Chapter 7: Vice
Bigla akong naalipungatan sa aking alarm na tilaok ng tilaok, bwisit.
Kinuha ko ang kape na aking tinimpla at sinilip ang kuwarto ni mommy na tulog padin.
Naalala ko na naman yung mga katagang binitawan saakin ni Kiel. Ewan ko.
Basta ang alam ko lang.
Umuwi akong nakangiti, nag bihis nang nakangiti, natulog nang nakangiti, gumising ng nakangiti. Na hanggang ngayon nakangiti padin ako.
Iba ang tama mong mokong ka.
Binuksan ko saglit ang tv para malibang habang kumakain sa sofa katabi ng aking kape. Kung saan naman nag sasalita si President Bualid, masasabi kong walang kwenta ang sinasabi nito dahil isang pitik nalang mamamatay na siya. Grr.
Isinukbit ko na ang bag ko at sumakay na sa kotse ni mommy. Tingin ng tingin saakin si mommy na mabilis namang ibinabalik sa daan ang tingin.
"Hmm, sino kayang salarin at biglang nabalot ka ng tuwa at kilig sa sarili?"
Bigla akong natigilan sa pag sandal sa windshield at tumingin kay mommy. Bigla kong binawi ang ngiti ko at ang awkward na.
"N-noth--"
"Is there someone making you happy?"
Mahinahong tanong niya saakin. Argh.
"Wala nga po."
Pag tanggi ko. Binigyan niya lang ako ng nakakainis na ngiti. HAHA palusot pa more.
Pag ka baba ko sa kotse ay agad naman akong sinalubong ni Kiel nang nakangiti.
Hanggang ngayon? Kiel?
"No kailangan mo?"
Hindi ko siya binigyan ng tingin at tuloy tuloy ang pag lakad. Naka simangot naman ako pero tago padin ang kilig ko.
"Alaws naman binibini."
Bigla akong napaisip sa sinabi niya. Alaws? Utot mo. Pero nang tawagin niya akong binibini ay isang tao lang ang naalala ko and it's James.
"Ano? By the way di James lang ang may karapatang tawagin akong binibini."
Pasimple akong umirap at nag derederetso na sa pag lalakad.
May tama na naman yun. Psh.
"Sungit naman, alala mo yung sinabi ko kaha-"
Bigla kaming natigilan sa pag lalakad ng humarang si Izzy sa daan, ano na naman 'to.
"Tinanggihan mo ba ang alok ko?" Mahinahong tanong nito saakin at hinila ako palayo kay Kiel.
Nakita kong umirap si Kiel kaya bigla akong natawa. Haha seryoso? Marunong pala umirap si Kiel.
"What's funny?" Tinaasan niya ko ng kilay at iritadong sinabi iyon. "Ngayon, sa ayaw mo at hindi, tatakbo ka at ipapanalo kita."
Sa wakas ay binitawan na na nya ang braso ko at nginisian lang ako. Damn sinabing ako mag dedecide.
Pumasok na ako sa first subject ko which is History padin naman, because of schedules.
Napansin kong wala na naman yung mga katabi ko pati si Izzy. Halos kalahati ng classmates ko wala."Bilisan mo baba na tayo sa ground floor dali."
"Sandali ibababa ko lang bag ko."
YOU ARE READING
Wild Little Love (Edited)
Teen FictionShe's that girl Gabriell Angeles, an ideal woman of every boys. Everyone caught her attention. She work hard, love hard, and grind hard. Her life is tragic, but she never shows that she's weak. "I thought I can play with other boys, but you're diff...