AN : 1:30am in the morning, yet, gising pa din ako at naisipan na mag-UD. Hiyang hiya ako sa isang katao dyan! Hahahaha.
--------------------------------------------------
"Kate, pinapatawag ka ni Rayven." Sabi sa akin ni Shaira. Classmate ko. Nakita kong naghihintay si Rayven sa labas. Pagkagaling ko sa school clinic kanina para matignan yung sugat ko dumeretcho na ko agad dito sa room namin.
"Pakisabi na lang may ginagawa ako." Vacant namin ngayon at wala akong pakialam sa kahit na sino. Masama ang araw ko.
Bigla naman naglakad palayo si Shai at ilang minuto pa bigla na naman syang lumitaw sa harapan ko.
"Gusto ka daw nyang kausapin." Tinaasan ko sya ng kilay.
"Sabihin mo sa kanya wala akong oras." Agad naman syang naglakad palayo at nagpunta kay Rayven. Pinagpatuloy ko na yung pagsusulat sa notebook ko ng..
*masakit kayang mahalin sya, try mo.*
Dinaig ko pa yung mga grade school student na pinarusahan at pinagsulat sa one whole paper ng *tatahimik na po kami.* 4pages pa, magkabila ang pagsulat.
Natigil ako sa pagsusulat ng may lumapit sakin.
"Ano bang problema mo?" Sabi ko ng makita kong si Rayven pala ang kaharap ko.
"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" Mariin nyang sabi sa akin. And so?
"Ah. Okay." Tinatamad kong sabi sa kanya. Siguro eto yung epekto kapag nasasaktan ka ng sobra. Nagiging bitter ka sa taong mahal mo, kasi hindi mo na kaya yung sakit na nararamdaman mo.
"Can we talk?" He said.
"Nag-uusap na tayo." Hindi pa din ako nakatingin sa kanya. Paki ba nya?
"Ano ba yang sinusulat mo at hindi mo magawang tumingin sa akin?" Iritado niyang tanong sakin.
Tumingin ako sa kanya at pinanlakihan sya ng mata. "Pangalan ng crush ko, na gusto kong mapangasawa, may magagawa ka?" Para akong naghahamon ng away. Napatigil naman sya at agad kong nilagay sa bag ko yung notebook ko na pinagbuhusan ko ng sama ng loob. Kawawang notebook.
"A-ako ba yan?" He asked na parang nag-aalinlangan.
Pride na lang ang meron ako ngayon na muntik pang mawala..
Iingatan ko na..
"Bakit ko naman pag-aaksayahan ng panahon na mahalin ang isang kagaya mo?" Shit! Tagos sa puso!
"O-okay. Gusto lang naman kitang kamustahin. Yung sugat mo sa paa, kamusta na? Sorry sa inasal ko kanina." Napatigil naman sya sa sinabi nya. "Bakit ka ba nasugat?" He looked so worried..
Sorry, kailangan kitang itulak palayo para hindi na lalo pang masaktan.
"Okay na yung sugat ko sa paa. Kung itatanong mo kung san ako nasugat, nevermind. Hindi na mahalaga." Kinuha ko yung cellphone ko at tinignan kung may message ako.
"Sorry kung nasaktan kita. Ayoko ng ganto tayo." Buti na lang hindi kami napapansin ng mga classmate ko. Kung hindi baka isipin nilang may something sa amin. Well, sakin may something naman talaga. Kay Rayven lang wala. Hinawakan naman niya bigla yung paa ko, at tinanggal yung sandals ko. "Ano bang nangyari?"
"Nabubog lang ako. Dahil sa katangahan ko." Matabang kong sabi sa kanya. Tinignan nya ko na PANO-LOOK. "Remember yesterday? Yung naglasing ka? Well, ako lang naman po ang nagtyagang alagaan ka, at sa hindi inaasahang pangyayari, may tangang bubog na nakakalat, hindi ako naiwasan, kaya nasugat ako. Masaya ka na?" Pagkatapos nun tumayo na ko at lumapit kay Samantha. Iniwan ko syang hindi makapaniwala sa mga nangyari.
Hindi ko na kasalanan yun. Ang kasalanan ko lang naman, minahal ko sya. Lumagpas ako sa pedestal. Kaya ako tuloy ang nasasaktan ngayon.
Nakita kong naglakad na sya palabas ng room namin. Ganun lang yun? Wala man lang sulyap?
Okay. Kahit na masakit kailangan kong tanggapin.
Let him be.
---------------------------------------------
"Sam shopping tayo bukas." Yaya ko kay Samantha.
"Sige." Sabi nya sakin. "Masakit pa ba sugat mo?" She asked.
"Hindi naman na. Bakit?" Kasalukuyan kaming kumakain dito sa may bench.
"Kasi palapit sya satin." Napalingon naman ako sa likod ko at nakita si Rayven na naglalakad palapit sa amin.
Binawi ko yung tingin ko at tinuloy na yung pagkaen.
"Hayaan mo sya." Nasabi ko na lang. May masabi lang kahit na yung totoo eh tensyonado na ko.
"Kate can we talk?" Biglang lumayo sakin si Samantha na parang sinasabi na -mag usap muna kayo.-
I just nodded para maclear na din kung anong issue ang meron kami ngayon.
"Galit ka ba sakin?" Tanung nya nung kaming dalawa na lang ang magkasama at magkatabi dito sa bench.
"No." I'm just hurt. Shit! Bakit ba hindi ko masabi kung ano nararamdaman ko?!
"Then what?" Parang hirap na hirap sya.
"Listen, kahit na alam mo kung ano ang nararamdaman ko para sayo o sa kahit na sino pa, wala ka ng magagawa. Kaya wag mong ipakitang concern ka sa akin kahit na ang totoo, ginagawa mo lang to kasi alam mo na mahal kit---- I have to go." Tumayo na ko pero bago ako makalakad bigla nyang hinawakan yung braso ko.
"Pwede bang tayo na lang?"
-------
Author's note :
Hahaha. I dedicate this chapter to my Cousin's classmate. Hahaha. :) mag ingat ka neng sa boyfriend mo. Hahaa. Kidding.