CHAPTER 4

15 4 0
                                    

KIANA'S POV

"Ang Oa mo."turan nya kaya nanlaki ang mata ko,kasi sino ba naman ang di aakto ng ganon eh akala ko kung anong nilalang na sya.

"Eh malay ko bang ikaw yan. Di ka nagtatawag eh."palusot ko.

"Tss,katok ako nang katok noh. Akala ko tulog ka na kaya sisilipin ko lang sana kung ayos ka na ba,kaya ako umikot dito."

"Ayst,yun lang ba ang pinunta mo dito? Sa ganitong oras pa talaga?"

"Pinuntahan kaya kita sa bar na pinagtatrabahuhan mo,kaso sabi may sakit ka daw kaya dito nako nagpunta."

"Bakit? Anong kelangan mo sakin dun?bat moko pinuntahan?"maang kong tanong sa kanya.

"Wala lang,bakit bawal ba?"

"H-ha? H-hindi naman,pero gabi na. Ayos na naman ako,sakit lang ng ulo to kaya pwede ka nang umuwi baka mapano ka pa sa daan eh di konsiyensya ko pa."

"Haha,grabe ka ha.Pagkatapos moko paliguan ng asin paalisin mo na lang ako ng ganon ganon na lang?"taas kilay nyang saad sakin kaya napakagat labi na lang ako. Oo nga naman noh.

"A-ah eh, magpagpag ka na lang tapos umalis ka na."

"Ano? Magpagpag lang? Pashower naman saglit dyan oh,ang lagkit eh."wow,arte nya ah.

"Eh? Wala kang damit pampalit."

"Maghhuhubad ako."diretso nyang saad kaya nanlaki mga mata ko.

"A-anong s-sinasabi mo? P-pati u-undergarments mo?"

"Oo.Can I borrow your towel?" Di pako nagsasalita ay hinablot na nya ang towel ko at nagpasok pasok na sa banyo.

"Hoy! Wag mong gagamitin yan!"

"Ah oh,hihiramin ko ba to kung di ko gagamitin?"dinig kong sagot nya mula sa banyo.

Sinilip ko pa baka kasi kung ano lang ang ginagawa, napaigtad ako nang biglang lumitaw ang ulo nya sa may pinto.

"OoOps,mukhang curious ka sakin ah. Gusto mong pumasok?"aba! Gagi!

"Tarantado!"at binato ko sya ng unan ko."Maligo ka na dun at nang makaalis ka na!"

"Shampoo!"parang batang saad nya. Nagtatabi kasi ako ng gamit pampaligo kaya may stock ako. Kumuha ako sa cabinet ko at binato yun sa kanya.

"Oh ayan! Bilisan mo!"

"Thanks! Ah nga pala Kiara"

"Ano na naman?"

"Wag mokong bobosohan ha."At mabilis niyang sinarado ang pinto kasabay ang paghagalpak nya ng tawa.

"Gagi!! Bilisan mo na lang! Wag kang assuming na magkakainteres ako dyan sa katawan mo! Manigas ka!!"sigaw ko at lumabas muna ng kwarto.

"Bwisett! Ako pa pagkakamalang namboboso tsk."

Lumabas ako at nagpahangin,mukhang namumula na kasi ako. Guess what,ngayon lang ako may nakasamang lalaki,yung tipong kami lang dalawa sa iisang bahay. Hayst,pasaway ka Jake.

_______________

JAKE'S POV

Tapos na akong magshower at nagbihis na. Pinagpag ko muna yun kasi puro asin. Grabe yung babaeng yun,pagkamalan ba naman akong engkanto. Hayst,nilibot ko ang tingin ko sa kwarto nya.Di ganon kalakihan pero malinis at maayos. Umupo ako sa kama nya habang tinutuyo ang buhok ko.

"Kiara?"tawag ko dito nang mapansin kong wala ito sa kwarto.

"Kiara?"pero walang sumasagot kaya nanatili ako dung nakaupo hanggang sa makaramdam na ako ng antok kaya napahiga na ako sa kama nya.

"Hayss,inaantok nako."bulong ko sa sarili ko at ipinikit na ang mga mata.
_______________

ERIN'S POV

Tapos na siguro yun, kaya bumalik nako sa kwarto. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin ang likuran nyang malayang nakahiga sa kama ko. Aba! Nakiligo na makikitulog pa?!

"Hoy! Ang kapal naman ng muka mo! Bumangon ka riyan! Umuwi ka na senyo!"sigaw ko rito at pilit na pinapabangon.

