Chapter V

8 0 0
                                    

“Inay ano ba yang ginagawa mo?”, hysterical si Sophia pagpasok niya sa kwarto ng kanyang ina. Inabutan niya ang kanyang ina na unti unti ng tinatanggal ang tape ng kanyang dextrose. Inaaral pa nito kung panong tila tatanggalin ang karayom ng dextrose.

                 Dali dali niyang hinablot ang kamay ng Ina. Naiiyak siya sa parang paghahalluciation ng kanyang ina. “Ano ba naman Mama ang ginagawa mo? Dextrose yan, bakit mo naman tinatanggal?”, nailing niyang tugon. “Nakadugtong yan sa pagkain mo! Kapag tinanggal mo yan sige ka tutusukin ka ulit!”, ang tinutukoy niya ang ung dextrose na binili niya na worth 7,000.00, total proper nutrition kasi ang bigay nung dextrose na yun dahil di pwede kumain at uminom ng tubig ang kanyang ina dulot na rin ng di nito pag-dumi.

                “Masakit na kasi anak. Umuwi na tayo, sige na.’, pagsusumamo ng kanyang Ina. Habag na habag na siya sa nakikita niyang anyo ng kanyang ina. Humugot siya ng hininga, mas kelangan niya ngayon ng lakas ng loob, kelangan ng nanay niya ng lahat ng posibleng medical attention. Kung mayaman lang siya, di sana sa mas makalidad na hospital siya nandun, di sana sa mas mainam na kwarto nakalagay ang nanay niya, di sana sa pinakakamagagaling na doctor niya pinapapagamot ang ina. Pero heto siya at pasan ang mundo dahil sa mahirap na kalagayan ng kanyang buhay at pinansyal na katayuan.

                “Mama, di pa po kasi pwede”, hinimas niya ang braso ng ina. “Sige na, magpahinga ka na ulit. Bawal ka pang kumain, yang dextrose na yan muna ang pagkain mo.”, inayos niya ang kumot ng ina. Matama lang itong nakatingin sa kanyang mga kilos. “Oh, nagagandahan k aba sa anak mo?”, biro niya.

                “Halika na anak, umuwi na tayo. Di naman na ako gumagaling ditto eh. Tingnan mo di pa rin ako pinapakain hanggang ngayon. Sa bahay gagaling ako, wala ka pang babayaran.”, seryosong pangungulit ng ina.

                “Ma, eto na naman tayo. Di ba pinaliwanag ko na sayo na di pa nga pumapayag yung doctor na umuwi tayo. Inoobeserbahan ka pa nila, hayaan mo at pagdating ng doctor eh, tatanong natin kung pwede na tayong umuwi ah.,” parang bata na paliwanag niya sa ina. Tumango naman ito at pumikit na upang magpahinga. But, she knows better, alam niyang nakikiramdam lang ito sa mga nangyayari sa paligid.

                Marami ng nagbago sa pag-uugali ng Mama niya simula ng magsimula itong mag-iinom ng mga gamot at makaramdam ng iba’t-ibang sakit. Masayahin at natural na taklesa ang kanyang ina, dito niya marahil namana ang pagiging masayahin at palabiro. Ngunit sa kabila ng pagiging komedyante, strikta rin ito at disiplinado. Masipag ito at siyang nagpalaki sa kanila nung sila ay mga bata pa habang ang kanyang ama ay nasa ibang bansa at nagtratrabaho. Ng mag-3rd year highschool siya ay ang Mama naman niya ang nangibang bansa upang itaguyod ang kanyang pagkokolehiyo, dahil ang Papa niya ay nagkaroon na ng major operation. Siya naman ang tumayo ng nanay nanayan sa kanyang tatlo pang mga kapatid. Di nagging biro ang knailang buhay sa pag-alis ng Mama niya, pero sa kabila ng lahat ng ito, nanatili silang buo at magkakasama.

A Real StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon