[ 0.01 ] : ● Zombie Attack?

53 2 4
                                    

♧♧♧

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


♧♧♧

-- Third Person's View

"Bakit naman dito pa tayo pumunta? Sabi ng lola ko delikado dito!",

"Tahimik kase dito. Walang outside noise. Perfect sa recording!",

"Ewan ko sainyo! basta ako ayoko sa lugar nato. Nakakatakot!",

"Gwen ang ingay mo! pwede shut up ka na lang? Nandito na tayo eh",

"Sa iba na lang kase tayo magshooting! Ayoko sa lugar na to. Parang may kakaibang ambiance. Nakakatakot yung sobrang katahimikan!",

"Eh ba't ka pa kase sumama samin kung ayaw mo? tapos ngayon nagrereklamo ka",

"Baliw ka ba? Para sa grade! Kung hindi ako sumama sa inyo edi wala akong grade",

"Alam mo naman pala eh. Manahimik kana lang",

Hindi lubos maisip ni Gwen na hindi nga nagbibiro ang kanilang leader ng sabihing sa isang abandonang syudad sila gagawa ng film para lang makakuha ng pinakamataas na boto at grado sa isang asignatura.

Mabuti na lamang at napagpasyahan nyang magjacket dahil sa napakalamig na temperatura sa lugar.

Napakatahimik ng buong paligid. Devastated ang bawat kabahayan at establisyemento. Maraming nagkalat na basura na kanilang tinatapakan. Ang bawat pader ay tila anumang oras ay bibigay na.

Hindi nya lubos maisip na sa lugar kung saan matagal nang pinag-iwanan ng sangkatauhan sila susugal para lamang sa isang film.

Ang sabi ng lola nya, sa lugar raw na ito unang pumutok ang balita kung saan kumalat ang isang pambihirang sakit. Tinawag nila ito noong malalang virus pagka't wala ni isa mang doktor o siyentipiko ang nakagawa kaagad ng bakuna at lunas kung papaano ito gagamutin. Ilang taong nagdusa ang lugar na ito hanggang sa isang siyentipiko ang matagumpay na nakagawa ng antidote para sa sakit na ito. Sabi pa ng lola nya, dito rin mismo sa lugar na ito nagawa ang lunas na iyon.

At ngayon, heto sya .. tinatapakan rin ang parehong lugar kung saan maraming tao ang nagdusa at nagmakaawa para lamang sa limitadong bakuna para sa virus na ito, kasama ang sampung kagrupo nya na kasalukuyang abala sa paglilibot at pagkuha ng litrato sa buong lugar.

"I feel so eerie right now", komento pa nya pero wala man lang pumansin sa sinabi nya.

May tumapak naman sa kanyang sapatos kaya sinamaan nya ito ng tingin.

"Sorry", paghingi nito ng paumanhin habang nakapeace sign at nakangiti.

"Mag-ingat ka nga! andumi na tuloy!", naiinis na sabi nya habang pinapagpagan ang parte ng sapatos na naapakan nito.

"Guys did you hear that?", tanong naman ni Hera habang hawak-hawak ang tripod na hiniram pa sa Journalism Club.

Napahinto silang lahat sa ginagawa at pinakiramdaman ang paligid. Ilang segundo silang nagtinginan at senyasan na wag muna gumalaw sa kinatatayuan.

Antidote [ A Sleeping Virus ]Where stories live. Discover now