"Ano ba? Ang ingay mo,Im sleeping."sabay balik sa pagkakahiga.

"Oy! Sleeping sleeping ka dyan! Eh higaan ko yan noh? Mahiya naman!"tinapik tapik ko ulit sya kasi baka makatulog na to ng tuluyan dito.

"Jake! Hoy Jake! Gising!"

"Ang kulit mo naman Kiara eh! Natutulog nako eh,antok nako kaya shut up!"turan nya at tuluyan nang sumalampak sa kama.

Waaah! Inay ko!! Hahambalusin kotong lalaking to!

"Jake ano ba! Tatawag ako ng pulis sige ka! Sasabihin kong rapist ka!"

"TSS,ako rapist? Di sila maniniwala kasi gwapo ako." Jusmee! Nagyabang pa.

"Bumangon ka na kasi dyan at umuwi na sa inyo para dun ka na matulog at nang makapagpahinga na rin ako!"litanya ko rito,kaya bumangon na rin sya sa wakas.

"Hayss,ang ingay parang armalayttt!"reklamo nya na kakamot kamot sa ulo.

"Aba! Wala ka sa bahay mo noh!Sige na alis na!"

"Tsk,sakit sa ulo ng boses mo. Parang bratatatatattat bratatata!! Flat naman!"turan nya na ikinadilim ng paningin ko.

"Aalis ka o hahambalusin kita?!"

"Eto na,lalabas na nga."saad nya at lumabas na ng kwarto ko.

"Umuwi ka na! Babush!"huling turan ko at sinarado na ang pinto para matulog.

*FAST FORWARD**

Mahimbing akong natutulog nang bigla akong magising. Pinilit kong bumalik sa pagkakatulog pero di na ako ulit dinalaw ng antok.

"Haist,ano ba namang pagtulog to. Bitin na naman parang yung Ud ng madalas kong basahin na kuwento."turan ko sa sarili ko at tuluyan nang bumangon.

Tumayo ako at binuksan ang pinto para magpunta sa kusina para uminom,nauuhaw kasi ako,kaso bigla naman akong naihi.

"Aist,ano bang uunahin ko? Tsk,iinom nga muna ako saglit para pisan ang pag-ihi."lumabas ako at nagtungo sa kusina. Kumuha ako ng pitsel at isang baso bago maglakad papuntang sala. Hinanap ko muna ang switch ng ilaw kasi nakagawian ko nang patayin pag mag-isa lang ako.

"Nasan na ba yung switch na yun."(switch on) pagkabukas na pagkabukas ko ng ilaw ay sya namang muntik na pagkahulog ng panga ko. Malapit ko nang mabitawan ang pitsel na hawak ko sa sobrang gulat at asar na naramdaman ko ngayon.

"Jaaaaakkkeeeeee!!!!!"sigaw ko para mapabalikwas sya sa pagkakahiga. Ang mokong di pala umuwi at sa sofa namin natulog? Aba!magaling!

"Aba! At ano pang ginagawa mo dito?!"

"Ha? Eh di ko na talaga kinaya ang antok kagabi eh kaya dito na lang ako natulog. Wag kang sumigaw dyan,patapusin mo muna yung tulog ko."

akma syang babalik sa pagkakahiga nang hilahin ko ang mga paa nya.Syempre binaba ko muna yung hawak kong pitsel at baso.

"Umuwi ka na Jake ano ba!"turan ko rito at mabilis na pinasadahan ng tingin ang orasan.

Mag aalas kwatro na ng madaling araw. Paktay na! Ang tyang ko!

"Jake, umuwi ka na bilis!padating na tyang ko!"natataranta kong saad dito.

"Teka,ssh. Parang may nagbukas ng gate nyo."bigla akong kinabahan sa tinuran nya kaya sumilip ako sa bintana,at anak ng tokwa!pusanggala!yung tyang ko nandyan na!

"Jake magtago ka bilis!bilis! Yung tyang ko nandyan na!"taranta kong saad dito.

"Saan?!"

"A-ah eh dun sa kwarto ko!"At mabilis ko syang hinila papasok sa kwarto ko at sinara ang pinto.

"Oh Kiana,bat gising ka pa?"

"A-ah eh iinom lang ho ng tubig."

"Teka,kaninong kotse yung nasa labas?"

"Ha? A-ahm,Ewan ko po eh. Baka po naflatan tapos iniwan muna dyan."

"Ah,sige magpapahinga nako."

Waaah! Jakeee! Mapapatay talaga kitaaa!!!

The U N E X P E C T E D LoveWhere stories live. Discover now