[ 0.05 ] : ● Attack

34 3 10
                                    

Dedicated to: whenIsaySandy ♡

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Dedicated to: whenIsaySandy

-♡ Third Person' s View

Napakaraming bagay ang tumatakbo sa isip ng magkakaibigan ng mga oras na yon.

Si Gwen na kanina pa nag-iisip at nagoobserba sa iisang bagay.

Si Hera na nagtataka kung saan nanggagaling ang pinanggagalingan ng isang bar ng network provider nya. Sa kabila noon, sinulit nya ang pagkakataong may signal na at dali-daling dinial ang number sa kanilang bahay para ipaalam sa kanyang mga magulang ang kanilang sitwasyon at makahingi sila ng tulong.

Si Angelo, Alexander at June na labis labis ang pag-aalala sa mga susunod na mangyayari gayong kompirmado ngang may nagmamatyag sa kanila sa dilim.

Si Hailey na kanina pa nag-alala para sa kalagayan ni Cara at pati na rin ang takot na kung tuluyan man silang mahawaan ng inakala nilang lahat na virus na matagal nang nilisan ang lugar na iyon.

Si Samantha na kanina pa iniisip kung makakauwi pa kaya sila ng ligtas at buhay. Kahit na ganoon ang ipinapakita nyang ugali sa mga kaibigan, nag-aalala pa rin sya sa mga ito lalo na ngayong nakikita ang naghihirap na kalagayan ni Cara.

At si Ryan na kanina pa ata umiiyak sa loob-loob nya pero pilit na pinapatawa ang mga kaibigan na balot sa matinding takot, pag-aalala at pagkabahala ngayon.

Lahat sila ay iisa lang ang nasa isip sa mga nagdaan pang segundo.

Sana lahat ng ito ay panaginip lang. At magigising na lang ako sa malambot kong higaan. Mas maganda pang makatulog ngayon sa klase ng pinakaterror naming teacher at masigawan o mapalabas o di kaya'y maguidance kaysa nandito ako sa lugar na to. Mas maganda pang nananaginip na lang ako na may nakita akong banyo tapos iihi ako don kahit sa totoong buhay, umiihi na pala ako sa kama ko. Makakauwi pa kaya kami ng buhay? Makikita ko pa kaya sila mama't-papa? Makakasama ko pa rin kaya sila ate't-kuya? Paano naman ang mga pangarap ko? Matutupad ko pa rin ba yon o hindi na dahil hanggang dito na lang ang buhay ko? Ang buhay ng mga kasama ko ..

Bumuhos ang malakas na ulan. Ang bawat patak nito ay gumagawa ng ingay mula sa mga kabahayang wala ng nakatira, establisyementong nawasak na, sa nagtataasang gusali na nakapalibot sa kanila at sa sementadong kalye kung nasaan silang sampu ngayon.

-- ♡ GWEN

Tahimik at nag-aalala lang naming tinititigan ang kahabag-habag na kalagayan ni Cara.

Hindi na rin nakipagtalo pa si Seb para tangkaing umalis at lakarin ang sinasabi nitong facility ng unang doktor na nakagawa ng lunas sa kumalat na virus noon. Ang imposible naman kase kung nandoon pa yon dahil ilang taon na rin ang lumipas.

Antidote [ A Sleeping Virus ]Where stories live. Discover now