Sumakay na ako ng jeep para mas mapabilis akong makauwi. Sa tawag kasi ni Kuya parang important yung pag-uusapan.
Nasa tapat na ako ng gate nang may narinig akong sumisigaw , parang si Kuya Mark ata yun ah. Bakit may ibang kausap si Kuya Mark sa bahay? May kaaway ba si Kuya? Nag-aalala na ko kasi pataas na ng pataas ang boses ni Kuya. Halos patakbo na kong pumasok sa bahay. Binuksan ko ang pinto.
" Kuya, anong nangya-"
"Umalis na nga kayo dito!" sigaw ni Kuya Mark
Hala may kaaway talaga si Kuya. Sino naman? Lumingon ako sa sinisigawan ni Kuya Mark at parang mas ginusto ko na lang gumawa ng Math kaysa makita ang mga taong ayaw ko pang makita.
"Bakit ba kayo andito!?" inis na sabi ko.
"Max, ang laki mo na. Kamusta ka? Kami toh Mommy at Daddy niyo" sabi ng babaeng nasa harap ko.
"MOMMY AT DADDY!? WALA AKONG MAGULANG SIMULA NOON PA!" sigaw ko.
"Kung nakayanan niyong umalis ng 12 taon at walang komunikasyon, kaya niyo rin na huwag kaming balikan." Dagdag ni Kuya Mark.
"Please habang may respeto pa kami sa inyo, umalis na kayo sa bahay namin" mahinahong sabi ko.
"Mark at Maxine naintindihan namin yung nararamdaman niyo. Pero let us explain" umiiyak na paki-usap ni Mommy or should I say Marilene
"Mga magulang niyo kami matuto kayong rumespeto. Pag-usapan natin ito ng maayos." maawtoridad na sabi ni Marko.
" Pag-usapan natin ito ng maayos? Wala na kayong dapat na i-eexplain dahil alam namin na pera ang mas mahalaga sa inyo kaysa sa mga anak ninyo. At wala kaming magulang dahil ang magulang nandiyan sa lahat ng panahon at may oras para supomuporta sa mga anak nila. Inaalagaan ang mga anak at pinaparamdam ang pagmamahal. Pero naramdaman ko bang nandiyan kayo noong nakakatanggap ako ng mga awards sa school at nandiyan ba kayo ng kailangan ko nang mapagsasabihan ko ng problema? WALA. Alam niyo ba yung pakiramdam na nakikita mong yung ibang mga kaklase mo na buo ang pamilya at masaya? Hindi niyo alam kasi wala kayo non. Kaya wala na kayong dapat ipaliwanag, UMALIS NA KAYO!" mahabang sabi ko sa kanila habang umiiyak.
"Naisip naming bisitahin kayo kasi baka ito na yung right time and ibalik lahat sa dati. But we think it's not. Let's go, Marilene. Sabi ni Marko at lumabas ng bahay.
Pagkalabas nila ng bahay, agad kong nilapitan si Kuya Mark at niyakap.
"Kuya, Bakit nung nakita ko sila..... Bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko." sabi ko kay Kuya Mark na yakap yakap parin.
Biglang pumasok sa isip ko lahat ng memories, yung mga times na sobrang naghihirap kami ni Kuya Mark. Yung minsan muntik na kaming mapalayas sa bahay dahil wala na kaming pangbayad. Tapos sila nasa ibang bansa pa chill chill lang, pati nga pagtawag samin wala.
Kung alam lang nila lahat ng pagsakripisyong ginawa ni Kuya Mark para lang mabuhay kami, yung na ospital si Kuya dahil sa sobrang pagod at walang tigil sa pag tratrabaho.
"Okay lang yan Max. Nakayanan naman natin na wala sila, tignan mo. Nakabili na tayo ng bahay, kotse at may maayos na buhay. Ilabas mo lang lahat ng galit mo. Basta lagi mong tandaan na andito lang si Kuya para sayo. I love you so much."
Umiyak kami ng umiyak habang magkayakap nang biglang tumawa si Kuya Mark.
"HAHAHA ang pangit mo umiyak."
"Wow nahihiya naman ako sayo, ka lalaki mong tao umiiyak ka."
"HAHAHA, sige na, umakyat ka na sa taas at magbihis. Maghahanda ako ng pagkain natin."
Umakyat ako sa kwarto ko at nagshower. Nagbihis na ako, pagkatapos bumaba sa dinning area. Nakita ko si Kuya Mark na nakaupo at mukhang problemado.
Hanggang ngayon iniisip pa rin ni ata ni Kuya yung nangyari. Kailangan Makita ni Kuya na okay lang ang lahat at happy go luck lang.
"Mukhang masarap yung adobo mo Kuya ah. Kain na tayo." masiglang sabi ko.
Mabilis akong kumuha ng pinggan, spoon and fork at naglagay ng pagkain sabay subo.
"Gutom na gutom ka ba?" patawang sabi ni Kuya Mark.
"Sobrang sarap kasi nitong Adobo mo Kuya. Ikaw talaga ang pinakamasarap na magluto."
Ang galing mo talaga Max. Mukhang napasaya ko si Kuya. Go Max! Tuloy lang
"Nambobola ka na naman, Max ehh. Sige na kumain ka na lang dyan."
Hindi ako nagbibiro, masarap talaga magluto si Kuya kaya nga busog na busog tuloy ako.
Nagpaalam na ko kay Kuya na aakyat na ko sa kuwarto ko.
Bigla kong naalala si Kirk, naaawa ako kay Kirk kasi siya na naman magsisimula kaya ginawa ko yung Math bago matulog.
Natapos ko ang Math ng mga 10 p.m ,humiga na ako sa kama.
Bigla kong naaalala yung mga times nung bata pa kami ni Kuya Mark, kasama namin yung parents namin. Sobrang saya pa namin non, wala kaming iniisip na problema. Basta palagi kaming magkasama.
Pero bakit naging ganito? Naging magulo ang lahat, ang dami na ding problema ang nangyayari? Di ko na maintindihan.
Di ko namalayan na tumutulo na yung luha ko, at bigla na akong nakatulog.
----
Next chapter

YOU ARE READING
Silent
AléatoireAlam niyo ba yung pakiramdam na may nakilala kang cold at tahimik na lalaki? Pero nagbago siya dahil sayo? Ako si Maxine Castillo, na nagpago ng buhay ni Kirk Ryle Andrada.