Chapter II

21 1 0
                                    

Gustong gusto ng lapitan ni Justin ang dalagang kanina pa niya pamaya mayang sinusulyapan. Hirap na hirap ang kanyang kalooban na pagmasdan ang anyo nitong kalunos lunos sa walang tigil na pag-iyak.

                Una pa lamang itong pumasok sa ospital nila ng isugod nito ang nanay ay di na mawala sa isipan ng binata ang magandang dilag. Punong puno ito ng lakas ng loob at determinasyon, di katulad ng ibang mga kadalagahan na kanyang kilala na puro pasarap sa buhay at pagpapaganda lamang ang prayoridad.

                Nurse on duty sya nun ng ma-admit ang pamilya ng dalaga sa GGH. Siya ang nagaassist dito sa kwarto na gagamitin ng mga iyon. Alam niyang di sya pinapansin ng dalaga ng mga panahong iyon dahil sa nanay niya lamang ang mukhang pinakaimportante sa kanya nuon na wala pa ding malay at patuloy lamang ang ungol sa sakit na iniinda. Nung gabi pa lamang ay tiyak na sya na espesyal ang dalaga. Sophia ang naririnig niyang pangalan nito, ayon na rin sa kanyang pageespiya. Buhat ng maa-admit ang dalaga sa ospital ay tuwang tuwa na sya sa tuwing sya na ang duty dahil sigurado siya na masusulyapan na naman niya ang kagandahan at mararanasan na naman niya ang masarap na pakiramdam sa presensya nito.

           Si Sophia na ata ang pinaka-stunning na dalaga na nakilala niya sa buong 25 taon na niyang nabubuhay sa mundo. Matangkad, bilugan pero hindi mataba—voluptuous kung tawagin ang pangangatawan, morena at bumbayin ang ganda. Sya yung tipong mahuhumaling ka sa ganda kapag tinitigan at matamang pinagmasdan. Nasa aura rin nito ang pagiging intelihente at malamang kausap. Tantya niya ay nasa 22 or 23 lang ito pero alam mong napakarami ng naranasan sa buhay kaya mature na sa kanyang age kung magisip. Superior din kung ito ay magsalita, dominante ang personalidad at isang tingin pa lang ay alam mo na kung ano ang gusto niya. Pero actually, hindi si Sophia ang tipo ng babae na magugustuhan ni Justin. Sa edad niyang 25, maliit siya, nasa 5’5’’ lamang ang bentahe ng katawan niya, di rin naman siya kagwapuhan pero tiyak siyang may angkin siyang karisma pagdating sa mga babae. Ang gusto niya sa dalaga ay mestiza at mahinhin, exact opposite sa tingin niya ng personalidad ng dalagang kanyang pinipintuhong mahalin. Siyempre ay magiging awkward din ang pisikal nilang pagkakaiba, pero the hell with physical attributes! Gusto niya ang dalaga at sa panahong iyon yun lang ang mahalaga.

                Parang di masilihan sa nurse station si Justin ng mga panahong yun. Di sya mapakali at parang binabasag ang puso niya habang parang nauulinigan ang paghikbi ni Sophia.

                “Damn it!”, nawika niya ng mabasag ang vial ng tramadol na may kalahati pang laman.

                “ Oh, pare. Anong nangyayari sayo?”, tanong ni Aldrin, kasamahan din niyang nakaduty na nurse,

                “ Wala pare. Pakisabi nalang kay doc kung sakaling hanapin yung kalahati ng tramadol na nabasag ko kamo ng di sadya. Kung icharge saken, ipacharge mo na lang din.”, nasabi niya.

                “ What’s on you?”, kalabit nito sa kanya pagka kuwan. “You’ve been acting strange kanina ka pa.”

                “Disturbed pare,”, sagot niya. The cry of that girl really sucks. Nasa sistema na nya yon kanina pa at tila di mawawala hanggang di nya naaalo at napapatahan ang dalaga.

                “ Disturbed? Ano yun? Nag-away ba kayo ng asawa mo?”, takang tanong nito.

                Ah, yeah right! He forgot to even remember na may asawa nga pala siya! To think na kakapakasal niya pa lang last year and here he goes fantasizing over a girl he barely even knows! What’s happening over you Justin Ramirez! You really are a disturbed soul!

                “Ah, si Leila? Nope, were doing good. We’ve even had a good dinner over our in-laws last night.”, napabuntong-hininga niyang wika.

                “ So what’s with the sigh? Come on spill it over Justin!”, pangungulit ni Aldrin.

                But he wont give any hint sa kasamahan kung kahit siya nga mismo naguguluhan sa mga nangyayari sa kanya ngayon. Hindi na niya pa pinansin si Aldrin ng kulitin siya muli nito habang inaayos nila ang medicines na ibibigay sa mga pasyente nila sa ward. Tuloy tuloy siyang lumakad patungo sa kinaroonan ni Sophia na noon ay patuloy pa din sa pag-iyak, paghikbi. Bilang isang nurse, alam niyang wala siyang karapatan upang halugkatin kung ano nga ba ang nangyayari sa ina ng dalaga. Ordinaryong pasyente lamang ang mga ito, ni wala nga ito sa Suite Room ng ospital upang bigyan niya ng espesyal na atensyon. Ngunit personal ang motibo ni Justin, gusto niyang mapalapit sa dalaga, kahit na pa may asawa na siya!

A Real StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon