CHAPTER 5: New Bestfriend (A little Flashback on how he had my cellphone number)
*Carlo's POV*
Ang saya niya pala kasama. Kahapon lang kase kami nagkausap pero naging close kaagad kami. Ang gaan ng loob ko sakanya. She remind's me of my childhood bestfriend na si Illusen. Parehas kasi sila ng ugali na Masiyahin, Makulit, Approachable at Fun to be with sila pareho. Napaka similar din nila sa ibang bagay tulad ng mahilig sila sa hello kitty. Parehas din silang mahilig makipag batuhan ng kung anu-anong maliliit na bagay, at ang pinaka nakakapag paalala saakin sakanya ay yung pagka-hilig niya sa pagbanggit ng 'poishh..' everytime na maiinis siya. Kaso nilayuan ako nung kababata kong yun nung inamin ko sakanyang may gusto ako sakanya. Ang babaw no? Parang sa ganung bagay lalayuan niya na kaagad ako. Pero kahit papaano, napapasaya talaga ako ni Audrey. Sana mas maging close pa kami at kung pwede, maging bestfriend ko siya.
Gusto ko talaga siyang makausap araw-araw kaso baka naman makulitan siya saakin, pero sa paanong paraan ba? Nakita ko siyang busy sa paggagawa ng paraphernalia para sa campaign. Kinuha kasi siyang campaign manager ng kaibigan niya. Kung lapitan ko kaya siya? Kung kunin ko kaya yung cellphone number niya? Di naman siguro masamang gawin yun diba?
"Audrey!" tawag ko sakanya.
"Oh? Ang aga-aga pa para manggulo. May problema ka ba Mr. Fuenico?" natatawang sagot niya naman saakin.
"Eto naman, parang tinawag ka lang, may problema na kaagad? Di ba pwedeng gusto ko lang marinig ang napaka gandang boses mo?"
pabiro ko namang sinabi sakanya, pero sa totoo lang, ang sarap talaga kasing pakinggan yung mga tinig niyang mala boses anghel.
"Nako! Wag mo nga akong pinagloloko diyan. Mabuti pa't tulungan mo nlang ako dito sa mga ginagawa ko kesa naglulumandi ka diyan." natatawa naman niyang sabi saakin.
"Hoy Carlo, baka naman pinopormahan mo yan si Audrey. Mahiya ka naman!" sabi ng isa naming kaklase.
"Oo nga. Baka idagdag mo pa siya sa listahan ng mga babaeng napaiyak mo. Hahaha" dugtong pa ng isa naming kaklase.
"Wag kayong magalala. Di ako magpapaloko sa lalakeng ito." sabat naman ni Audrey sakanila.
Di ko alam kung matatawa ako sa sagot niya pero bakit parang nakaramdam ako ng konting kirot sa puso ko. Para bang binalutan ng mga pulang langgam yung puso ko at pinagkakagat ito kahit pa sabihin niyong biro lang niya ito.
"Ano ba kayo. Parang gusto ko lang naman tulungan si Audrey para di siya mahirapan. Diba Audrey?" then I smirked at her.
Bahagya namang umiwas ng tingin saakin si Audrey na para bang nailang ng bigla.
"Oo noh. Lahat naman pwedeng tumulong eh." Sabay bato niya saakin nung tela na ginagamit niyang pang design sa banner atsaka siya aakmang tumayo.
Pero bago pa siya tumayo, bigla ko namang ibinato pabalik sakanya yung tela at saka napunta sa ulo niya kaya bigla siyang natumba at bigla naapakan yung paint at natapon sa paa niya, buti nalang at naka tsinelas lang siya kung hindi ay natapunan yung sapatos niya pag nagka taon.
"Poishh! Ang dumi ko na!" biglang hinawakan niya yung paint at ipinahid sa mukha ko kaya binawian ko siya. Kinabahan ako dun ah.
"Uyyy! Nagkakamabutihan na yung dalawa. Baka magkatuluyan kayo diyan ah."
"Umi-istilong marino itong si Carlo kay Audrey oh. Pre, hinay hinay lang ah."
At nagtawanan naman yung mga kaklase namin, samantalang si Audrey. Tuloy-tuloy parin sa pagpapahid saakin at nang hindi pa siya makuntento, pinaghahabol niya pa yung mga nang-aasar saamin kaya nagtakbuhan naman itong mga to.
BINABASA MO ANG
BEWILDERED LOVE
Novela JuvenilThis is a Story of a Simple Girl, Audrey who once fall in love but didn't make it through happy endings. She tried to get him back in her life but she can't. But there's this boy who has a secret feeling with this girl but has a problem on telling h...