3: Thank You

28 4 1
                                    


"Ayy sorry nakalimutan ko. Sige tara. Start tayo sa cafeteria."

Nagstart kami naglakad papuntang cafeteria.

"Ito yung cafeteria, everyday iba't iba yung binebenta nila. Meron pang breakfast, lunch and  snacks. Yung mga pagkain dito, nakikita din sa mall. Gusto mo ba bumili?" pag explain ko.

"No" maikling sagot niya.

"Okay next place na tayo"
-----

"Ito yung last place, ang mini forest. Walang masyadong tao dito, kasi abandon place na siya. Pero nalilinis naman minsan."

"Ahhh. Punta na tayo sa registrar. Nabobored na ko.

Hala! Grabe sya. Ako lang nagsasalita tapos okay lang sasabihin at bored pa siya. Pasalamat nga siya nilibot ko pa siya, hindi ko tuloy nagawa yung assignment ko.

"Sorry ha at nabored ka. Tara na nga sa registrar at nang makagawa pa ko ng assignment." sarcastic kong sabi.

Nauna na kong naglakad sa registrar. Kumatok ako.

"Good morning po Maam Aguinaldo" sabi ko sa registrar

"Bakit Ms. Castillo and Mr. Andrada? tanong ni Maam Aguinaldo.

"Kukunin ko lang po yung schedule ko" sabi ni Kirk.

May kinuha si Maam Aguinaldo sa mga folder niya sa may cabinet.

"This is your schedule Mr. Andrada." sabi ni Maam.

"Thank you po" sabay na sabi namin ni Kirk.

Wala nang nagsalita samin hanggang makapasok nang classroom. Umupo ako, sumandal sa upuan at pumikit.

Kkkrrrriiiinnngggg

Biglang nag ring yung bell kaya inayos ko yung upo ko.

"Good afternoon. May pinapagawa si Ms. Almazan sa Math, page 376-378. Isabay niyong ipasa sa assignment bukas. May groupings ring gagawin, by pairs. Your pair is your seatmeate. Sa Friday nyo yan ipapasa. May 2 days pa kayo"  explain ng student teacher.

Seryoso, partner ko si Kirk. Nakakainis naman. Lagi na lang kami magkasama. Okay sana kung masaya siyang kasama ehh.

"Okay yun lang thank you." paalam nung student teacher.

----
Buong klase wala na kong gana makinig. Its already 3:30 p.m. May pasok pa ko sa café. Aalis na sana ako ng may humawak sa wrist ko.

"Kailan tayo gagawa?" tanong ni Kirk.

"Bukas na lang" boring kong sagot. Tatalikod na ko nang hinawakan nya ulit yung kamay ko.

"What?" irita kong sagot

"Thank you" sabi nya at mas nauna nang lumabas.

Wait what?! Omaygaadd!!?? Tama ba yung narinig ko!? Nag thank you siya for the first time!!

----
Next Chapter

SilentWhere stories live. Discover now