Penpen de Sarapen III: Simula ng pananakot
Aling Toyang's POV
Sumobra na 'ata ang kalupitan ko sa bata. Kailangan kong bumawi kahit papaano. Kaya tinanong ko siya kung kumain na ba siya, dahil alam ko nasaktan ko siya kanina at napagod siya sa paglalaro sa duyan. Pero syempre hindi naman ako papayag nang walang kapalit ang gagawin kong kabaitan. Kailangan niyang sumunod sa iuutos ko, dahil kung hindi malilintikan siya sa akin!
Habang nagwawalis ako sa kusina, dinig na dinig ko ang saya ni Penpen. Mukhang nasasarapan siya sa niluto ko. Syempre, sinarapan ko talaga dahil masarap din ang plano ko sa kanya. Kahit tapos na akong magwalis sa sala, inulit ko ulit ang pagwawalis hanggat hindi pa siya natatapos kumain. At nang sabihin niyang tapos na siyang kumain, nagpasalamat pa si Penpen sa akin. Nagpaalam ito na aakyat na siya sa kuwarto. Hayahay naman siya kung gagawin niya 'yon!
"Penpen, wala pa akong sinabi na puwede ka ng umakyat sa kuwarto mo."
Nakangisi ako ng sabihin iyon sa kanya. Baka akala niya libre lang ang ginawa kong kabaitan. Nagkakamali siya. Kapag tumanggi pa siya sa iuutos ko, sisiguraduhin ko na hindi lang sampal at pingot ang gagawin ko sa kanya.
"Ano po? Bakit po?"
"Naalala mo umulan diba? Nabasa ang sinampay ko at nadumihan. Gusto ko sanang labhan mo ang mga damit ko na nadumihan!"
Sa kabila ng pagpapakabait ko at pinakain ko pa siya ng masarap na pananghalian. Sinuway lang ng bata ang iniuutos ko. Hindi talaga siya nagsasawa na masaktan siya. Talagang sinabi pa niya sa akin na sabi ng magulang niya na dapat ay matulog siya ng hapon. WALA AKONG PAKIALAM! Gusto lang talagang makatikim ng batang 'yon. Wala akong pakialam kung hindi siya marunong maglaba, ang gusto ko labhan niya ang mga damit ko! Nagpasalamat pa talaga siya sa akin dahil pinayagan ko siyang umakyat at matulog. Lakas talagang mang-asar! Tignan lang natin!
- - -
Penpen's POV
Mukhang bumait na nga si aling Toyang sa akin. Dahil hindi niya pinagpilitan ang gusto niya, kahit na nagagalit na ito sa akin. Hindi naman kasi ako talaga marunong maglaba, ewan ko ba sa kanya kung bakit inuutos niya sa akin na gawin 'yon. Nang magpaalam ako sa kanya na aakyat na ako para matulog, nakangiti siyang pumayag ngunit nakasigaw.Nakapasok na ako sa aking kwarto ng may narinig akong paakyat ng hagdan. Medyo luma na rin kasi ang hagdan namin kaya kapag may umaakyat o bumababa ay maririnig mo. Bumangon ako sa pagkakahiga nang biglang gumalaw ang hawakan ng pinto ng kwarto ko at pumihit ito pasarado. Tumayo ako sa kama at tumungo sa pinto, hindi ko mabuksan ang pintuan ng kwarto ko. Sa tingin ko ay sinaraduhan ako ni aling Toyang. Kaya nagsisisigaw ako na buksan niya ang pinto.
"Buksan? Nagpapatawa ka ba Penpen? Diyan ka sa kwarto mo! Ayaw mo sundin ang inuutos ko diba? Gusto mong matulog diba? P'wes diyan ka sa kuwarto mo! Hindi ka makakalabas hangga't hindi ko binubuksan!”
Pagkatapos sabihin iyon ni aling Toyang, hindi na ako nagpumilit pa na buksan niya ang pinto ng kuwarto ko. Kaya bumalik na ako sa kama at humiga na. Kinulong ako ng katulong namin sa kwarto ko, mabuti na rin siguro 'yon kaysa mahirapan ako na labhan ang mga damit niya. Akala ko pa naman bumait na siya. Pakitang tao lang pala.
Kinuha ko ang laruan ko at kinausap ko, "Sarapen, akala ko bumait na talaga si aling Toyang. Hindi pa pala. Kaya pala nag-aalala siya sakin at todo asikaso kasi may iuutos siya. Hayyy!" Pagrereklamo ko.
Pumikit na ako at natulog. At habang natutulog ako ay napanaginipan kong muli si Sarapen na buhay at nagsasalita. Dumilat ako at humarap sa kanya, "Sarapen, napanaginipan ulit kita. Nagsasalita ka at buhay ka. Mahiwaga ang panaginip ko na kasama kita. Salamat Sarapen ah, kasi ikaw lang ang nagsabi sa akin na ipagtatanggol ako at aalagaan. Sana nga buhay ka at nakakapagsalita, para naman may makausap na ako. Alam mo ba na ikaw lang talaga ang nag-iisang kaibigan ko." Bumalik ulit ako sa pagtulog pagkatapos kong kausapin ang aking laruan.
BINABASA MO ANG
PENPEN de SARAPEN (My first horror story)
HorrorMay maseselang parte at salita sa kwento. Kaya naman patnubay ng magulang ay kinakailangan. Lagi po tayong magdasal bago matulog. Dahil baka mamaya ay nasa tabi niyo na sila Penpen at Sarapen at yayain kayong maglaro. Ito ang unang katatakutang k...