KABS Chapter 3

645 22 4
                                    

Nanliligaw na sya kay Charlotte. >_<

Tell me, dapat ba kong maging masaya?

Katulong nya ko sa panliligaw niya..

Hindi ba niya nakikita na nasasaktan ako? Hindi ba halata sa mga mata ko?

Ang sakit na.

"Kate.."

"Oh hi Mike."

"Musta na? Gumaganda ka lalo ah." Bolero naman tong isang to.

"Bull's eye. I'm fine. Thanks for the compliment. Musta ka na din? Gwapo lalo ah."

"Bolera ka na pala ngayon. Hindi na masama lalo na at nagsasabi ka naman ng totoo." We both laughed. Totoo naman. "I'm fine. Ikaw? Himala ata di mo kasama si Rayven?"

Hindi ko na kailangan pang sagutin yung tanong niya, kasi, nakita namin pareho si Rayven at Charlotte na lumabas ng canteen.

"I'm sorry." Nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin. Ginawa ni Mike yun para wag kong makitang magkasama si Rayven at Charlotte na nasa Getting-To-Know-Each-Other Status na. "Mas okay ng umiwas ka sa mga bagay na alam mong masasaktan ka. Kaysa naman magpanggap ka na okay ka, kahit deep inside nagpapakamatay na yang puso mo sa daloy ng mga pangyayari."

"Thank you." Speechless ako sa sinabi niya. Umiwas?

"May bayad yan noh!" Inalis na niya yung pagkakayakap niya sa akin. "Ilakad mo naman ako kay Sam."

"Sa....."

Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil biglang sumulpot si Rayven.

And guess what???

KUNG AKO BA SYA ... (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon