- ♤ ALEXANDER
"Seb, okay ka lang ba?",
"Oo ayos lang pero sakit sa pwet ng sahig ah! akala ko diretso kanal babagsakan ko",
Kinapa ko ang bulsa ko at in-on ang flashlight ng aking cellphone tsaka itinutok kay Seb na nahulog sa manhole.
"Seb umakyat kana. May hagdan naman", sabi ni Hailey sa tabi ko.
"Gunggong bilisan mo baka habulin ka bigla dyan ni Pennywise!",
Napatingin kaming lahat sa nagsalita, di makapaniwala sa narinig naman.
"Seryoso June? sayo talaga nanggaling yan?", di makapaniwalang tanong ni Hera.
Di naman sumagot si June at muling sinilip si Seb na di pa rin umaakyat.
"Ano ba, umakyat kana nga! wag kana tumunganga dyan, hinahanap pa natin yung girlprend mo", naiinis na sigaw na nito kay Seb sa ibaba.
Tumingin samin si Seb na mga nasa itaas.
"Shhh wag muna kayo maingay, may pinapakinggan ako", sabi nya habang nakataas ang palad sa ere saying us to stop. Sinunod naman namin sya at nanahimik kaming lahat habang nakatingin lang kay Seb na nasa ibaba pa rin ng manhole na ngayon ay seryoso ang tingin na ipinupukol sa kanyang harapan habang nakatayo.
After ng ilang segundong katahimikan, muli itong nagsalita.
"There's something wrong here",
"Ba't ka nag-i-english?", tanong ko naman.
"Gagu may mga ingay akong naririnig mula sa di kalayuan. Parang may mga boses na nag-uusap",
Ano?! teka--
"Seb umakyat kana! dalian mo!", halos pabulong kong sigaw sa kanya sa ibaba.
"Jusko Seb umakyat kana!", pabulong rin na sigaw ni Hera.
"Guys parang narinig ko yung boses ni Samantha na sumigaw", sagot ni Seb.
"Ano bang pinagsasabi mo? paano naman mapupunta sa ilalim ng manhole si Samantha? umakyat ka na nga, dalian mo!",
Sandali, manhole? Samantha? mga boses? hind kaya ..
"Seb, tantya mo ba malapit lang rin yung pinanggalingan ng sigaw?", tanong ko rito.
Something formed from my mind.
YOU ARE READING
Antidote [ A Sleeping Virus ]
Mystery / ThrillerA spreading virus. And an antidote. 10 teenagers in an abandoned city. Running, fighting and searching for the antidote. : Credits to the owner(s) for these images I used for this book.