♤♤♤
-- ♡ GWEN
Masasabi kong maswerte kami at wala namang kakaibang nangyari sa amin ng makarating kami hanggang sa pinagparkingan ng van.
Sa tingin ko, hindi lahat ng kutob at hinila ay tumatama paminsan-minsan.
"Alex, akin na yang kamay mo", sabi ko dito nang makapasok na kami sa loob ng van at maayos ang mga gamit namin.
"Wala to. Ako nang maggagamot. Asan na yung first aid kit?", hindi man lang ako tiningnan sa mata. Alam kong masama pa rin ang loob nito sa amin dulot nang hindi natuloy ang shooting namin kanina.
Kung itutuloy naman namin, mas lalo lang kaming mapapahamak.
Binigay ko sa kanya ang medicine kit na nasa bag ko at ginamot ang sarili nya. Hindi naman masyadong malalalim ang mga tinamo nyang sugat gawa ng kalmot ng matanda kanina. Naririnig pa rin namin ang sigaw ng matanda mula dito pero hindi na ganun kalakas. Mukhang nag eecho na lang ito sa bawat building at establishments.
Napatingin naman ako sa kamay ni June, hindi pa nagagamot ang mga sugat nya sa kamay. Dahil nasa harapan nila ako, sa likuran ng driver's seat at nasa gilid ng left window si June na katabi lang ni Alexander, ako na'ng kumuha ng cotton balls sa medicine kit at nilagyan yon ng Agua Oxinada. Nagulat naman sya ng bigla kong hawakan ang kamay nya at dampian ng cotton kaya nalipat ang tingin nito mula sa tinatanaw na window papunta sa akin. Napakaseryoso ng mukha nito. Mukhang nagtataka at nag-alala sa nangyare sa amin.
"Tapos na okay? Wag ka nang mag-isip pa ng kung anu-ano dyan", hinahayaan nya lang akong gamutin ang mga sugat nya sa kamay.
"Buti may dala kang first aid kit Gwen?", komento naman ni Hailey na nasa right window sa harapan. Nasa likurang bahagi naman ng van si Hera; left window at katabi naman nito si Samantha na katabi naman si Angelo sa right window sa likuran. Samantalang si Seb naman ang driver namin at katabi nito sa passenger's seat si Ryan.
POSITION BASED ON GWEN'S VIEW:
Seb ( driver ) | Ryan ( passenger )
Gwen ( back of driver's seat facing them )first row:
Right| Hailey | Cara | Alex | June |Left
second row:
Right | Angelo | Samantha | Hera |Left
---
YOU ARE READING
Antidote [ A Sleeping Virus ]
Mystery / ThrillerA spreading virus. And an antidote. 10 teenagers in an abandoned city. Running, fighting and searching for the antidote. : Credits to the owner(s) for these images I used for this book.