Penpen de Sarapen: Multo

52.4K 705 235
                                    

Kinabukasan…

Maaga akong nagising dahil nasasabik na akong mahagkan ni mama. Kahit tulog ako naiisip ko ang sinabi ni mama na aalagaan niya ako pagkagising ko, umasa ako na siya ang magluluto ng almusal at susubuan niya ako. Nang makita ako ng aming katulong na si aling Toyang parang nagulat pa ito ng makita ako, kaya tinanong ko agad sa kanya kung nasaan sila mama at papa. Ang sabi niya sa akin, kasabay ni papa na umalis si mama.

"Hindi po pwede. Sabi niya po sa akin hindi siya aalis para mabantayan at maalagaan ako."

Tumakbo ako palabas ng bahay para tignan kung nandoon pa ang sasakyan namin. Pero wala akong nakitang sasakyan. Talagang umalis nga si Mama. Sabi niya sa akin hindi siya papasok sa negosyo at hahayaan na niya muna si papa ang tumungo sa maynila. Nakakainis na nakakadismaya ang aking naramdaman.

Inalok ako ni aling Toyang na kumain na ng almusal ngunit wala ako sa kondisyon kumain at sinabi ko sa kanya na siya na lang ang kumain ng pagkain ko, para hindi na siya magluto ng kakaininin niya. Malungkot na malungkot ang itsura ko no'n. Naglakad ako sa hagdan paakyat sa aking kwarto, para akong binagsakan ng langit at lupa ng mga oras na 'yon. Gusto ko mapag-isa. Hindi ako lalabas ng kwarto hangga't hindi umuuwi sila mama.

"Sarapen, bakit gano’n? Sabi ni mama hindi siya papasok? Pero bakit siya umalis. Niloko niya ako, Sarapen. Niloko niya ako!"

Poot ang naramdaman ko sa aking ina, dahil bilang isang anak. Nararapat lang na alagaan niya rin ako kahit na minsan o kahit na ilang oras man lang. Ang kaso hindi nila magawa sa akin, hindi ko naman sila sinasagot ng pabalang kahit na isang beses. Pero kung tratuhin nila ako parang hindi nila ako anak.

Niyakap ko si Sarapen at umiyak na ako. Alam kong abala sila mama at papa sa negosyo namin. Pero nangako siya sa akin eh. Nangako siyang hindi siya papasok pero bakit ganun. Ang sama ng loob ko. Galit ako kay Mama!

Dahil sa sama ng loob na aking nararamdaman, napagpasyahan ko na lumabas na lang ng kwarto at maglakad lakad sa labas. Kahit na alam kong may multo ay hindi ako natatakot, gusto kong magpahangin para mawala ang galit na nararamdaman ko. Pagkababa ko ng hagdan nakita ko si aling Toyang na nag-aasikaso sa kusina, pero hindi na ako nagpaalam, dahil hindi naman niya ako papayagan.

Kasama ko si Sarapen habang nagpapalipas ako ng sama ng loob, malayo layo na rin ang nalalakad ko, hindi ko na alam kung nasaan na ako. Natatakot man ako--hindi ko na lang pinapansin ang nararamdaman ko basta makalayo ako sa bahay at mawala ang sama ng loob ko.

Sa patuloy kong paglalakad ay may nakita akong batang babae na nakatayo malapit sa balon. Nilapitan ko siya subalit biglang huminto ang paa ko sa paghakbang, parang may kung anong nadikit sa paa ko ng sandaling 'yon.

"Hoy! Bata! Hindi ka taga rito dba?" tanong niya sa akin, habang nakatalikod siya. Paano niya nalaman na may tao sa likuran niya.

"Doon ako nakatira malapit sa tabing dagat" sagot ko habang tinuturo ang bahay namin, subalit hindi ko matanaw sa kinaroroonan naming dalawa.

 

"Ah kayo pala yung mayaman dito."

PENPEN de SARAPEN (My first horror story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon