Chapter VII

9 0 0
                                    

Sa isang linggong pananatili sa ospital ng kanyang Mama ay umabot na sa isangdaang libo ang nagging bayarin nila. Kahit nasa semi-private lang silang kwarto ng ospital ay pribado naman ito kaya tiyak ding mataas ang rate. Pati ang professional fees ng mga doctor ay nakadagdag dito, gayundin ang bigat ng halaga ng mga laboratory examinations na ginawa sa kanayng ina. Umupo muna siya sa lounge area ng ospital at kapgdaka ay nagisip. Di birong halaga ang hinihingi sa kanya. At sa katotohanan ay di niya alam kung papaanong iraraos anggastusing ito.

                Loans na lang sa Supreme Court ang tangi niyang inaasahan at on the way na ang isa niyang kasamahan upang ipickup ang cheke ng kanyang utang dito. Dadaan lang sa palad niya ang tatlong taong pagtratrabahuan niyang utang na ito upang ipambayad sa ospital. Pero di bale, sa loob loob niya, at least napapagamot mo ang Mama mo kesa sa hinihintay mo na lang ang oras niya.

                “Ma, Pa”, bungad niya sa mga magulang pagpasok niya sa kuwarto. “Bukas lalabas ka na”, lingon k okay Mama.

                “ Bakit bukas pa anak? Sabi ng doctor ay pwede na daw akong lumabas ngayon”, makulit pa ring wika ng kanyang ina.

                Tila nahulaan ng ama ang kanyang problema, wika nito, “Darling naman, iaayos pa kasi yung mga papeles non, eh hapon na ngayon, bukas pa yun maayos,”

                Di na lamang ako kumibo at inayos na lamang ang kanyang mga gamit. Siyang pagapsok ni Justin.

                “Maam, bp lang po.”, wika nito kay Mama.

                “Oh, Darling, bbp ka lang daw ah. Lalabas lang muna ako saglit, tingnan ko yung motor.”, wika ni Papa.

                “Normal naman po Maam,”turan nito pagkakuha sa BP ni Mama. “Lalabas na daw po kayo, wika nito sabay lagay ng thermometer sa aking ina.

                “Bukas pa daw sabi ni Sophia,” nakangusong sambit nito sa mabait na nurse na tila ba nagsusumbong.

                “Ikaw talaga Ma, nagsumbong ka pa.”

                “Ah, ganun po ba Maam”, magiliw nitong sabi.

                “Binata ka ba?”, bigla ay sabi ni Mama.

                “Hala, Mama. Ano bay an? Bat mo sya tinatanong niyan.”, pero in fairness, curious to the max si ako.

                “Tinatanong ko lang, kasi kung binata ka pa, dalaga tong anak ko oh.”, tuloy-tuloy pang turan nito.

                “Ang ganda naman po ng dalag a nyo Maam.”, sakay nito.

                “Syempre, mana saken. Kung di yan maganda, di ko yan anak.”

                “Mama ikaw talaga ang kulit mo.”

                “Hindi nga hijo, talaga naming maganda ang anak ko, bagay sayo kaya lang nagkulang ka sa height,”hirit ni Mama.

                Napatawa si Justin. Natural talagang taklesa ang Mama niya at isa ito sa mga katangiang kinagigiliwan niya talaga.

                “Oo nga po Maam eh, saying kinulang ako sa tangkad, bagay sana kami ng anak nyo noh.”, lokong sagot nito.

                “Di bale kahit medyo maliit ka, mukha ka naming mabait, di naman sa pisikal na anyo lang ang lahat. Kayong mga kabataan dapat alam nyo yan., seryosong payo ng aking ina.

                “Tama nga po kayo Maam, puso ang dapat na pinapairal. Di naman pisikal lang ang ikinakasal eh, pati ang puso.,”makahulugang tinapunan siya ng tingin nito.

                Nag-init ang kanyang mga pisngi ng nginitian siya ni Justin. “The hell, whats this”, sa loob loob niya.

                “Sarap nyo po palang kausap Maam, kung pwede ko lang kayong madalas na makachika eh,wika nito.

                The choice of word, chika? Haha. Sa isip niya.

                “Dalawin mo ako ulit dito, bago ko umuwi bukas ng di naman ako nababagot. Yung anak ko kasi nakukulitan na saken,”

                “Ma, hindi naman ganon. Ikaw naman eh, nagtatampo ka saken agad.” Sabi niya.

                “Oh, sige po Maam, Sophia, labas na muna ako. Madami pa akong irrounds na patients eh baka di ako makatapos. Mamaya sisilipin ulit kita Maam., paalam nito.

                Hala, first name basis na tawag niya saken?

                “Anak, pogi yun noh?”, nakangisi pang sambit ni Mama paglabas ng nurse.

                “Mama, ikaw ah, salbahe mo, your putting me on the spot.”, kunwa ay nakangusong wika niya.

                “Weh? Di mob a sya gusto? Pero ang liit kasi noh? Awkward sayo masyado?”, kwela pang tugon nito.

                “Mama!”, saway niya.

                “Ang KJ mo. Sige na ano sa tingin mo?”, di pa rin mapigil si Mama.

                “Oo na Mama, may appeal sya.”,suko kong pag-amin.

                “Kilala kita anak, kahit di mo saken sabihin. Sa akin ka lumabas, eka nga ni Vilma, hininga at utot moa lam ko ang ibig sabihin,”wika nito.

                “Hah! Corny na Mama.” Akap niya rito. At least, this light moment made her feel at ease and relaxed. Sometimes, you needed some of the lighter note.

A Real StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon