Introduksyon

85.4K 1.3K 472
                                    

            INTRODUKSYON


Isang batang lalaki ang kapos sa pagmamahal ng kanyang magulang. Uhaw na uhaw sa pansin at pag-aaruga ang bata. Gusto lamang nito na kargahin, yakapin at halikan siya sa tuwing siya ay nagpapapansin. Pero dahil sa laging abala ang kanyang magulang sa kanilang negosyo. Kumuha ng katulong ang ina ng bata. Ngunit, imbes na pag-aalaga ang atupagin. Sa ibang bagay nakatuon ang gawain ng kanilang katulong.  


Ang katulong na kanilang nakuha — isang mahadera, umaastang may-ari ng bahay kapag wala ang kanyang mga amo. Madalas niyang pagmalupitan ang kanyang alaga. Sampal, sabunot at pingot ang madalas nitong ginagawa sa bata. At kahit na magsumbong ang bata sa kanyang magulang — hindi sila naniniwala sa anak, kahit na may ebidensiya na ng pananakit.


Hanggang sa dumating sa punto, na nangako ulit ang ama sa anak na mamamasyal sila at sinabi naman ng kanyang ina na aalagaan siya nito. Kaya... umasa ang bata. Subalit, hindi nangyari ang lahat ng iyon. Nagtampo at nainis ang bata dahil sa pangyayaring iyon. Lumabas siya ng bahay at nagtatakbo — hanggang sa makarating siya sa masukal na kagubatan na malapit sa kanilang bahay. At ang hindi alam ng bata, may lalaking naghihintay at minamatyagan ang kanyang kilos.


Ang bata ay walang awang pinatay ng lalaki na gustong makuha ang kanilang bahay. Higit pa roon... hindi lang ang batang nagngangalang Penpen ang kanyang pinatay, meron pang iba. Kasakiman ang dahilan nang lahat, dahil sa kanyang pangarap na magkaroon ng malaking bahay at marangyang pamumuhay. Pinatay din niya ang kanyang mga amo. Pati ang katulong ay walang ding ligtas sa sakim na lalaki. Walang awang sinunog ng buhay ang katulong nina Penpen.


Sa huli... muling mabubuhay ang bata, kasama ang kaisa-isang kaibigan na laruan. Sa ilalim ng bilog na buwan — muling binuhay ng isang demonyo ang batang si Penpen para makapaghiganti sa taong pumatay sa kanya.


Isang bata at isang laruan ang siyang magpapanginig ng inyong katawan, magbibigay ng takot sa inyong mga isipan at ang kantang PENPEN DE SARAPEN, kantang inyong nakagisnan noong bata pa kayo, magbibigay ngayon ng takot at kaba sa inyong mga puso.


Makipaglaro na kanila PENPEN at SARAPEN.


Kantahin na ang PENPEN DE SARAPEN.


Natapos mo bang kantahin? Mabilis ka bang tumakbo? Marunong ka bang magdasal? Naisip mo na bang nakabigti ka sa puno at tadtad ng maraming saksak? Paano kung sa sobrang tapang mo ay maputulan ka ng ulo? Harapin mo ang galit ng isang batang naghihiganti! Makipaglaro at makikanta, kung ayaw mong pati ikaw ay... MADAMAY!


                                                        - - -

Basahin ang aking unang kuwentong katatakutan na siguradong inyong kapopootan at hindi ninyo bibitiwan hanggang sa huli.  May mga aral din na dapat  ninyong matutunan. PENPEN de SARAPEN (Laro Tayo) pambatang kanta noon, katatakutan laruin ngayon.


© 2014 MieckySarenas

PENPEN de SARAPEN (My first horror story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon