[ 0.03 ] : ● Getting More Dangerous Pt. 2

18 2 4
                                    

- ♡ SEB

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

- ♡ SEB

"Bakit di pa tayo umaandar Seb?", tanong ni Samantha sa likuran.

Buti naman at may nakapansing hindi pa rin kami nakakaalis sa mabahong lugar na to. Oo ambaho! Amoy nabubulok na pagkaen tapos mga tae na ewan! Basta mabaho mga pre. Buti na lang talaga naisipan naming dumaan sa botika para bumili ng facemask bago pumunta dito.

"Kanina ko pa nga sinusubukan eh pero parang may problema. Ayaw mag start!", bwisit kang sasakyan ka. Bakit ba ayaw mong mag start?!

"Maayos naman tayong nakarating dito pero ngayong aalis na, di nakikisama! bwisit!",

"Di kaya may problema sa engine?", tanong ni Angelo sa likuran.

"Ewan! tingnan ko muna",

Bumaba ako sa sasakyan para tingnan kung ano bang sira nito at ayaw makisama ngayon! Tinaas ko yung hood at chineck ng mabuti if there is any problem--wow english! hahaha.

May mga pinag-uusapan pa sila sa loob pero di ko masyado marinig tapos maya-maya nilapitan ako ni Angelo na bumaba rin pala sa sasakyan.

"Pre amoy na amoy yung gas mula dito kahit sa loob. Nabutas ba oil tank?",

Um-oo naman ako at nakapamewang na nag-iisip paano kaya kapag nalaman to ng papa ni June.

"Kila June pa naman to. Yare tayo sa papa nya",

"Kaya nga eh. Iniisip ko tuloy na baka may iba pa tayong kasama dito bago pa tayo pumunta",

"Kanina ko pa nga iniisip na mukhang zombie yung si manang kanina kung tutuusin. Para tuloy tayong nasa Resident Evil",

"Umayos ka nga!", sabi niya sabay batok kaya binatukan ko rin sya.

"Sakit nun gagu",

"Ano nang gagawin natin ngayon? Ayoko mastock sa mabahong lugar na to",

"Maski ako. Mabubulok kapogian ko dito tsk!",

"Mukha ka pa ring chix. Pakitang motibo kay Cara tapos nanchichix. Dapat sayong asungot ka binibigyan ng title eh",

"Ano na naman?!",

"Your Cassanova Prince", sabi pa nito habang iniimagine yung sinasabi nya sa ere.

"Gagu",

Mula sa kinatatayuan ko, may napansin akong kumikislap mula sa itaas ng isang building sa likuran ni Angelo. Tantya ko, mga nasa 5th floor iyon at maya't-maya kumikislap tapos mawawala at kikislap na naman. Nagtaka naman ako dahil palubog na ang araw at tantya ko'y alas singko na ng hapon tapos hindi na natatamaan pa ng araw yung side na yon na yari sa babasagin. Binalewala ko na lang yon tapos sabi ni Angelo babalik na uli sya sa loob ng van. Sya na raw bahala magsabi na may bumutas sa oil tank namin kaya tinuloy ko yung pag inspection sa sira ng sasakyan.

Antidote [ A Sleeping Virus ]Where stories live. Discover now