CHAPTER 4: New Hopes

62 3 1
                                    

CHAPTER 4: New Hopes

Busy ang lahat, Lalo na ang mga candidates na tatakbo para sa officers sa schools namin. At syempre, pati narin ang mga campaign managers, abala rin sa paggagawa ng mga paraphernalia for the incoming meeting de avance ng mga tatakbo.

Uwian na at hindi parin kami tapos gumawa ng paraphernalia, Syempre, Di naman kami pwedeng gumawa sa school dahil magsasara din ito ng 5pm. So we decided to continue our work sa bahay ng kaibigan naming si Jeri, ang tatakbong president sa aming partido. Syempre, kasama din namin yung ibang officers na tatakbo, Alangan naman na kaming dalawa lang ang gagawa nun, edi natapos na election, di parin kami natapos dun. Hahaha! So eto na nga ang first day. Natapos na namin ang dapat tapusin. Bukas nalang gagawin ang iba.

-next day-

May classmate kaming sabihin na nating may itsura, maappeal kase siya, si Carlo. Crush ko sana pero nung una, syempre first impression ko nga talaga sakanya ay playboy at mayabang pero di nagtagal, naging close ko na din siya. Hanggang sa hiningi niya yung number ko, and there you go, diyan nag-uumpisa ang lahat. Joke lang. Hahaha. Nakauwi na ang lahat, pati ako. I texted my bestfriend, Stef. Ilang araw na kasi siyang hindi pumapasok kase may sakit siya.

To: Bie'Stef

"Bie, I miss you! Kamusta na yung pakiramdam mo?"

Nag-intay ako for her reply, after 5 minutes, *ziiit ziiiitt* nagvibrate yung phone ko. Tinignan ko kung si Stef na ang nagtext, kaso hindi.

From: Unknown Number

"Goodevening audrey!"

Na-curious ako kung sino so nagreply ako, Kinakabahan ako, I mean, Is this a sign of death threat? Hahaha! Nagiging O.A nako dahil sa mga napapanuod kong movies.

To: 09*********

"Hi, May I know who owns this number?"

*ziiiit ziiiitt* Nagvibrate ulit yung cellphone ko, Tinignan ko baka si Stef na toh,

From: Unknown Number

"Si Carlo to, Audrey. Gising ka pa pala. Akala ko hindi mo na'ko rereplyan eh."

Napaisip ako. Sinong Carlo? Maybe namamalikmata lang ako, and to think na baka si Carl lang to, at nagkamali lang siya ng type kaya nadagdagan ng "o". Pero ba't naman siya magtetext kung siya nga to? Hmmmmm.

To: 09*********

"Hm, Carlo?"

*ziiiit ziiittt*

From: Unknown Number

"Carlo Fuenico, your seatmate. :)"

Oh yeah. I remember, siya yung crush ko ata? Hahahaha! I'm not sure pa kase sa nararamdaman ko para sakanya. LOL. :) Pinangalanan ko na yung number niya para hindi na'ko malito. Kaya ko siya naging seatmate dahil alphabetical arrange ang seat plan namin by our last names.

To: Carlo Fuenico

"Ahh, Yes. May kailangan ka ba? Napatext ka? Gabi na ah. :)"

*ziit ziitt*

From: Carlo Fuenico

"Wala lang. Gusto lang kita makatext. ;)"

To: Carlo Fuenico

"Hahaha! Adik. So topic naman natin?"

*zitt zittt* Aba, ang bilis yata magreply ng loko.

From: Carlo Fuenico

"Kamusta naman ang buhay pagibig mo? :)"

Nako naman. Chismoso to ah! Eto pa talaga ang ntanong. Hmm.

BEWILDERED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon