Lintik

11 0 0
                                    


"Pre sobrang sakit talaga hindi ko matanggap na sa lahat ng lalaki na naging nobyo niya nagawa niya pa rin akong lokohin. " Aniya ni Joseph habang umiiyak.

"Tulad nga ng sinasabi nila, may dahilan ang lahat kung ba't nangyari ito sa inyo ngayon..." Pabulong na sinabi ni Mico kay Joseph habang humihipak ng halos ubos na niyang sigarilyo.

"...paano ba yan, papasok ka ba bukas?" Pahabol nito.

"Hindi muna siguro pre, isang subject lang naman tayo bukas." Agad na pagsagot ni Joseph kay Mico.

Nabalot ng katahimikan ang paligid habang pinupunasan ni Joseph ang mga luha niya.

Binasag naman ni Mico ang katahimikan.  "Edi, iinom na lang tayo bukas? Tara?"

"Sana, kayang tanggalin ng alak lahat ng sakit na binigay niya sa akin." May halong pagbibiro man ang tanong ni Mico, hindi pa rin maibaling ang atensyon ni Joseph sa ibang bagay.

"Wala naman talagang sakit ang kayang tanggalin ng alak e, sohuwag tayong uminom. Hindi rin naman ako umiinom." Pinipilit ni Mico na maging magaan ang bawat sandali para kay Joseph.

Alam niya ang mga sakit na pinagdaanan ni Joseph sa mga nakaraang kasintahan nito. Ngunit alam niyang kakaiba ang sakit na nararamdaman ni Joseph ngayon.

"Yung huling yakap niya, sobrang sakit. Mapanakit. Akala ko kapag niyakap ka, kakalma ka. Pero yung yakap niya parang mas nadurog ako." Pag-alala ni Joseph.

"Joseph, mula ngayon, lahat ng gagawin mo e dapat nakatuon sa paglimot sa kanya. Lahat ng magpapaalala sa'yo sa kanya, dapat alisin mo sa buhay mo. Wala na ang mga komunikasyon at kahit anong koneksyon. Mag-uumpisa lahat sa mga proseso na yan."  Pagbibigay payo ni Mico sa kanyang kaibigan.

"Tama ka, magiging malakas ako para sa sarili ko. Mas mamahalin ko na ngayon ang sarili ko. Kalilimutan ko na siya. Salamat Mico. " Niyakap ni Joseph nang mahigpit ang kanyang kaibigan.

"Marco?" Aniya ni Joseph.

Walang pagdadalawang isip ay tumakbo si Joseph sa kinatatayuan nang tinawag niyang si Marco. Nakalimutan na niyang kausap niya si Mico.

"Joseph, sige aalis na lang pala ako anjan na rin naman si Marco ang eks mo. "

Hindi niya alam kung narinig ba ito ni Joseph ngunit hindi na niya piniling lumingon sa  pangyayaring sana'y hindi niya na lang nasaksihan.

Mabilisang KwentuhanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon