YAAAASSSSS!!!! Home time! Liligpitin ko na sana yung gamit ko nang biglang may humawak ng kamay ko,
"Kirk? Bakit?" Pagtatakang tanong ko."Sabay tayo" sagot niya
"Yeah sure!" Masayang sagot ko sa kanya.
Kinuha ko na yung mga book and notebooks ko at nilagay sa bag.
"Arat na" maikling sabi ko kay Kirk at lumabas ng room
--
Habang naglalakad bigla kong naalala na mag oovertime pala si Kuya ngayon. Kaya ako lang magisa.
"Congrats" biglang sabat ni Kirk
"Ahh yung sa math, Hehe ikaw kaya ang may malaking tulong sa project natin. Akalain mo yun perfect score. Lupit" masiglang sabi ko
Tumingin lang si Kirk at nag smirk.
----
"Bye Kirk. Una na ako, ingat ka" sabi ko kay Kirk habang kumakaway
Tumango lang siya at naglakad na palayo. Inantay ko muna siya makalayo bago ako pumasok ng bahay
Pagbukas ko ng pinto, "ANAK!!" Nawalan ako ng gana sa tinig ng isang ginang na dumating sa bahay.
"ANO NANAMAN GINAGAWA NIYO DITO!!" sigaw ni kuya Mark
Akala ko mag oovertime si Kuya? Bakit naunahan niya pa ako?
"Ana--" namang pinutol ni kuya ang sasabihin ni papa
"ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA NYO NOH! NAGPAPAKITA PARIN KAYO PAGKATAPOS NYO KAMING IWAN NG ILANG TAON, HALOS BUONG BUHAY NAMIN WALA KAYO!!" galit at paiyak na banggit ni kuya.
Nasampal ni Mom si kuya dahil sa mga sinasabi nito.
"Anak sorry di ko sinasadya!" umiiyak na sambit ni Mom.
"Sige!! Ipakita nyo pa kung gano kayo ka walang kwenta! Ang kapal nyo tawagin kaming anak pero kahit kailan hindi kayo naging ama at ina sa amin ni Max!!"
sigaw nanaman ni kuya"Umalis na kayo hindi na namin kayo kailangan, nabuhat namin ang sarili namin ng wala kayo at mamatay kami ng wala kayo" sabi ni Kuya at pinipilit paalisin sila Mommy.
"Pasensya na anak sa panggugulo, pasensya na sa pagkukulang namin anak pero mahal namin kayo." mga huling sinabi ni mama at umalis na sa bahay
-----MARK'S POV
Akala ko magiging masaya na ang araw ko ngayon dahil kaarawan ko na bukas. Oo, nasanay na akong wala yung mga magulang ko pero bakit ang sakit na makitang bumabalik sila ngayon para maiparamdam sa amin ni Maxine na mahal parin nila kami.
*Tok tok tok*
"Kuya pwede pumasok?" tanong ni Max"Yeah sure"
"Kuya,ok ka lang ba?"patanong na sabi nya
"Syempre noh ako pa,HAHAHA" pekeng tawa nalang ang naging tugon ko sakanya
"Kuya I know that's a fake laugh. And Kuya alam mo tama naman sila Mommy, umalis at nagtrabaho sila para sa atin,pinaghirapan nila lahat yun tapos ganto lang gagawin natin sakanila." malungkot na sagot ni Max
"Kuya kung sumama nalang kaya tayo sa kanila para hindi naman sila mahirapan,kasi kahit san mo tignan at kahit ano man ang mangyari magulang parin natin sila"sunod na sabi nya bago sya lumabas ng kwarto ko
Tama naman sya eh,bat nga ba nagmamatigas pa ako kanila Mommy, eh simula hanggang dulo ay sila parin ang magulang namin at walang magbabago dun.
Madami akong inisip na plano para makabawi kami kanila Mom and Dad sa pagiisip na yun ay tuluyan na akong nakatulog dahil din sa pagod at antok.
