KABS Chapter 8

540 18 0
                                    

Nakabalik na kami dito sa probinsya namin.

Simula ng malamang ni Rayven na mahal ko sya parang umiiwas na sya sakin. Kailangan na magkalapit kami ulit.

"Ma, help me bake some cookies." Weee~! Kailangan patunayan ko sa kanya na ako ang dapat niyang mahalin at hindi si Charlotte. 

"Sure Kate. Para kay Rayven ba to?" Nanunuksong sabi ni Mama at nagsimula ng i-prepare yung mga gagamitin at sangkap namin sa paggawa ng cookies.

"Yes Ma." Nakangiti kong sabi. Walang dahilan para malungkot ako. Basta may pag asa naman ako kay Rayven..

Mas matagal niya akong kilala at nakasama kaysa kay Charlotte..

Di ba? Tama naman ako..

Mamahalin din niya ko..

Sana..

 Tiwala lang..

"Tumawag nga pala dito si Samantha. Inaaya kang lumabas bukas. Shopping daw." Sabi ni Mama habang nagka-crack ng itlog.

"Sige po tawagan ko na lang sya mamaya." 

Sinimulan na namin ni Mama yung paggawa. Gumawa ako ng hugis puso na cookies. Ang sweet.

After ilang minutes pinaligo na ko ni Mama at sya na daw yung bahalang mag ayos sa mga cookies.

After ilang minutes tapus na ko ulit maligo.

Sinuot ko yung pink dress na binili ko kamakailan lang.

Special tong araw na to, kasi ito yung unang pagkakataon na gumawa ako ng cookies para kay Rayven.

Sigurado ako na magugustuhan niya to.

Ako pa! Lahat ng luto ko masarap para sa kanya.

Kinuha ko na yung basket na pinaglalagyan ng cookies at nagsimula ng lumabas ng bahay. Pinili ko na lang maglakad papunta kila Rayven. Para paghandaan ulit yung pagkikita namin dalawa.

Kailan kaya niya ko mamahalin?

Mahal niya nga ako... bilang kapatid..

Shit! Pumatak na naman luha ko.

Why is this happening to me?

Let me cut this crap! I hate it shit!

Nakarating na ko sa bahay nila at naglakad na sa bakuran.

Narinig kong sumisigaw si Tita Annie,

"Kailan ka pa natutong uminom? Lintek na bata ka!"  Pagkarinig ko nun tumakbo na ko papunta sa kwarto ni Rayven. Nagulat na lang ako ng makita ko na maraming basag na bote yung nagkalat sa sahig. At si Rayven na nakahiga sa kama niya na pulang pula. Epekto ng alak.

"Tita...."

Nilingon ako ni Tita Annie. "Napadalaw ka dito Hija? Pagpasensyahan mo na at hindi kita maaasikaso at...."

"Okay lang po. Mukhang pagod na din po kayo. Magpahinga na po kayo ako na ang bahala dito." Tipid na nginitian lang ako ni Tita at tumango.

"Salamat ha." Lumabas na ng kwarto si Tita Annie, nilapag ko na sa table yung basket at kumuha ng walis para linisin yung mga bubog.

Mamaya ko na siguro ida-dustpan kapag naayos ko na si Rayven.

Kumuha ako ng bimpo at palangganita na may maligamgam na tubig..

Awang awa ako kay Rayven..

Bakit kailangan pa niyang gawin to?

Sinumulan ko na syang punasan sa katawan. I even take off his shirt and get a new. Ang baho niya. T_T

I look at him..

He's so handsome. Pero makikita pa din sa mukha niya yung sakit na nararamdaman niya.

I try to smile...

And began to touch his face..

"Kung ako na lang kasi... Sana hindi ka na nasasaktan." Nagsimula na naman mag una - unahan yung mga luha ko sa pagpatak.. "Ganun ba ko kahirap mahalin?... Sabagay... Mahal mo nga pala ako bilang kapatid..." Dapat na ba kong sumuko? O ipagpatuloy ang laban na ako lang ang lumalaban at naghahangad ng tagumpay na alam kong kahit kailang hindi ko makukuha? Shit! "You're damn hurting me.."

Hinawakan ko yung kamay niya.. Suot suot pa din niya yung bracelet. Pinapahalagahan niya pa din ako.

Aasa pa ba ko? O makontento na lang sa kung ano ang meron kami ngayon?

"I can be.... your...

REBOUND if you'd ask me to."

Sana gising sya at hindi lasing...

Para malaman nya kung ano ang mga kaya kong gawin sa kanya..

Para mahalin lang din nya ko.. :'(

Author's Note : Mwehehe. Pagpasensyahan nyo na po kung hindi ganong maayos tong chapter na to. Hahaha. :) Smile like nothing happened. Just like that. :))

KUNG AKO BA SYA ... (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon