ay tumatak. It was just a simple reasoning she denies to herself sa lahat ng mga masasaklap na nangyayari sa buhay niya. Pero di na niya iyon maikakaila dahil sa sinabi na rin ito ni Justin sa kanya.

She keeps her peace. She was so awed, she felt her heart is thumping so hard. If she does not keep her cool, baka maakap niya ang binata at humagulgol sa mga balikat nito. Gusto niyang malaman ang iba pang mga sasabihin nito upang kumalma siya at lumaban sa mga sandaling iyon at hindi siya nabigo, pagkat inilapit pa ni Justin ang mga mata nito sa kanya. Yung lapit na halos maamoy na niya ang samyo ng pabango nito at mabasa na niya ang nasasaloob sa mga mata nito.

“I know you are strong. You seem to be strong. Pero ang tatandaan mo, Sophia, even the strongest catches cold. In times like this, hindi masama ang panghinaan ng loob, ang masama ay ang panghinaan ka ng loob at hayaan mong talunin ka nun. Ang dapat na gawin mo ay gamitin mo ang panghihina ng loob upang siya mong maging lakas na pwedeng hugutin para pagpatuloy na lumaban. Show the world you can beat their asses”, wika nito saka siya hinimas sa braso at parang batang ginulo ang buhok.

“Smile! And the world will smile onto you,”nginitian siya nito ng ubod tamis na hindi na niya napigilan ang sariling sagutin din ng ngiti ang binata.

                “Oo nga naman, try to cheer up girl”, sabat ni Arrianne. She almost forgot the existence of her old classmate dahil na rin sa binatang di ata at nakuha ang loob niya.

                “Thankyou,Justin”, sulyap niya sa binata. “Sayo din Arrianne”,”naapreciate ko yung effort ninyo to lighten up my mood, salamat sa concern, may utang na ko sa inyo,” dugtong pa niya.

                “Wala yun, isang libreng lunch lang pwede na!”, mapagbirong wika ng binata.

                Napatitig tuloy siya rito. Wala na nga akong pera eh, magpapalibre pa tong kumag na toh!

                “Joke lang, haha. Nawalan ka ata ng kulay nakarinig ka lang ng gastos”, tila komportableng wika nito sa kanya. Natawa rin si Arrianne. “Allergic na ata sa gastusin, Sir”.

                “Alam nyo naming ang dami ko pang babayaran. Akala ko libre lang payo nyo, nagthank you pa ko sa inyo! Yun pala may bayad!,” kunwari ay nginusuan niya ang dalawa.

                “Tingin nga ng bill ninyo, Sophia?”, wika ni Justin. Ipinakita naman niya ito sa binata. Saglit na inaral nito ang papel.

                “Magawan pa natin to ng paraan, kahit pano ay makadiscount ka,”may pagmamalasakit na wika ng binata.

                Curious siyang lumapit dito. “Pano?”, wika niya.

                “Tara, samahan kita kay Ate Lenlen.”, wika ng binata. Akma na itong lumakad papunta sa billing section ng hospital ng takang tiningnan niya lamang ang binata.

                “Ate ko yung head ng billing at admin ng hospital, baka sakaling madiscountan ka niya sa ibang amenities, makatipid ka rin ng ilang libo”, nakangiting wika nito. Hinablot nito ang kanyang kamay na siyang ikinagulat niya.

                “Halika na, wag ka ng magtaka dyan. Kapatid ako nun, sasabihin ko kaibigan kita. Mabait yun.” Wika nito hawak pa rin ang kamay niya. “Arrianne, samahan ko lang si Sophia kay Ate ah”, wika nito sa kaklase niyang nakangiti na rin sa kanilang dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Real StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon