CHAPTER 3

16 4 0
                                    

KIANA'S POV

"S-sir, p-pagod na po ako kakatakbo!"hinihingal kong saad sa costumer namin na nagtanggol sakin kanina.

"O-ok,pagod na rin naman ako."tumigil sya saglit at luminga linga sa paligid.

"Dun tayo oh! May upuan dun,para makapagpahinga tayo."naglakad na sya paalis at sumunod na lang ako. Pagkaupo ko ay sya namang pagtayo nya ulit.

"Oh sir,aalis ka na po ba?"maang kong tanong dito.

"Nope,bibili lang ako ng drinks. Nauhaw ako eh. Ano bang gusto mo?"

"Ah,wag na ho. Kakahiya naman,niligtas mo na nga po ako kanina dun sa.."

"Hindi ko tinatanong kung gusto mo, ang sabi ko anong gusto mo?"nakangisi nyang saad sakin.

"A-ah eh sabi ko nga po.Tubig na lang po sir para mura."

"Ok."at umalis na sya at nagtungo sa malapit na tindahan.

Medyo masakit na yung mga binti ko kaya bahagya ko itong hinilot hilot.Bigla akong kinabahan nang maalala ang tyang ko.

"Naku po! Baka nag aalala na yun! Lagot ako kay inay pag sinumbong ako nun."balisa akong tumingin sa orasan ng cellphone ko at nakita kong alas-diyes na ng gabi. At ayon kay tyang hanggang alas-onse lang ang trabaho ko.

"Here."medyo napa igtad ako ng konti ng maramdaman ko ang presensya niya,magugulatin pa naman ako.

"S-salamat sir."

"Teka nga,kanina ka pa sir nang sir eh. Wala na naman tayo sa bar kaya.."

"Ahm,sabi mo magpapakilala ka?"biglang lumabas yan sa pasaway kong bibig,mapagalitan nga mamaya. Nahiya tuloy ako.

"Haha ok,ok. Im Jake. Jake Alex Pondevilla."nakangiti nyang pakilala sakin kaya napangiti na lang din ako. Nakakahawa eh."And you? Ang alam ko Kiana lang pangalan mo."

"Oo, ako nga si Kiana."

"Then? Yun lang?"

"Bakit? Wala naman akong sinabi na magpapakilala ako ah."turan ko dito na ikinahagalpak nya ng tawa.

"Alam mo,para kang inosenteng babae na maraming tinatago."saad nya at tumawa ulit.

"Ano yun?"

"Ang misteryosa mo kasi."sagot niya at tinitigan ako sa mata. Namilog ang mga mata ko nang maramdaman kong pumapatak na ang ulan.

"Waaah! Uulan na!"sigaw kong parang bata.

"Takot ka sa ulan?"

"Hindi,takot lang magkasakit."

"Hayss,basa na rin naman tayo kaya wala na tayong magagawa."

"P-pero n-nilalamig nako eh."sabay yakap ko sa sarili ko kasi lumakas na nga ang ulan. Nagulat na lang ako nang maramdaman kong may bumalot na tela sa katawan mo.

"Use my coat. Halika,ihahatid na kita."turan nya na tinanguan ko lang.

"S-salamat ulit s-si.."

"Jake na lang."nakangiti nyang turan.

"Thank you Jake."

"You're welcome Kiana."

At nagsimula na kaming maglakad pabalik sa kotse nya

*FAST FORWARD*.....
.
.
.
.
Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko at maging ng katawan ko.Sinulyapan ko ang orasan at alas-otso pa lang ng umaga.

"A-ahh! Ansakett ng ulo ko!Pusanggala!"naalala ko na nagpaulan nga pala ako kagabi. Pinilit kong bumangon pero di talaga kaya ng katawan ko.

"Kiana."nag angat ako ng tingin at nakita ko si Tiya Isabel.

The U N E X P E C T E D LoveWhere stories live. Discover now