Penpen de Sarapen II: Bahaghari
Sarapen's POV
Ako ay hamak na laruan lamang. Ako lang ang nag-iisang kaibigan ni Penpen sa bahay. Sa aking niya lahat sinasabi ang lahat ng nararamdaman niya. Masaya man siya o malungkot, sa akin niya sinasabi ang lahat. Kahit ang magulang niya ay walang pakialam sa kanya. At ang katulong nila ay malupit na salbahe! Awang awa ako kay Penpen sa tuwing makikita kong sinasaktan niya ang bata. Kung buhay lang sana ako--ibabalik ko kay aling Toyang ang lahat ng ginagawa niya sa kaibigan ko. Ayokong nakikitang nasasaktan at umiiyak si Penpen dahil naaawa ako. Bata pa siya, kailangan niya pa ng kalinga at pagmamahal mula sa kanyang magulang, pero ipinagkakait ito sa bata. Kaya no'ng isang gabing bilog ang buwan ay nagsalita itong si Penpen at sumumpa sa ilalim ng bilog na buwan. Biglang kumulog at kumidlat. Ilang segundo lang ay nakidlatan ako at sa nakakamanghang pangyayari ay nagkaroon ako ng buhay. Kaya nang maigalaw ko ang aking kamay ay agad kong niyakap si Penpen para maramdaman nitong may nagmamahal sa kanya at ako lang yun. Wala ng iba. Ako lang!At habang pinagmamasdan si Penpen na natutulog ay bigla itong nagsalita sa boses niya ay antok na antok pa ito hinahanap niya ako. Pero hindi ako sumagot at bumalik na ito sa pagtulog. Penpen matulog ka na muna. Ako na ang bahala!
- - -
Aling Toyang's POV
Pasaway talaga ang batang 'yon sakit sa ulo! Nakakapanggigil! Nakakapang-init ng dugo! Hindi ko maiwasan talagang hindi siya saktan! Maliit na nga ang sweldo ko, dalawa pa ang inaasikaso ko! Bukod sa nagbabantay ng makulit na bata, naglilinis pa ako ng napakalaking bahay. Hay nako! Hindi na rin ako nakapag-asawa dahil sa pamilya niya! Dahil ang dating kong nobyo ay iniwan ako dahil sa wala akong maibigay na pera sa kanya dahil sa sobrang liit ng suweldo na ibinibigay sa akin. Kaya nagtiyaga na lang akong magtrabaho bilang katulong. Sa sobrang inis ko--sa bata ko binubunton ang lahat ng inis at galit na kinikimkim ko. Buti na lang at laging wala ang magulang niya at kaming dalawa lang ng bata ang naiiwan madalas sa bahay. Kaya nagagawa ko ang lahat parang ako ang may-ari ng bahay. At kapag nawala sila sa akin na mapupunta ang bahay na'to!
Habang inaayos ko ang aking higaan para maghanda sa aking pagtulog ay may narinig akong maliit na boses na kumakanta ng kinakanta ng mga amo ko. Sumigaw ako habang sinasalansan ang unan sa aking kwarto ngunit walang sumasagot. Kaya hindi ko na pinansin. Pahiga na sana ako ng makita ko ang laruan ng aking alaga na nakatayo sa pintuan ng aking kwarto.
"Hindi ako sino ka at hindi rin ako tao. Isa akong laruan. TOYANG! chichichi."
Nanlaki ang aking mata ng makita ang laruan ni Penpen na gumagalaw at nang marinig kong magsalita ito--kumabog ang dibdib ko ng napakalakas. Agad akong nakaramdam ng takot ng sandaling 'yon. Ayokong kumurap dahil baka sa pagkurat ko ay nasa tabi ko na ang laruan. Hindi ako makapaniwala na buhay ang laruan ng bata.
"DEMONYO KA!"
Naglalakad palapit sa akin ang laruan, habang ako naman ay paatras na pagapang. Nagulo na ang kanina'y kakaayos ko lang na hihigaan ko.
"Toyang hindi ako demonyo, laruan ako. Natakot ba kita? Chichichi. Nandito ako para paalalahan ka. Huwag na huwag mo ng ulit sasaktan at aapihin si Penpen. Dahil kung hindi ay MAPAPATAY KITA!! Chichichichi." Pagbabanta sa akin ng laruan ng aking alaga. Baka akala niya natatakot ako sa kanya. Baka hindi niya alam na mas malakas ang tao kaysa sa laruan!
BINABASA MO ANG
PENPEN de SARAPEN (My first horror story)
HorrorMay maseselang parte at salita sa kwento. Kaya naman patnubay ng magulang ay kinakailangan. Lagi po tayong magdasal bago matulog. Dahil baka mamaya ay nasa tabi niyo na sila Penpen at Sarapen at yayain kayong maglaro. Ito ang unang katatakutang k...