Hanggang ngayon parang kinikilig padin ata ako. Nawala yung luha sa mata ko pero sa sobrang tagal ko ata sa washroom kakaiyak parang namaga agad ata mata ko, haist.
Tinignan ko lang yung likod ni Izzy, waa. Broad shoulders talaga siya, ang laki kasi ng chest niya samantalang si Kiel mukang payatot. Tss bakit ko ba iniisip yung mokong nayun. Galit ako sakanya hindi lang naiinis basta GALIT!
Dumeretso na ako sa parking tinanggal ko lock ng bike ko tapos sumakay na ako. Ay-- teka san ba naka park tong bike nila Rhon? Aish kelangan ko mapuntahan bahay nila kasi naman itututor ko pa siya sa Science.
Tinignan ko yung mga nakaparadang tatlong bike sa may unahan, waw ha eto lang yung bukod tanging nasa NO PARKING area. Grabe naman to kung sino man may ari nito. Di ko nalang pinansin at nag antay ako sa harap ng gate ng school, pumunta muna ako sa may maliit na eskinita at naupo nakakapagod tumayo nuh!
"Sino ba una nating babanatan?"
"Basta focus on the plan! Si Sheizz Kiel Del Fierro kilala nyo naman yun--"
"Si James! Si James Catolos siya ang hari ng Kings Command remember? Siya ang nanalo last month? Sobrang taas na ng rango niya gusto ko makuha yung posisyon niya kaya kailangan--- blah blah blah"
Ha? Ano daw? Hari? Kings Command? Siguro yun yung mga sinasabi saakin nila Izzy na pinuputol nila. Kasi naman bakit kailangan ko pang marinig yung mga yun?
Ay teka? Babanatan nila si Kiel? Si James? Putcha buti nalang ligtas si Rhon! Ay hindi syempre friends sila kaya kailangan damay siya. E bakit ba kasi yun yung iniisip ko bahala nga sila jan, gulo nila yan e.
Bigla nalang hindi ko narinig yung usapan nila kasi ang hina na e nang makaramdam na ako na madami nang lumalabas, lumabas na din ako sa eskinita sakto naman naabutan ko sila Rhon.
"Uy!"
"Whoaaoaoo!" Nagulat ata si Rhon. Biglang nag salubong yung kilay niya at umayos muka kasi siyang bading haha.
"Tara sa bahay nyo nang matapos na natin tong tutor na to!" Hinila ko kaagad yung bike ko at pumedal na. Psh san naba ako napupunta? Lumingon ako sa likod, aba nakatayo padin sila at titig na titig.
"Ano di ba kayo susunod?!" Galit na sigaw ko, aba gagalitin ata ako ng mga mokong na to.
"Hindi kasi dyan." Mahinahong sagot ni James, aba back to reality naba yung UGALI niya? Pumedal sila patungong kaliwang gawi! Ahh hehe sorry naman papuntang bahay namin ginagawa ko ih.
Sinundan ko lang sila. "Hoy mga tanga! Kasama kayo? Si Rhon lang ang itututor ko!"
Nagulat ako bigla silang lumiko sa maliit na eskinita sa kaliwa din! Dun sa inupuan ko kanina ay hindi-- si James at Kiel lang. Baka kung ano mangyari sakanila.
"Gab bayaan mo sila tara na!" Grabe parang mag eecho sa tenga ko yun a! Bahala nga sila jan!
Nakarating na kami sa bahay nila Rhon, putcha! Seryoso? Parang white house sobrang laki! Grabe naman po lord sana kami din meron.. tapos binuksan yung garage nila sobrang daming bike, different bikes. Motor, mountain bike, bmw bike basta kung ano ano baka nga may ferarri pang bike jan e. Lmao.
Ilang oras naba ako nag lalakad sa hallway ng bahay nila. Naisip ko tuloy si Kiel baka binanatan na sila nung mga lalaking nag uusap, hindi ko kasi nakita yung mga lalaki nakatalikod ako e. Baka mamaya kung mapano silang dalawa ni James lagot na! Lagot na kasi iniisip ko na naman yun.
YOU ARE READING
Wild Little Love (Edited)
Teen FictionShe's that girl Gabriell Angeles, an ideal woman of every boys. Everyone caught her attention. She work hard, love hard, and grind hard. Her life is tragic, but she never shows that she's weak. "I thought I can play with other boys, but you're diff...