-------
*Kinabukasan
"MAXINE CASTILLO!!!" sigaw ko
"HOY KUYA MARK CASTILLO ANO NANAMNG PROBLEMA MO KA AGA-AGA ANG INGAY MO!!" sigaw pabalik ni Max
"Wala HEHE, arat na kain na anong oras na eh." mahinahong alok ko sakanya.
"Ay Max pagkatapos mo pala kumain maligo at maghanda ka, may pupuntahan tayo".sunod na utos ko sakanya
"Bakit san nanaman tayo pupunta?" tanong nya
"Pupunta tayo kung saan nakatira sila Mom ,makikipag bati na tayo, ikaw kase eh kinonsensya mo pa Kuya mo, pero may point ka naman bunso HEHE ebarg talino at ambait naman ni bunso" sagot ko habang nakangiti
"Syempre noh! Maxine Castillo to eh HAHAHA!!" sagot naman nya
-------
MAX'S POV
Yun oh!! HAHAHA! galing ko talaga nakunsesya ko si kuya HAHAHA cutie Maxine wins HAHAHA!nababaliw nanaman ako HAHAHA!!
Pero ang dami ko din kasing sinabi na hindi maganda kanila Mom, and ngayon ko lang na realize lahat lahat. Lalo na din sa sinabi ni Kirk. So, kaya ko naisipan makipagbati. And mag sosorry sa lahat ng hindi magandang nasabi ko sa kanila.
Kaya ayun, naligo na din ako pagkatapos ko tumawa magisa sa kwarto ko, pagkatapos ko maligo syempre mag toothbrush tayo, achururu tas bihis na ng grey hoodie, short at black tennis shoes.
"KUYA PANGET!!!" tawag ko kay kuya Mark pangasar ko lang sakanya HAHAHAHA!!
"ANO NANAMAN BABOY HA!" syempre mangaasar din sya at dahil pikon ako nainis ako HAHAHA
Ganito lang po talaga kami magmahalan ni Kuya Mark, HEHEHEH
"Ano tara na ba?"tanong ni kuya
"Arat na boi! Ay teka alam mo ba kung saan yung bahay nila Mom?" tanong ko
"Opcors ako pa!! Sakay na bilis bagal bagal pa eh! Ay oo nga pala, ang taba mo kasi kaya ang tagal mo" pagmamadali ni kuya
Aish! Kaya minsan nakakainis magkaroon ng Kuya eh
-----
After the long drive, Tumigil kami sa tapat ng isang malaking mansyon"Hoy babae baba na!!" sabi ni kuya
"Kuya kanino to? Kila mama ba to? Halaahh anlaki!!" namamanghang sabi ko
"Alangan baboy! Kanila papa to ano yon makikiinom lang tayo ng tubig ganon!?" sabi ni kuya
"Oo na sorry na po!! HAHAHA" sagot ko
Naglakad kami ni Kuya paderetso sa isang malaking pinto,
*DINGDONG*
"MAXINE!? MARK!? ANAK!"
------
Next ChapterYOWWWWW WASSAP READER PANIBAGONG CHAPTER NANAMAN ANG INYONG BINASA^•^ISANG MALAKING SALAMAT SA INYO,SALAMAT SA SUPPORT SA AKING KWENTO SANA SUNOD SUNOD NYONG BASAHIN ANG MGA KWENTO NA GAWA KO PATULOY NYO AKONG SUPPORTAHAN YUN LANG LABYA'LL SORRY KUNG MALI YUNG MGA PAGTYPE KO WAG KAYONG JUDGERIST HAHAHA YUN LANG POWS. WAG NIYO DIN PO KALIMUTAN MAG VOTE!
FOLLOW:VATEKAN_2012
🖤🖤🖤Crdts: trish_atot thank you sa tulong at ideaaa
YOU ARE READING
Silent
RandomAlam niyo ba yung pakiramdam na may nakilala kang cold at tahimik na lalaki? Pero nagbago siya dahil sayo? Ako si Maxine Castillo, na nagpago ng buhay ni Kirk Ryle Andrada.