2

8 0 0
                                    

"Ok ka lang Lex?"

"Oo Leo salamat"

"Huwag mo ng isipin yun, magiging ayos din ang lahat."

"Sana nga Leo, sana nga"

Kakatapos lang ng klase namin at kasalukuyan akong naglalakad papunta sa bahay namin ng may makita akong mga pulis sa labas.

Kaagad akong tumakbo, diko alam kung saan ako pupunta basta ang alam ko lang ay kailangan kong umalis at lumayo sa bahay namin.

"Congratulations Ms. Alexa Baylon Estrada, you won the Thanatos mobile phone. Please claim your prize at the Thanatos building"

Agad kong tinawagan si Leo para sana magpasama sa building na yon dahil hindi ako pamilyar.

"Lex good news nanalo ako!"

"Wait, ikaw din?"

"Ikaw din? So na-" pinutol ko na ang sinabe niya

"Samahan moko kunin natin yung prize, saan ba yon?"

"Ngayon na agad?"

"Oo, bilisan mo nandito ako ngayon sa bus stop sa may kanto"

"Ok ok papunta nako"

Maya-maya pa nakita ko na ang kotse ni Leo na tumigil sa harap.

"Hey beautiful, need a ride?" pangaasar nya sabay turo sa crotch nya, siraulo!

"Siraulo ka talaga" sabay paltok ng bag ko sa loob ng kotse at sakto sinapol siya don.

"Araaay! Tao ako ha! Nasasaktan din" natawa naman ako. Agad akong sumakay sa kotse sa tabe ng driver seat na hindi na inaantay ang anyaya niya.

"San nga ulit yung Thanatos building"

"Ang alam ko dito sa Manila yung main building nila, pero nakalagay sa instructions dun daw sa building nila sa Laguna makukuha yung prize"

"Ano?!? Sa Laguna? Ang layo naman non!"

"Don't worry my princess ako ang bahala sayo"

"Tumigil ka siraulo, paandarin mo na to!"

"Yes boss!"

Pinaandar na nga ni Leo ang sasakyan niya, pero hindi pa rin maalis sa isipan ko lahat ng nangyari nung isang linggo.

FLASHBACK

"Leo kailangan ko ang tulong mo, pumunta ka rito sa bahay namin please"

Ilang minuto lang ang lumipas dumating nga si Leo sa bahay namin. Bakas sa mukha niya ang pagaalala.

"Anong nangyari dito Lex? Bakit ka umiiyak?"

"Leo si tatay" sabi ko sakanya na may panginginig ang boses habang umiiyak

"Bakit anong nangyari?"

Binuksan ko ang pinto at kitang-kita ko sa mukha ni Leo ang pagkagulat.

"ANONG NANGYARI ALEX!?" sigaw niya

"Hindi ko sinasadya Leo" bigla ko na lang siyang yinakap at sinuklian niya rin ito ng yakap.

"Lex walang dapat makaalam nito maliban sa ating dalawa, alam mo na kung san ka pupulutin pag may nakaalam nito"

"Leo anong ibig mong sabihin?"

"Itatago natin to ok?"

"Pero Leo?"

"Wala ng pero-pero Alex, ayokong makulong ka at tsaka dapat lang yan sa kanya sa lahat ng ginawa niya sayo! Tara tulungan moko itago natin yan"

"Leo"

Natauhan na lang ako ng sikuhin ni Leo ang tagiliran ko.

"Sabi ko kung gutom ka na? Dadaan kase ako sa drivethru"

"Busog pa naman ako thanks"

"Kung iniisip mo pa rin yung nangyari nung isang ling--"

"HINDI KO INIISIP YON!" sigaw ko

"Chill Lex chill ok"

"Sorry"

"Dadaan ako sa drivethru, ibibili kita ng pagkain mo at kakainin mo yon hindi pwedeng hindi ok?"

"Oo na sige na ang kulit mo"

"Ayieee HAHAHA"

"Tumigil ka"

"Ito naman di na mabiro oh"

Salamat Leo alam ko namang gusto mo lang pagaanin ang nararamdaman ko, at pasensya na rin dahil idinamay pa kita sa gulong pinasok ko.

-
-
-

ThanatosWhere stories live. Discover now