Naglakad ako papuntang café. Pagdating ko nakasalubong ko si Tita Marie.
"Oh, Max anjan kana pala Pwede ikaw muna magbantay ng café may bibilhin kami ni Andrei? Para sa café din kasi." sabi ni Tita Marie.
Tumango nalang ako as a yes.
"Bye Max!!" sigaw ni Andrei palabas ng café kasama si Tita Marie.
Nilagay ko yung bag ko sa may staff room, tapos nag suot ng apron. Kumuha ako ng basahan at pinunasan ang counter.
-----
Pagdating ng mga 8 ng gabi, may dumating na grupo ng mga office workers.
Lumapit yung isang office worker sa may counter.
"Good evening po Sir. May I take your order?"
"Ahm... Yes please. 2 coffee latte, 3 brewed coffee tapos 2 hot choco medium size." sabi ni Kuya.
"That will be 350 pesos"
Nag abot siya ng 350 pesos. Papasok na sana ako sa kitchen nang may dumating na 5 students.
Omaygad ang daming tao ng café. Pano to ako lang magisa? Andrei balik kana!
"Hi Ate Ganda. 3 pong Strawberry frappe, 2 Mocha frappe, 3 pong ice cream tapos 2 banana cake."
Maygaaddd!!! Nakaka stress. Ayaw konaaa!!
"470 pesos po"
Nagabot si Kuya ng bayad tapos bumalik sa table nila.
"One iced coffee with 2 shots" sabi nung lalaki. Bakit ang familiar ng boses niya? Nevermind focus muna sa trabaho.
"Wait lang po Sir. Mag seserve po muna ako sa iba" sabi ko habang ino organize yung mga order.
Pumasok ako sa may kitchen then nag prepare ng coffee latte, brewed coffee at hot choco.
After a while natapos ko na yung first order, paglabas ko sa kitchen nakita ko maraming tao ang nakapila at may nag a assist na sa kanila.
Mukhang si Andrei ata yun.
Lumapit ako sa kanya tapos tinapik yung shoulders niya."Andrei, anjan kana pala. Thank you ha." sabi ko sa kanya.
Lumapit ako dun sa 7 office workers, "Ito na po yung order niyo Sir." sabi ko sabay lapag ng tray.
Bumalik ako sa may counter, muntik ko nang malaglag yung tray nang makita ko si...... Kirk?
Bakit siya andito?"Sino si Andrei?" tanong niya habang nakatayo sa may counter.
"Ahm.... Co-worker ko. Anong ginagawa mo dito?"
Tumingin lang siya sakin, tapos pumasok sa may kitchen.
"A... Ako na gagawa niyan. D... Dun ka nalang sa labas bantayan mo yung mga costumers."
Tumango siya tapos lumabas ng kitchen.
Nag simula na ako gumawa ng mga order, 3 Strawberry frappe, 2 Mocha frappe, 3 ice cream at 2 banana cake.
Pagkatapos, lumabas ako sa kitchen biglang kinuha ni Kirk yung tray.
Habang nag seserve si Kirk, biglang nagring yung phone ko na nasa pocket ko.
"Hello Kuya?"
"Max nag overtime ako eh. Hindi kita masusundo sa work mo. I'm sorry"
"Okay lang Kuya. Ako nalang uuwi magisa Kuya"
"Sige mag ingat ka. Message mo nalang ako kapag naka uwi kana."
Binaba ko na yung phone, biglang lumapit si Kirk deresto sa may counter.
Nagstart na magsilabasan yung mga costumers.
Kinuha ko ulit yung phone ko at tinawagan si Andrei.
"Hello Drei. Asan na kayo ni Tita?"
"Nasa bahay ako ni Tita. Bigla kasing nahilo si Tita"
"Aw. Sabihin mo kay Tita Pagaling siya"
"Kaya mo naman isara yung café diba?"
"Kakayanin"
"Bye ingat ka ha. Message mo ako pag naka uwi kana"
Binaba ko na yung phome ko, tapos biglang nag pupunas na ng table si Kirk
"A... Ako na jaan Kirk" sabi ko sabay agaw sa kanya ng basahan.
Umalis siya tapos pumunta sa may kitchen
----
Nilock ko na yung pintuan ng Café, nang biglang hawakan ni Kirk yung kamay ko.
"Sabay na tayo uwi" mailking sabi niya.
Close ba kami para sabay kaming umuwi? Purket tinulungan niya lang ako.
"Magkaiba naman ata tayo ng way pauwi eh. Kaya ko na umuwi magisa. Kaya no thanks." sagot ko sa kanya.
Tumalikod na ako at umalis. Pero naramdaman kong may nakasunod sa akin.
Paglingon ko nakita ko si Kirk na nakasunod sa akin.
"Ano ba bakit ka ba sumusunod sa akin? Sabi ko kaya kong umuwi nang mag isa." sabi ko.
Tumalikod na lang ulit ako at tumawid. Pero nararamdaman ko pa ding may sumusunod sa akin at alam ko na si Kirk yon. Inis na lumingon ako sa kanya.
"Stalker ka ba. Kapag sumunod ka pa sa akin papapulis kita." inis na sabi ko.
Tumingin siya sa sakin saglit at naunang maglakad. Hala totoo, dun din siya dadaan.
Hinabol ko siya. "Hoy saan ka ba nakatira?" Hindi niya ko pinansin at diretsong naglakad.
Bahala nga siya diyan. Naglakad na ako ng biglang kumulo ang tiyan ko. Nagugutom na ko pero sa Bahay nalang. Baka nasa Bahay na rin si Kuya Mark. Sabay na kami kumain.
Habang naglalakad, may biglang humila sa akin papasok ng Jollibee sa may kanto.
Pagpasok namin ni Kirk, pinaupo niya ako at umalis papuntang counter.
Bumalik siya dala 2 chicken joy with rice, spaghetti, fries at drinks. Umupo siya sa tapat ko.
"Thanks" maikling sabi ko. Tumango lang siya at nagsimulang kumain.
Nagsimula na rin kaming kumain ng tahimik. Pagkatapos kumain, nagsimula ulit kaming naglakad.
------
Nakarating kami sa tapat ng Bahay. Kaya humarap ako sa kaniya.
"Kirk" tawag ko sa kaniya. Lumingon siya sakin at tumingin na parang hinihintay ang sasabihin ko.
"Ahmmm, kailan kapa lumipat sa Street namin? Bakit hindi kita nakikita na dumadaan sa Bahay namin. Ehh di ko nga alam na dito ka din pala nakatira." sunod sunod na sabi ko sa kanya.
"2 months" maikling sagot niya.
Konti nalang talaga, gusto ko na siyang sapakin. Kasi yung feeling na ang haba haba ng sinabi ko tapos mga dalawang words lang isasagot niya sayo. Sino ba namang hindi maiinis sa taong ganon?
"Ahh kaya pala. Sige bye. Ingat ka, thank you."
"Okay"
Nagsimula na siyang maglakad palayo. Pumasok ako sa Bahay nang Makita ko na patay lahat ng mga ilaw, which means wala pa si Kuya. Umakyat na ko sa taas at naligo. Balak ko pa sanang hintayin si Kuya pero pagod kaya matutulog na ko.
YOU ARE READING
Silent
RandomAlam niyo ba yung pakiramdam na may nakilala kang cold at tahimik na lalaki? Pero nagbago siya dahil sayo? Ako si Maxine Castillo, na nagpago ng buhay ni Kirk Ryle Andrada.