CHAPTER 5

14 4 0
                                    

Jake's POV

Mabilis akong nagtago sa kwarto ni Kiana kasi baka mahuli ako ng tyang nya. Narinig kong nag uusap sila sa labas kaya lumapit ako sa may pinto para makinig, pero mahina lang ang naririnig ko kaya mas lumapit pako.

"Ano na kayang pinag uusapan nila?"nilapat ko ang sarili ko sa pinto para pakiramdaman ang nangyayari,pero biglang tumahimik. Nanatili muna ako dun kasi baka wala lang talagang nagsasalita. Paalis na sana ako nang biglang may nagbukas ng pinto.

"A-aray! Balakang ko Kiara!"turan ko sa sakit,di kasi ako nakakapit nang buksan nya kaya ayun nadaig ako ng lakas nya sa pagbukas at eto ako ngayon,sapu sapu ang bandang pwetan na bumagsak sa sahig.

"Ano ba kasing ginagawa mo dyan sa may pinto?"taas kilay nyang tanong nang maisara na ang pinto.

"E-eh wala!"maang ko dito habang tinitiis parin ang sakit.

"Wala ba talaga? O nakikiusyoso ka? May lahi ka palang chismoso noh!"

"Hoy! Sinong may sabi sayo ha?Hindi noh,lalabas na sana ako kasi mukhang tapos na kayo mag usap nang bigla mo namang buksan ang pinto."sagot ko dito na inirapan lang nya.

"Tss,maniwala ako sayo."sarkastiko nyang saad.

"Oh pano,pwede ka nang umuwi. Baka naman gusto mo pang makikain ai sumubra na naman yata ang kapal ng mukha mo!"

"Hehe pwede ba? Kahit na.."

"Hindi pwede! Nakiligo? Nakitulog? Tapos makikikain ka pa?? Ano ka senyoritong ligaw?!"mataray nyang saad na sinimangutan ko lang.

"Sige na. Alis na. Tulog na si tyang kaya umuwi ka na."

"Eh tulog na naman pala eh, ituloy ko na lang pagtulog ko."nakangiti kong saad dito pero pinandilatan lang nya ako.

"No! Hindi!"

"Sige na Kiana, pleasee!"

"Baka gusto mong tamaan ka na sakin!"

"Sus, baka nga ikaw na ang may tama sakin eh."sabay kindat ko sa kanya na mas lalong ikinapula nya.

"Tatayo at uuwi ka na? O hahambalusin kita dyan?!"

"Eto na nga, di ka na mabiro."

"Bilisan mo!"

"Uy Kiana! Itayo mo naman ako!Kasalanan mo kung bakit ako natumba dito!"

"Tse! Tumayo ka mag-isa!"

"Kiana! Kiana! Sige na! Itayo mo nako para makauwi nako!"at inilahad sa kany ang dalawa kong kamay. Pero di nya yun pinansin at dumiretso na sa kama nya 

"Ano ka sinuswerte? Tumayo ka mag isa. Sige na, tapos uwi ka na rin."saad nya at nagtalukbong na ng kumot.

Kaya wala nakong nagawa kundi ang tumayo mag isa at lumabas na ng bahay nila.

Nagdadrive nako pauwi nang maalala ko na naman ang naging eksena namin ni Kiana kanina. Natawa na lang ako habang naiimagine ang galit at naasar nyang mukha.

Kinabukasan


Hayss,lagot ako nito kay sir Ryler. Late na kasi ako nakapasok kasi nakaidlip pako nang makauwi nako sa bahay.

"G-good Morning Sir."bati ko dito nang ipatawag ako nito sa opisina nya.

"You're late Mr. Flanco and you're still greeting me a Good Morning?"walang emosyon nyang sagot. Paktay! Sinasabi ko na nga ba!

"Sorry Sir."

"I don't need your sorry. By the way,alam mo ba kung bakit kita pinatawag dito?"

"No Sir."

The U N E X P E C T E D LoveWhere stories live. Discover now