CHAPTER 14

6 1 0
                                    

KIANA'S POV

Unti-unti akong nagmulat ng aking mga mata at kulay puting kisame ang sumalubong sakin. Tatangkain ko pa lang sanang tumayo nang bigla akong makaramdam ng sakit ng ulo at pagbigat ng katawan,kaya minabuti kong mahiga na lang ulit.

"Teka,n-nasa ospital bako?"usal ko sa nang makitang may mga tangke ng oxygen sa silid.

"S-sinong nagdala sakin dito? Teka,a-ano nga bang nangyari."naguguluhan kong saad at pinilit na alalahanin ang nangyari. Maya-maya lang ay nagbukas ang pinto kaya pumikit ako ulit para kunwari ay natutulog ako.

"Hays,Kiana please wake up.Nag-aalala na ako sayo ng sobra." dinig kong turan ng taong nasa gilid ko. .

"I'll promise Kiana na I will do everything to protect you. I won't let you suffer from this again."usal nito at bahagyang hinagod ang aking  buhok. Parang may kung anong bagay na yumakap sa puso ko , gusto kong idilat ang mga mata ko at magpasalamat sa knya,pero hindi ko magawa dahil may kung ano pumipigil sa akin.

Hindi rin nagtagal at naramdaman kong kumilos siya at kasabay ng pagbukas ng pinto. Palabas na siguro. Bahagya kong nagmulat ng mga mata at nakitang wala na ngang tao sa loob maliban pa saken.

"Hm,parang boses ni Sir Ryler yun. Pero,imposible naman siguro."turan ko habang iniisip ang nangyari, nasa kalagitnaan na siya ng pagninilay-nilay nang biglang magbukas ulit ang pinto kaya napapikit ulit ako. Sa isip ko lang, bakit ba pauli-uli mga tao dito?

"Kiana."usal nito. Boses lalaki rin at mukhang nakikilala ko kung kanino ito.

" Patawarin mo sana ako sa nagawa at nasabi ko sayo. Hindi ko sinasadyang mapagtaasan at mapagsalitaan ka ng ganon,alam ko naman na from the very start ay naging mabuti kang kaibigan para sakin."

Sa naririnig ko ngayon ay parang tinutusok yung puso ko ng paulit-ulit.

"I promise that I will trust you,gumising ka na dyan.Namimiss ko na kakulitan mo.ahm,thank you very much Kiana for being so nice to me. Pangakong hindi na mauulit ang ginawa ko."gusto kong umiyak pero bawal. Maya-maya lang ay naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo.

"Get well soon, Kiana."

'Jake, ikaw ba yan?' Saad ko sa isip ko. I want to open my eyes and tell him that Im okay now. But there's a reason why I can't, and that's the thing that I don't really understand.

_________________

Fast forwarddddd




Ilang araw na rin ang nakakalipas nang makalabas ako ng hospital. Nagulat ako nang sumalubong sa akin ang dalawang mukhang puno ng pag-aalala. Si Jake at Sir Ryler pala ang nagdala sakin doon. Hindi na ako nag-abala pang tanungin sila kung bakit at paano, tanging bukal sa pusong pagpapasalamat na lamang ang naibigay ko sa kanila.

At heto ako ngayon,abalang-abala sa dami ng ginagawa. Train doon,train dito at halos maghapon na lang nakatutok sa computer. Masyadong mabilis ang proseso kaya kailangan naming maghanda. Ang balita ko ay binigyan pa daw kami ng 2 linggo para magprepare pa. Maraming nabago simula noon, hindi ko na madalas makausap si Jake. Pero ramdam ko naman na gusto na rin niya akong makausap,kaya lang sorry siya kasi mataas na pride ko ngayon. Oh diba bongga!

"Ms. Hernandez!" napapitlag ako nang tawagin ako, malapit ko nang makuha eh.

"Yes sir?"turan ko habang nasa computer parin ang focus.

"Done with balancing?" ha? Ano daw? Teka,malapit na.

"A-ahm, not...." Eto na,GOTCHA!!

"Done na sir!" masiglang saad ko rito suot ang isang malapad na ngiti. Finally! Grabe, ang dami ng pinagdaanan ko rito bago ko makuha.

The U N E X P E C T E D LoveWhere stories live. Discover now