chaewon
inalis ko ang tingin ko sa phone ko para panoorin yung nangyayari ngayon sa may field mula sa may bintana. may nakita akong teacher na papalapit na kay minjoo kaya napagdesisyunan ko na bumaba para puntahan siya.
ang daming nanonood sa kanya as of now and i swear, sobrang nakakahiya tong ginawa niya. nasa may field na ko nang may biglang humatak sa kamay ko. ❝uy chae❞ tawag sakin ni kriesha kaya tumigil naman ako sa paglalakad.
❝galit ka sakin diba?❞ sabi ko sa kanya at lalakad na ulit sana ako kaso pinigilan niya ko. ❝usap tayo❞ sabi niya sakin at tumango nalang ako.
❝sabihan mo nga yung minjoo na yun na tantanan na tayong dalawa❞ sabi niya sakin at sumulyap naman ako dun kay minjoo na nandun parin sa field, dala-dala yung banner na ginawa niya.
❝hayaan mo na, magsasawa din yan❞ sabi ko naman sa kanya. ❝kape tayo❞ alok sakin ni kriesha pero tumanggi ako.
❝no thanks, next time nalang❞ sagot ko at iniwan siya dun para puntahan ko naman si minjoo sa gitna ng field. wait fuck, nakakahiya to kaya tatawagan ko nalang.
kim minjoo
on-going call❝oy tanga❞
❝yes mahal?❞
❝di mo ko kita?❞
❝hindi po❞
❝lingon ka sa kanan mo❞
❝sa likod mo naman❞
❝tas kanan ka ulit❞
❝bobo, pina-ikot lang talaga kita❞
❝badd kaaaaaa❞
❝gago, umalis ka na diyan❞
❝malapit na sayo yung teacher❞
❝nasa likod mo na❞
❝nasan ka ba kasi?❞
❝wag ka malikot, matatamaan mo na talaga yung teacher na nasa likod mo❞
❝sigaw ko pangalan mo pag di ka nagpakita sakin❞
❝dali na minjoo! ang dami na talaga nakatingin sayo❞
❝i don't care, all i can see is you yyiieeeeee❞
❝pft para kang kiti-kiti diyan❞
❝kilig ka naman?❞
❝tangina mo, baka makarating pa yang kagaguhan mo sa principal❞
❝opo, aalis na po❞
❝labyu!❞
kim minjoo
call endedpinanood ko si minjoo na umalis dun sa gitna na field at tumingin sa paligid na para bang naliligaw na palaka. paiyak na yung mukha, tae natatawa ako.
nagtama bigla yung paningin namin at agad naman akong umalis sa kinatatayuan ko pero hinabol niya din naman ako.
❝wait for me, babe!❞ sigaw niya habang hinahabol ako. buti nalang nakita ko si eunbi unnie kaya hinila ko siya at ginawang pangharang.
❝edi kayo na may jowa, nananahimik ako dito eh!❞ sabi samin ni eunbi unnie. ❝unnie! sumbong mo nga yan sa principal❞ sabi ko kay eunbi unnie habang inaalog ko siya.
❝ikaw na magsumbong, nakakahiya kaya yung ginawa niyang minjoo mo❞ sabi sakin ni eunbi unnie. ❝unnie namaaaaaaaannn❞ mangiyak-ngiyak kong sabi.
❝oy ikaw minjoo, layuan mo na to si chaewon ha❞ saway ni eunbi unnie kay minjoo. patuloy naman ako nagtago sa likod ni eunbi unnie at umiiwas sa tingin ni minjoo.
❝kyut mo❞ sabi ni minjoo. ❝creepy, puta❞ sabi ko ng mahina. sinubukan naman ni eunbi unnie na makaalis mula sa pagkakahawak ko sa kanya nang pagkahigpit-higpit.