Paunawà (Prólog)
Hindi ko matanggap ang nangyari sa akin, sa amin.
Hindi ko matanggap na may iba nang titira sa bahay namin.
Hindi ko mapapayagang may ibang maglaro sa aking duyan.
Hindi ko kayo patatahimikin. Gaganti ako at papatayin ko kayo!
- - -
"Laro tayo ng PENPEN de SARAPEN."
"Sige!"
Inutusan kong kumuha ng kutsilyo ang bata, para kapana-panabik ang magiging laro namin. Tiyempo naman at wala ang kanyang mga magulang at mukhang abala ang dalawa pa niyang kapatid.
"Heto na ang kutsilyo, Penpen."
"Ayan magaling. Tara simulan na natin ang laro... huwag kang matakot, hindi naman ako nangangagat. O, heto hawakan mo muna ang kaibigan kong laruan."
"Kakanta ka habang hawak ang kutsilyo, tapos itutusok mo sa pagitan ng iyong mga daliri. Tignan mo ako ah? Ganito ang gagawin mo."
Pinakita ko sa bata ang dapat niyang gawin. Sana ay walang maging sagabal sa aming paglalaro. At pagkatapos na pagkatapos niyang kantahin ang pampatulog sa akin ni Mama. Sa akin na ang katawan niya! Subalit... hindi natapos ng bata ang kanta, dahil biglang may kumatok.
"Huwag mong sabihin na nandito ako, sabihin mo naglalaro ka lang mag-isa. Dahil kung hindi... papatayin ko kung sino man ang papasok sa kuwartong ito!"
Bumukas ang pintuan.
"D'yosko ka bunso! Bakit may hawak kang kutsilyo?! Hindi mo ba alam na puwede kang masaktan niyan! Saka, ano iyong naririnig kong kinakanta mo?! Sino ang kasama mo?! Ano ang ginagawa ninyo?!"
"Wala po ate. Naglalaro lang po ako mag-isa."
"Naglalaro ka lang? Pero bakit nga may hawak kang kutsilyo?!"
Pinilit ng babae na doon sa kuwarto niya matulog ang batang kalaro ko. Sumenyas naman ang bata sa akin ng paalam. Iniwan na naman ako! Ako na naman mag-isa! Nakakainis! Kung sabagay... may tamang panahon para sa orasyon. Hindi dapat ako magpadalos dalos ng aking desisyon. Sa ngayon nakuha siya ng babae. Pero sa susunod — sisiguraduhin kong hindi na siya makakatakas sa akin!
- - -
Ipaparamdam ko sa kanya ang sakit na naramdaman ko noong gabing pinatay niya ako! Nanggigigil talaga ako nang malaman na ang ama ng batang kalaro ko ang siya palang pumaslang sa akin! Hindi na ako makapaghintay na hatawin siya ng saksak! Gagamitin ko sa kanya ang nangangalawang kong kutsilyo!
Gusto kong gawin ang pinakamarahas na pagpatay!
"Kapag hindi mo pa ako pinatay ngayon! Sisiguraduhin ko sa iyo na hindi ka na muling magkakaroon pa ng pagkakataon para makapaningil at makapaghiganti!"
"Nagagawa mo pa talagang magbanta, sa kabila ng hirap na nararanasan mo ngayon?! Wala ka nang laban! Huwag ka nang pumalag!"
Gagawin ko sa kanya ang hindi niya kailanman makakalimutan, hanggang sa mamatay siya! Pigilan man ako ng anak niya, gagawin ko pa rin ang tama! Ang tama na patayin ko ang ama niya, gamit ang katawan niya!
- - -
Narinig mo na ba ang kantang Penpen de Sarapen?
Makikipaglaro ka ba sa isang batang hindi mo kilala?
Paano kung ang anak mo ang papatay sa iyo?
Ano ang gagawin mo? Papatayin mo rin ba siya?
Tara laro tayo ng PENPEN de SARAPEN, sigurado ako na matutuwa ka sa galak kapag nakipaglaro ka sa amin ng kaibigan kong laruan. Mararanasan mo ang mga bagay na kailanman ay hindi mo naisip na mangyayari sa iyong buhay. Hinding-hindi mo makakalimutan ang magandang pagkakataong ito! Tara, laro na tayo, nasasabik na kaming ibaon sa itong patalim na hawak namin! Chichichi!
This story will remind your Childhood experience.
A Children Song, you will never forget.
BINABASA MO ANG
PENPEN de SARAPEN (My first horror story)
HorrorMay maseselang parte at salita sa kwento. Kaya naman patnubay ng magulang ay kinakailangan. Lagi po tayong magdasal bago matulog. Dahil baka mamaya ay nasa tabi niyo na sila Penpen at Sarapen at yayain kayong maglaro. Ito ang unang katatakutang k...