CHAPTER 6: Untold Feelings
*Audrey's POV*
Ang saya-saya na namin ni Carlo dahil sa pagkukulitan namin dalawa. Di ko alam kung bakit, pero parang crush ko na ata siya. Poishh! Crush lang naman eh? Pagbigyan niyo na'ko. Please? As I'm saying, Ang saya talaga namin, nagtatawanan, nagaasaran at nagkukulitan ng bigla kong makita si Sabrina, yung bago naming kaklase, nagyayakapan sila ni,
Carl. Ang saya saya nila tignan, Kung pagmamasdan mo sila, talagang bagay na bagay nga talaga sila. Sana ako nalang si Sabrina, yung taong nagpapasaya at kasama ng taong mahal niya.Nakakainggit. Sana ako nalang ulit. Hindi ko napansin, bigla nalang tumulo yung traydor kong luha sa mga mata ko, nahiya naman ako kay Carlo kasi siya ang kasama ko, kaya yumuko nalang ako para hindi niya mapansin at tumakbo ako papunta sa CR.
"Audrey!!" narinig ko pang sigaw ni Carlo pero patuloy parin ako sa pagtakbo.
Hindi ko mapigilan yung pag-iyak ko. Kase ang sakit! Ang sakit ng feeling na makikita mo yung mahal mo na kasama yung taong mahal niya. Yung tipong hanggang titig ka nalang sakanila. Gusto mong magselos pero wala ka namang karapatan. I want you back Carl... pero tama naman siguro na kalimutan ko na siya kase wala na siyang pakialam saakin diba? Sabi nga nila, Don't ever worry about things that don't worry about you... Pero hindi na nga ba ako mahal ni Carl? Wala na nga ba talaga siyang pakialam saakin? Tumulo nanaman yung luha ko. And I can't help it.
Minutes past. And sinubukan kong patatagin ang sarili ko. Naalala ko iniwan ko pala si Carlo ng dahil lang dun, pero siguro naman hindi nako hinintay nun. So hinugasan ko na yung sarili ko, buti nalang may sabon dito kaya mas napadali natanggal yung pintura sa katawan ko. Afterwards, Lumabas na'ko ng parang walang nangyare. "Audrey, tatagan mo ang loob ko. Makakaya mo ito." bulong ko pa sa sarili ko habang palabas.
"Audrey!" Bigla namang may tumawag saakin na familiar voice. Napalingon ako sakanya.
"Okay ka lang ba?" nagulat ako ng nakita ko si carlo, akala ko iniwan niya nako kase ang tagal ko.
"Andito ka pa pala? Dapat hindi mo na'ko hinintay." iniwasan ko yung tanong niya, ayaw kong malaman niya na umiyak ako.
"Nagaalala kase ako sayo. Parang umiyak ka kase tsaka antagal mong lumabas sa CR."
Nagulat naman ako sa sinabi niya pero tumawa nalang ako para naman kahit papano akalain niyang hindi talaga ako umiyak.
"HAHAHAHAHAHA! Ano ka ba? Sa tingin mo madali lang magtanggal ng pintura sa katawan? Eh andami kaya neto. Wala pang sabon kaya natagalan ako." huminga ako ng malalim then, "Oh tara na? Baka inaantay na nila tayo." ngumiti ako sakanya na para bang walang nangyare.
Nagsimula na akong maglakad, alam ko namang susunod nalang din yun saakin at tama nga ako. Sinundan niya lang ako pero bakas sa mukha niya ang pagaalala saakin. Kung bakit ba naman kasi pinahalata ko pa na umiyak ako kanina diba. Napahinto ako kase naalala ko na baka makita ko ulit sila at masaktan nanaman ako so I decided na iba ang daanan namin na way instead na dumaan sa mas malapit, pinilit ko nalang na dumaan sa isa pang hallway although mas malayo pero okay lang, atleast maiiwasan ko sila diba. Nagulat naman ako ng biglang nagtanong si Carlo.
"Bakit dito pa tayo dumaan eh mas malapit naman dun?" tanong niya saakin na halatang nagtataka.
"Ha? Ah eh. Gusto ko kasing mag walking, you know? Baka kase kailangan ko na mag exercise, ayaw ko kayang tumaba. Hahahahaha!"
I laughed para hindi niya mahalatang nagsisisinungaling ako.
"Osige. Ahm. Audrey." natigilan nanaman ako. Poishh! Ano nanaman ba Carlo?
BINABASA MO ANG
BEWILDERED LOVE
Ficțiune adolescențiThis is a Story of a Simple Girl, Audrey who once fall in love but didn't make it through happy endings. She tried to get him back in her life but she can't. But there's this boy who has a secret feeling with this girl but has a problem on telling h...