CHAPTER 7

13 4 0
                                    

RYLER'S POV

I am here now at my office,reading some files in my table while sipping my favorite coffee.

"What kind of balancing is this?! Sa tingin ba nya ay tama ang ginawa nya? Tss"ibinagsak ko ang folder na yon habang minamasahe ang aking sentido.

"Kailangan na talaga namin ng mas magaling at responsableng employee sa kompanya."

I was about to get my fcking phone when suddenly someone knock.

"What is it?"

"Sir,dumating na po ang 30 employees."

"OK,I'll be there for a while."

"Ok sir."

Inayos ko ang suot kong coat pati narin ang necktie. Winahi ang buhok at pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin mula ulo pababa.
"Perfect."

____________________

KIANA'S POV

Nandito kami ngayon sa isang lobby. Hinihintay namin ang boss nila dito. Marami sa kasamahan ko ang katulad ko'y di rin mapakali,puro bulung bulungan at hagikgikan ang maririnig ko dito sa loob. While me, I just remain silent.

"Good Morning everyone!"nabaling ang atensyon ko sa taong nagsalita kaya umayos ako ng tayo.

"I want to introduce to all of you the President of Cranford Company,the one who will test you if you as an employee of this company deserve you. Everyone, Sir Ryler Cranford!"

Nagpalakpakan naman ang lahat nang tumayo ang isang matipunong lalaki na nakaformal suit. Di ko masyadong maninag ang mukha kasi nasa bandang hulihan ako nakapwesto.

"Good Morning! I'll be the one who will be your observer and will rate you in your every performance.We will give all of you a challenge. A challenge that will help everyone to enhace your skills in developing this company. Be ready guys,and Good Luck!"

Bumalik na ito sa upuan nito at yung babae ulit kanina ang nagsalita. Ipinaliwanag nito ang gagawin namin ngayong araw. Medyo kinabahan ako sa word na 'challenge' nung Ryler,ai este ni Sir pala.

"Take your sit everyone!"turan nung babae.

"Im Mrs. Lourdes Anne Timore,ako ang makakasama ninyo sa bawat performance na meron kayo.Goodluck everyone,Im here to guide all of you."

Nagsimula na naming basahin ang isang makapal na booklet na binigay samin. Nandun nakasulat ang lahat ng gagawin namin. At para sa day 1, kailangan lang naming iidentify ang parts ng computer. Goshhh,siguro ngayon lang madali ang gagawin namin, but Im pretty sure na habang patagal ay pahirap narin ang ibibigay saming gawain.

"Alexa Mae Ferrer!"teka anong meron?Pag tinatawag ang name ay may lumalabas sa isang box sa gilid ng computer.

"Kiana Faye Hernandez!"inabangan ko kung ano ang mangyayari.Parang may minamakina ito sa loob,akma ko itong sisilipin nang may tumapat saking kung anong bagay kaya napatuwid ako ng pagkakaupo. Nabasa ko mula rito ang word na 'SMILE' kaya kahit alanganin ay pilit parin akong ngumiti.

I was so amazed!Bigla syang nagtake shot!Camera pala sya,Woah! Ang galing! Spell bano. Then maya maya lang ay may lumabas na isang bagay na hugis parihaba. Kinuha ko yun at pinasadahan ng tingin.

"Next,Lara Herera!"

Wow! Style I.D!

"Listen! That thing would serves us your identification since you'll be part of this company.You need to wear or bring it once you enter here. Is that clear?"

"Yes Maam!"koro naming sagot.

So I.D nga sya. Ang cool ha. Pero teka.

"Yaks,yung mukha ko parang natatae."mahina kong turan kasi baka marinig pa ng katabi ko. Di ko naman alam na I.D pala to eh di sana nginitian ko to ng napakaganda. Ayst,ang shunga ko!Sinabi na ngang smile daw eh.

The U N E X P E C T E D LoveWhere stories live. Discover now