Penpen de Sarapen I: Ang Nakaraan
Masayang-masaya ang mga magulang ko ng ipinanganak nila ako. Nagtatalo pa nga sila sa kung ano ang ipapangalan sa akin. Hanggang sa mapagdesisyunan ni mama na Penpen na lang ang ipangalan, dahil mahilig silang maglaro noon ng Penpen de Sarapen noong bata pa sila. Sumang-ayon naman si papa sa sinabi ni mama.
Simula noon ay Penpen na ang ipinangalan sa akin. Dahil ibig sabihin daw nito ay mabait at masayahing bata para sa kanila. Noong nasa maynila pa kami madalas akong nababantayan at nakikipaglaro pa sila sa akin, dahil malapit lang ang tindahan namin sa aming bahay. Pero nagbago ang lahat ng 'yon ng lumipat kami sa probinsiya. Dahil nakabili si papa ng murang bahay at malaki pa at nagustuhan naman 'yon ni mama, dahil malapit sa tabing-dagat at may palaruan pa.
Ngayon naintindihan ko na kung bakit kami lumipat dito. Dahil iiwan din pala nila ako paglaki ko. Kumuha pa sila ng katulong para may mag-alaga sa akin at maglilinis sa bahay. Ang hindi alam nila mama at papa ay salbaheng katulong ang nakuha nila. Bibihira ang araw na mabait ang aming katulong. Hindi siya biyuda at wala rin siyang anak kaya sobrang sungit niya! Laging nakasigaw at laging nakapanakit. Ewan ko ba kanila mama at papa kung bakit hindi nila nahahalata o napapansin man lang ang mga sugat at pasa ko sa aking katawan. Pero kahit na ganun sila mama--mahal na mahal ko sila, kahit wala silang oras sa akin ay ayos lang. Basta ang mahalaga--nakikita ko sila at kasama ko sila sa iisang bahay.
Isang araw, araw ng biyernes kabilugan ng buwan. May dala sila mama at papa na isang laruan. Isang kulay kayumanggi na laruan. Tinawag ako ni mama para sabihin na may pasalubong sila sa akin. Malaking kahon ang ipinakita sa akin ni mama. Kinuha ko agad ang kahon at binuksan ito. Isang laruan ang nasa loob, masayang-masaya na mangiyak-ngiyak ako dahil sa pasalubong nila mama at papa. Naisip ko na may makakalaro na ako sa twing wala silang dalawa. Kaya't kinuha ko agad ang laruan at pinaghahalikan ito. Sa bigla ko ay napayakap ako kay mama at agad ko rin 'yon tinanggal dahil nag-iisip ako kung ano ang ipapangalan ko sa laruan na regalo nila.
Sa akin na ibinigay ni mama ang desisyon kung ano ang ipapangalan ko sa laruan na bigay nila. Hanggang sa maisip ko ang paborito nilang laro at kinakanta noon ang Penpen de Sarapen. Kaya Sarapen ang ibinigay kong pangalan sa aking laruan. Nakangiti naman si mama at sa tingin ko ay gusto rin niya na Sarapen ang ipangalan ko sa laruan.
Nagpasalamat ako kanila mama. Walang pagsidlan ang tuwa't saya na aking nararamdaman dahil sa magandang regalo nila para sa akin.
"Walang anuman anak. Alam namin na nalulungkot ka kaya binilhan ka namin ng papa mo na pwede mong makalaro." Nakangiting sabi ni mama.
"Oh tama na ang drama. Halina at kumain na tayo. Gutom na ako Honey." Pagyayaya ni papa kay mama.
Iniwan ako nila mama at papa sa sala at pumunta na sila sa kusina para kumain. Hindi man lang ako kinarga ni mama o ni papa. Masaya nga ako kasi may bago akong laruan pero mas sasaya ako lalo kung kakargahin nila ako at hahalikan.
Natapos na silang kumain at agad na umakyat para makapagpahinga, alam ko pagod na ang aking mga magulang kaya hindi ko na sila inistorbo pa. Pumasok na ako sa aking kwarto at dumiretso ako sa bintana, bilog na bilog ang buwan ng sandaling 'yon. Nakakamanghang pagmasdan ang ganda. Nakakawala ng lungkot sa tuwing aking tinititigan ito.
"Sarapen, tignan mo oh ang ganda ng buwan. Mala kahel ang kulay nito na medyo mapula."
Dahil sa wala naman akong makakausap, isinaldal ko si Sarapen sa gilid ng bintana at itiningala ang ulo nito. Gusto ko sa kanya ipakita kung gaano kaganda ang bilog na buwan ng gabing 'yon. Pagkatapos kong titigan ang buwan--tumungo na ako sa aking kama. Hindi naman ako makatulog, kaya ang ginawa ko ay naglaro na muna ako ng Penpen de Sarapen. Naituro naman sa akin nila mama ang larong 'yon ng nasa maynila pa kami.
BINABASA MO ANG
PENPEN de SARAPEN (My first horror story)
HorrorMay maseselang parte at salita sa kwento. Kaya naman patnubay ng magulang ay kinakailangan. Lagi po tayong magdasal bago matulog. Dahil baka mamaya ay nasa tabi niyo na sila Penpen at Sarapen at yayain kayong maglaro. Ito ang unang katatakutang k...