Gumising ako ng mga 5:30 dahil gagawa pa ako ng mga assignment. Dumiretso ako sa CR at naligo. Nagbihis muna ako ng short at over size shirt. Bumababa ako para magluto ng breakfast kasi for sure tulog pa si Kuya.
Habang nagluluto ng hotdog at bacon, may humalik sa pisngi ko.
"Good morning Max"
"Good morning din Kuya Mark"
"Aga mo ata naggising"
"Opo kasi bago pumasok gagawa pa ko ng assignment"
"Ganun ba, sige ako na dyan para makapag start ka na ng assignment mo"
"Okay po Kuya"
"By the way, sumabay ka ba kay Andrei umuwi?"
"Hindi po, yung customer na hinabol ko nung nakaraan at kaklase ko, si Kirk po."
"Kirk?"
"Opo, Kirk Ryle Andrada"
"Kung pwede, iwasan mo siya."
"Ha? Kilala mo Kuya?"
"Ahhh, hi..hindi. Kasi diba hindi mo pa siya ganun kakilala kaya iwasan mo siya."
"Okay po. Sige akyat po muna ako".
Ang weird ni Kuya. Parang may tinatago.
Umakyat na ko sa taas at nagsimulang gumawa ng assignment.
---
Hay natapos na rin ako sa wakas. Saktong pumasok sa pinto si Kuya Mark na naka office attire."Max tara kain na tayo." yaya ni Kuya Mark.
"Sige po susunod ako. Aayusin ko lang po yung bag ko at magbibihis ng uniform" sabi ko sakanya.
"Sige hintayin kita"
Bumaba ako pagkatapos ko mag- ayos.
Kumain kami then sabay kaming pumasok gamit ang kotse ni Kuya.
"Oh Max yung lagi kong bilin sa'yo. Mag-aral ng mabuti at kung maari iwasan mo yung Kirk na yon." paalala ni Kuya Mark.
"Opo, promise. Bye kuya!"
Pumasok na ko ng classroom. At saktong nakita ko si Kirk na nakaupo habang may isinusulat.
Umupo na ko sa tabi niya.
"Kirk, mamaya na tayo gumawa ng groupings sa Math. Dun na lang siguro tayo sa café para makapag work kahit papaano."
Tumango lang siya. Saktong dumating na ang adviser namin na si Mr. Roel.
"Good morning class! Kung naalala niyo may quiz tayo today. So pass this questionare."
"Shit" narinig kong bulong ng katabi ko.
Pinasa na nung nasa harap ko ang questionare. Ang hirap pero kaya ko naman kasi nakareview ako.
Habang nag tetest, may biglang kumalabit sa akin. Pagtingin ko kay Kirk, bumulong siya.
"Max, help. I will pay the food in the café later."
Tumango ako at sinasagot ko lahat ng tanong niya. Okay na yun libre naman pagkain ko. HAHAHA Makakatipid pa ko. Mukhang pagkain talaga ako.
Natapos na yung test sa wakas. Grabe ang sakit sa ulo.
"Okay class, pass the paper." sabi ni Mr. Roel.
Pinasa ko na yung test paper ko at lumabas nang classroom papunta sa susunod na subject. Habang naglalakad, nagsalita si Kirk sa likod ko.
"Wait for me at the main gate." sabi niya sabay alis.
---
Natapos narin ang klase.
Grabe ang sakit ng ulo ko puro quiz.Lumabas na ako ng school at dadaretso sa may café. Pero syempre hihintayin ko pa si Kirk sa main gate.
Pagdating ko sa gate, hindi ko na pala kailangan maghintay. Andun na siya sa gate nakasandal.
Ang gwapo niya habang nakasandal. Kapag tinignan mo siya, matangos yung ilong niya, medyo singkit yung mata, small lips din siya at higit sa lahat matangkad at maputi siya.
Halata sa hitsura niya na mayaman siya at pang artistahin ang mukha kaya hindi mapag kakailang maraming babae ang may gusto sa kanya.
Hindi ko na namalayan na nasa tapat ko na pala siya.
"Tara na" pag aya ni Kirk.
"Sige, para hindi tayo gabihin." sagot ko sa kaniya.
---
Nakarating kami agad sa café kasi nag jeep na kami."Oh Max, sino yang kasama mo?" tanong ni Andrei.
"Si Kirk, classmate ko. Kirk, siya si Andrei."
Tumango lang si Kirk at umupo sa isang vacant seat.
"Cold" bulong ni Andrei sa akin.
"Oo nga pala Andrei may groupings kami ni Kirk, kung pwede ikaw muna sa shift ko. Pero kung kailangan mo ng tulong, tutulungan kita." pakiusap ko.
"Para namang may magagawa ako. Sige na pumunta ka na dun kay Kirk, kanina pa nakatingin." halos pabulong na sabi in Andrei.
Pumunta na ko sa table namin ni Kirk. May binigay siya sa aking papel.
"Yan yung mga kaya kong sagutan." sabi nya.
"Ano ba yung gagawin?"
"Solve yung page 350-351."
"Ahh okay."
Nilabas ko yung book at sinagutan yung ibang number sa 350. Nag- order naman si Kirk ng pwedeng kainin na snack.
"Natapos na natin yung page 350." sabi ko sabay kain ng cake na inorder ni Kirk.
Bigla naman nag ring yung phone ko, Bakit kaya tumatawag si Kuya?
"Hello Kuya Mark?"
"Max pwede umuwi kana? We have a problem."
"Anong problem naman yun Kuya?"
"I'll tell you kapag andito kana"
"Okay"
Binaba ko na yung phone ko, tapos tinitigan ko si Kirk na nag babasa ng libro.
"Ahm, Kirk pwede ba natin ituloy nalang bukas? May problema daw kasi sa bahay eh. Pinapauwi na ako ni Kuya Mark" pag explain ko kay Kirk.
Tinitigan niya lang ako at tumango.
"Sabihin mo nalang din kay Andrei at kay Tita. Thank you talaga, Sorry na din pala." dagdag ko.
Tumango lang ulit siya at bumalik sa pag babasa ng libro.
Kahit kailan talaga no, ang cold mo.Lumabas na ako ng café bitbit and phone at panyo tapos dumiresto na sa bahay.
Ano namang problema yung sinasabi ni Kuya Mark?
----
Next chapter
YOU ARE READING
Silent
RandomAlam niyo ba yung pakiramdam na may nakilala kang cold at tahimik na lalaki? Pero nagbago siya dahil sayo? Ako si Maxine Castillo, na nagpago ng buhay ni Kirk Ryle Andrada.