chaewon
pagkalabas ko ng bahay ay agad namang bumungad sakin tong si minjoo. sinamaan ko siya ng tingin habang nakatingin naman siya sakin na parang sayang-saya na makita ako.
❝ba't ka nandito?❞ tanong ko. ❝sasabay sana ako sayo❞ sagot niya na agad ko namang kinainisan. ❝ulol❞ mahina kong sabi at nagsimula na ko maglakad papunta sa bahay ng jowa ko.
jowa ko na talaga si kriesha, di lang alam ng mga gago kong tropa, si ryujin lang ata may alam. naramdaman kong may sumusunod sakin mula sa likod.
❝gago ka ba?! wag mo ko ilapit sa hinayupak na yan❞ narinig kong sabi ni wooseok kaya napalingon ako at nakita si minjoo na hinihili si wooseok.
❝walanjong panganay ka!❞ sabi naman sa kanya ni minjoo. ❝di ako makikipagbati diyan sa gagong yan!❞ dagdag pa ni wooseok habang nakaturo sakin.
❝mga salita mo ah, sumbong kita sa fafa jinhyuk mo!❞ sabi ni minjoo pagkatapos niya paluin tong si wooseok. ❝excuse me? ako lang pwede tumawag sa kanya ng fafa jinhyuk❞ sabi ni wooseok at inalis niya yung kamay ni minjoo sa braso niya.
❝tinitingin-tingin mo?❞ sabi niya sakin. ❝male-late ka na, hinayupak ka❞ dagdag niya pa. ❝caring?!❞ singit ni minjoo samin. ❝ikaw sinasabihan ko!❞ palusot ni wooseok at pinaghahampas si minjoo.
tumingin ako sa wristwatch ko at fuck, nag-iintay nga pala jowa ko dun. agad akong nagmadali papunta sa bahay nila at iniwan yung dalawa dun na naghahampsan.
❝babe, wait for me!❞ sigaw ni minjoo at napailing nalang ako.
—
sabi sakin nung mama ni kriesha na nakaalis na siya kasi ang tagal ko daw masyado kaya dumeretso nalang ako sa school kasama tong lintek na minjoo na to.
❝babe, ano feeling na magkasabay tayo pumasok?❞ tanong sakin ni minjoo at agad ko binilisan ang lakad ko para malayo-layo naman ako kay minjoo.
❝libre kita kape❞ dagdag niya pa. ❝yoko❞ maiksi kong sagot at sa wakas, nakarating na din kami sa school.
❝lumayo ka sakin hinayupak ka, ayoko ma-issue sayo❞ inis kong sabi sa kanya nang makita ko siya na sinusundan parin ako.
❝parehas tayo ng room so hindi talaga kita sinusundan❞ sagot pa niya sakin with confidence at hair flip kaya inirapan ko nalang siya.
pagkapasok namin sa room ay halos nakatingin lahat ng estudyante samin. umupo agad ako sa tabi ni ryujin. ba't kasi kailangan nasa may gilid na unahan ko tong si minjoo, nakakasusot yung pagmumukha niya.
panay lingon pa sakin at nagpapa-cute pa kahit kadiri yung pagmumukha niya. inalis ko nalang ang tingin ko sa kanya at lumingon kay ryujin.
❝uy gagu, antagal nag-intay si kriesha sayo❞ sabi sakin ni ryujin. ❝sumabay nalang tuloy siya sakin, lagot ka talaga pag nalaman niya na kayo ni minjoo yung magkasabay imbis na kayong dalawa ni kriesha❞ dagdag niya pa.
❝di ko na kasalanan yan, bigla-bigla nalang sumasabay sakin yang minjoo na yan❞ depensa ko. ❝pero hinayaan mo?❞ sabi niya pa sakin. ❝tigas ng ulo eh❞ sagot ko naman.
❝mas lalong nakakainis kasi lagi niya kong tinatawag na babe, wala namang kami❞ sabi ko kay ryujin at bigla niya ko hinampas.
❝wag kang tanga, callsign din natin yan nung di pa kayo ni kriesha chu na yun❞ sabi sakin ni ryujin habang hinihimas ko yung parte na hinampas niya.
❝ang creepy kasi pagdating sa kanya❞ reklamo ko at tumingin saglit kay minjoo bago tumingin ulit kay ryujin. ❝aba basta tandaan mo, may kriesha ka na❞ paalala sakin ni ryujin at tumango nalang ako.